“Ang hirap magtago ng feelings, Yamara, ‘no?”
Natapos na ang finals week, at hindi ko alam kung one hundred percent sure pasado ako sa lahat ng subjects namin. But I did my best—I studied hard and prayed hard. Lahat naman ng type of exam doon sa test papers ay nasagot ko, but I was not sure if all are correct. Pero bahala na… deadma na lang sa bashers.
“Girl, bilib ako sa ‘yo, ah! Magpapasko na lang lahat lahat, hindi mo pa naaamin ‘yang feelings mo sa kaniya. Bakit mo ba tinatago ha?”
“Hindi niya kasi ako gusto…”
That's the truth. Hindi niya ako gusto. Lahat ng mga motibo ay pinakita ko sa kaniya, pero wala talaga siyang naiisip na masama roon. Siguro sa Japan gano'n maglambingan ang mag-best friend, kaya para sa kaniya lahat ng ginagawa ko ay pangkaibigan lamang.
I remembered the moment that happened last month. Kaming dalawa lamang sa loob ng banyo, hinihintay si Sir Deylan na mahanap kaming nagtatago. Sa hindi ko inaasahang pangyayari ay niyakap ko siya nang mahigpit. Ang tanging ginawa niya no'n ay niyakap din ako. He thought I was scared… na may claustrophobia ako. Hindi ko pa nga alam iyong term na ‘claustrophobia’, eh. Kaya noong may time akong pumunta sa computer shop, iyon kaagad na salita ang na-search ko. Fear of small places pala ‘yon.
Ewan ko ba—if he's blind or just purely acting. Hindi ko nakikita sa kaniyang mukha na umaakto siya, and I knew he's not good at it. Imbes na hindi naman talaga ako takot doon o claustrophobic, tumango na lang ako. I don't want to make it hard for him… Ayokong malito siya sa akin, at mas lalong ayokong maputol ang pagkakaibigan naming dalawa.
“Paano mo nasasabi na hindi ka niya gusto? Hindi mo naman inaamin sa kaniya, girl,” tugon ni Yamara sa akin.
“Wala ring mangyayari, girl kapag inamin ko… Baka roon lang din maputol ang pagkakaibigan namin…”
I started playing with my fingers. Nandito kami sa plaza, naka-indian seat sa damuhan habang pinapanood ang mga estudyanteng abala sa paglalaro ng kung ano-ano’ng laro. Bumakas ng lungkot ang mukha ko, iniisip ang bagay na nakakalito.
“Why don't you take a risk, girl, before it's too late?” Inakbayan niya ako, naturang hinihila ako palapit sa kaniya. “There’s nothing wrong with trying, bes. And if worry ka na gano'n nga, wala siyang feelings sa ‘yo o maputol ang friendship ninyo, then paano na ‘yan? Hahayaan mo na lang ba ang feelings mo..? Sinasaktan mo lang ang sarili mo, girl! Swear!”
Napatingin ako sa kaniya. “Ikaw ba, girl? Umamin ka na ba sa isang taong mahal mo?”
Tumango siya. “Oo naman!”
“Ano'ng nangyari?” tamlay kong tanong.
“Wala,” chill niyang sagot. “Hindi niya ako gusto, eh. Okay lang ‘yon! At least I took the courage to speak my feelings to him.”
I bit my lower lip. “Ayoko ng gano'n… Ayokong walang mangyari.”
Umirap siya. “Girl, hindi puwedeng bida ka sa lahat ng bagay araw araw! Minsan, kailangan mo rin tanggapin na gano'n talaga. Besides, I just think of the rejection as a positive one. Iniisip ko na, ah..! Maybe naka-destined ako sa ibang tao. Or maybe… hindi pa talaga ‘yon ang perfect timing.”
“When do you think is the perfect timing, girl?” bigla ko na lamang natanong. I wanted to know… para malaman ko rin kung kailan ang timing na masasabi ko ang feelings ko kay Haru.
She smiled. “I really don't know. May iba iba kasi tayong timing sa buhay, eh.”
“Ikwento mo sa akin ang perfect timing mo,” pangungulit ko pa. We have different timings, kaya gusto kong malaman ang sa kaniya.
BINABASA MO ANG
𝐅𝐥𝐨𝐫𝐞𝐬𝐜𝐞𝐧𝐜𝐞: 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐁𝐥𝐨𝐬𝐬𝐨𝐦
General FictionFlorescence: Love Blossom is a story about two teenagers blossoming their feelings for each other. Zinnia Natsuki is an average type of student who dreams of becoming a musician in the future. She did not come from a wealthy family but she definite...