Zinnia Natsuki Gonzales Solitividad
Public
Magandang Umaga po sa inyong lahat. Gusto ko lang po magpasalamat sa mga taong nag-abot ng tulong po sa amin na mailipat si Mama sa ibang hospital at mabayaran din ng buo ang natitira naming bills sa isang hospital kung saan nadala si Mama. Labis labis po ang saya at pagpapasalamat namin ni Kuya sa inyo. God bless you always po. ♥️Gusto ko rin po magpasalamat nang sobra sobra sa ibang tao na patuloy nagdarasal sa pagbuti ng kalusugan ni Mama. Malaki po iyon na bagay sa amin ni Kuya at pati na rin sa patuloy na paggaling ni Mama. God bless you always din po sa inyo. ♥️
I was smiling while reading my Facebook post for the last time.
Nakikita ko sa ibang mga Facebook user na rito sila nag-po-post ng thank you message nila, kaya nagdesisyon din ako na mag-post ng mensahe rito para sa mga taong nag-abot ng tulong sa amin. Hindi ko kasi makita ang account ng iba, at ang iba naman na nag-abot ay anonymous, kaya napag-isipan ko na rito na lang mag-post baka sakali makita ng iba. Pero kahit na hindi makikita ng iba, sana maabot pa rin sa kanilang mga tirahan ang pasasalamat ko.
God is really good. Hindi Niya kami pinabayaan sa mga araw na akala namin wala na kaming pag-asa pang mailipat si Mama o mabayaran ng buo ang iba pa naming bills sa hospital. Kahit hindi man namin ma-celebrate katulad ng iba ang Christmas, okay lang ‘yon. Ang importante maging mabuti lang ang kalagayan ni Mama. Tsaka, hindi ko naman hahayaan na wala kami ni kaunting handa. Bibili ako ni kahit kaunting mga pagkain lang, sakto lamang sa aming apat. You heard it right, apat dahil kasama si Haru.
“Pretty girl!”
Nabigla ako nang kaunti sa kinauupuan ko dahil sa biglang pagtawag ni Haru sa akin mula sa hallway ng hospital. Nag-echo kasi ang boses niya. At tsaka, nakakahiya… May ibang tao rin dito sa hallway.
“Bakit?” tanong ko nang nandito na siya sa harapan ko.
His brows furrowed. “Ano'ng bakit?”
“Bakit ka sumigaw kanina?” naguguluhan kong tanong.
“I'm not shouting,” he defended. “I was just calling you.”
Napailing na lamang ako at natawa. “Huwag mo nang ulutin ‘yon… Ang daming tao… Nakakahiya.”
He snorted before he sat down beside me. “Sorry, Zinny. I'm just being enthusiastic today.”
Inabot niya sa akin ang Jollibee fries at isang Sundae. Nga pala, nagpaalam siya sa akin kanina na bibili lang siya ng pagkain. Ang akala ko para sa kaniya lang, binilhan niya rin kami ni Kuya.
“Salamat, Haru,” sabi ko sa kaniya. “Pero hindi mo na kailangan bilhan kami… Nakakahiya na…”
He dropped his shoulders as he rolled his eyes. “Stop with the word na ‘hindi’ at ‘nakakahiya’, Zinny.”
I couldn't help but chuckle at his reaction. Naiirita na siya ngayon kapag pinagsasabihan ko siya. I mean, palagi niya kasi kaming sinasali sa tuwing bumibili siya ng pagkain… Baka magtaka parents niya kung bakit nauubos kaagad monthly allowance niya. At tsaka, nag-abot din siya ng pera sa amin, labis labis na ang tulong niya.
“Oh sige, thank you, love.” I moved closer to plant a soft peck on his cheek. “I love you.”
Umirap siya, hindi sa irita, dahil sa kilig na nararamdaman. I could even see how his ears reddened from what I did. Ang akala ko talaga ako ang pinaka-sweet sa amin, tutal ako naman ang unang nagkagusto sa kaniya, it turned out na ako pala ang not showy sa amin when it comes to physical affection. Siya pa ang pinaka-sweet talaga. Ewan ko ba… Siguro kapag nasa legal age na kami… kasi I don't trust myself, eh. Madali akong mahulog talaga sa patibong… sa kaharutan… kalandian.
BINABASA MO ANG
𝐅𝐥𝐨𝐫𝐞𝐬𝐜𝐞𝐧𝐜𝐞: 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐁𝐥𝐨𝐬𝐬𝐨𝐦
General FictionFlorescence: Love Blossom is a story about two teenagers blossoming their feelings for each other. Zinnia Natsuki is an average type of student who dreams of becoming a musician in the future. She did not come from a wealthy family but she definite...