“I love sushi!”
Umangat ang tingin ko kay Haru na masayang kumakain ng sushi. Kanina ay pinasok muna namin ang luggages niya sa loob ng kaniyang condo. Malapit lamang ang condo niya rito sa Tokyo. Pagkatapos no'n ay nagdesisyon na kaming kumain. We thought a lot about what restaurant we should visit and eat, until the sushi just became the top choice for us. We both loved sushi!
I smiled cutely, even closing my eyes. May sushi pa rin sa loob ng bibig ko, kaya parang lumulubo ang mga pisnge ko. Kagaya niya ay sobrang masaya rin ako habang kumakain ng mga pagkaing ito. Ang dami naming in-order. I never thought he would eat a lot. Nagutom nga talaga siya sa flight niya, kahit may mga pagkain naman naka-serve roon.
“Huy… akin ‘yan…” sambit ko bigla nang tinuhog din ng chopsticks niya ang tinuhog ko nang sushi.
Akala ko ipaparaya niya ‘yon sa akin, kaso kinuha na talaga niya ‘yon nang tuluyan gamit ang hawak niyang chopsticks. Hindi ako makalaban. I was speechless. May parte nga rito sa isipan ko na baka hindi na niya ako mahal.
“Say ‘ah’...”
Nawala kaagad ang iniisip kong masama nang pina-airplane niya ang kinuha niyang sushi papunta sa bibig ko. What I did was to open my mouth and accept the food immediately. We both giggled together after that.
“Akala ko talaga kakainin mo…” I pouted a bit. “My heart is going to hurt talaga.”
Uminom muna siya ng tubig, tsaka hinaplos-haplos ang tiyan. “Busog na ako… Hindi ko na kayang kainin.”
My eyes squinted. “So kung hindi ka busog, kakainin mo talaga ‘yon?”
He gave a smirk. “Of course!”
I was defeated. Parang may invisible black na bumagsak sa ulo ko, sumasabay sa pagkasawi ko ngayon. Parang weather pala ‘tong sweetness niya.
Imbes na i-big deal ‘yon ay ngumiti na lamang ako. May sushi pa ako sa plato ko, kaya naman nilagay ko kaagad ‘yon sa plato niya.
He shook his head. “Busog na ako, Zinny.”
“Busog na rin ako,” sagot ko pa, hinaplos-haplos na ang tiyan ngayon.
Medyo nanlumo ako nang kaunti nang dahil sa may bilbil na ako sa tiyan ko. I tried to reassure myself na kumain kasi kami kaya ganito. Pero kahit na hindi kami kumain, may bilbil pa rin ako. Parang hindi na ako katulad no'ng dati na payat… parang tumataba na ako.
Sabi nila kapag masaya ka at in love, tumataba ka talaga. Pero bakit si Haru ang ganda ng katawan niya? Parang hindi naman siya tumataba. Oh yeah, because he goes to the gym.
Isa na nga lang natira na sushi, wala pang may gustong kumain no'n.
“Bato, bato pick,” paghahamon ko pa sa kaniya. “Ang talo, siya kakain ng natitirang sushi.”
“Game.” He accepted the challenge confidently.
Nagsimula na kaming mag bato, bato pick. Ang sa akin ay gunting, pero talo ako. Bato kasi sa kaniya.
Wala akong magawa kundi kainin na lang ang kaisa-isang sushi. Masarap kumain nito pero kapag busog na talaga, malulungkot ka na talagang kumain pa.
BINABASA MO ANG
𝐅𝐥𝐨𝐫𝐞𝐬𝐜𝐞𝐧𝐜𝐞: 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐁𝐥𝐨𝐬𝐬𝐨𝐦
General FictionFlorescence: Love Blossom is a story about two teenagers blossoming their feelings for each other. Zinnia Natsuki is an average type of student who dreams of becoming a musician in the future. She did not come from a wealthy family but she definite...