Chapter 20

22 1 0
                                    

Ang bilis ng pangyayari.

Hindi man lang niya ako binigyan ng oras para makasalita o makapag-react sa sinabi niya. Basta na lang siyang lumakad paalis ng gymnasium, iniwan akong mag-isa rito. Sa bawat hakbang niya palayo, iniisip ko unti unti ang huling sinabi niya sa akin.

Habang pabilis nang pabilis ang pagtakbo ng oras ay napagtanto ko na nang mabuti na hindi na kami sa isa't isa.

My knees went weak so I dropped down on the floor. Umawang ang mga labi ko at lumaki rin nang kaunti ang singkit kong mga mata-nabigla... natulala... nasaktan. Because of the burst of emotions, my tears fell.

"Zinnia..."

Luhaan akong napatingin sa mga kaibigan ko... na kaibigan din niya. Akala ko nakauwi na sila pero hindi pa pala. Bigla ko tuloy naisip na baka nakita nila ang pangyayari, dahil na rin bumahid ng alala ang mukha nila habang pinapanood ako ngayon.

Unti unti silang lumapit sa akin. Si Yamara at Yuna ay umupo rin sa sahig para mayakap ako. Naiyak na ako nang tuluyan nang dahil sa biglang pag-comfort nila.

"Wala na kami..." I said honestly. "Ang dali niyang sabihin 'yon sa 'kin... na parang hindi niya ako minahal nang lubos..."

"Sorry, Zin..." salita ni Michael. "Sinubukan namin kausapin siya, kaso ayaw niya talagang makipag-usap sa amin."

I rested my head on Yuna's shoulder as I clung on Yamara's arm. Iyak lang ako nang iyak... Ugly crying kumbaga. Ang sakit sakit ng nararamdaman ko ngayon. Isa, dahil sa naghiwalay kami. Pangalawa, dahil sa babalik siya ng Japan. Pangatlo, dahil nasaktan ko siya. Pang-apat, hindi ko na siya maki-usapan pa. Pang-lima at pang-huli... wala nang pag-asa... Babalik na siya sa Japan... mapapabilis ang pag-mo-move on niya.

Somehow there's a question in my mind: Minahal niya ba talaga ako? Or was he pretending to love me to not hurt me.

"Girl, I know it would be hard for you, but please don't forget to take care of yourself," Yamara said softly. "Alam kong matapang kang babae... Iiyak mo lang 'yan, tapos hanap ka na ng iba."

Umiling ako. I promised myself to not fall in love again. But if it's him again..? Would it be easy to accept him again? Siguro kakailanganin ko ng maraming oras para matanggap siya ulit. Pero ang alam ko... hindi ko kayang hindi siya mahalin ulit... He showed me all of the meanings of love that I could never find in another guy.

"Baka puwede mo pa siyang kausapin, Zin... Baka nagkamali lang siya o nadala sa emosyon niya," Yuna muttered.

I heard Yamara hissed. "Girl, please... Hindi nakakatapang ang sinabi mo-karupokan 'yan. Let's be real, he made it clear to her about ending things. Nag-sorry pa nga siya bago niya sabihin 'yon, eh! Hindi 'yon nagkamali o nadala sa emosyon. Kung nadala siya sa emosyon niya, he won't say something stupid like that. Sana sinabi niya lang na bibigyan lang ang isa't isa ng space or something."

"Haru may sometimes say or ac-"

"Puwede ba, Yuna? Let's not talk about him. Mas lalo lang masasaktan at magiging mahirap para kay Zinnia."

"Sorry..." I heard Yuna mutter.

Inayos ko na ang sarili ko ng upo. Inalis ko ang mga luha sa mukha ko bago tinignan silang lahat.

"Babalik na siya ng Japan..." I spoke to them.

"Tapos?" Yamara's forehead creased.

"Nakita ko ang laman ng Messenger niya... I was wrong... He did not do something stupid..." I bit my lower lip. "May problema siya tungkol sa pamilya niya... kaya umaakto siya ng gano'n."

"Naiintindihan ka namin, Zinnia at pati na rin si Haru," Yamara answered. "Pero sana huwag mong ipilit ang sarili sa kaniya kung ayaw na niya."

"Yamara is right, Zin," Yuna agreed. "Mas mabuti kung irespeto muna natin ang desisyon niya... Ayaw niya sigurong masali ka pa sa problemang kinahaharap niya at ng pamilya niya..."

𝐅𝐥𝐨𝐫𝐞𝐬𝐜𝐞𝐧𝐜𝐞: 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐁𝐥𝐨𝐬𝐬𝐨𝐦Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon