Chapter 2

30 3 1
                                    

Nang nagsimula na ang pasukan ay ‘yon ang pagkakataon upang itanong ni Yuna ang tungkol sa pag-alis ko bigla sa apartment ni Haru. Matagal na panahon na ‘yon—mga May 24 ata ‘yon—pagkatapos ng birthday ko. Pero ngayon, naalala pa rin niya at itinanong pa sa akin.

“Kasi… ang paalam ko lang ni Mama no’n ay mag-co-computer lang ako saglit. Alam mo naman ‘yon si Mama, bigla na lang mag-alala kung bakit hindi pa ako umuwi agad.”

Iyon ang naging sagot ko sa kaniya. Pangit din naman isagot ko na dahil sa ugali ng boarders nila kaya ako umalis, kahit ‘yon naman talaga ang dahilan kung bakit sumama ang loob ko at nag-walk away na talaga, hindi na out.

“Alam mo ba nagtaka si Haru no’ng araw na ‘yon?” bigla niyang bring up.

Umayos ako ng upo sa armchair. Mabuti na lang at katabi ng boarders niya ang mga new friends nito, kaya naman free kaming dalawa pag-usapan ang mga bagay bagay.

At ano ang sabi niya? Nagtaka? Wow! Bakit magtataka? Alam naman niya, eh! Siyempre mag-a-acting ‘yon na nagtataka dahil crush siya no’n!

“Ah, talaga?” tugon ko na lamang.

Ayoko na pag-usapan siya. Hindi ko na siya crush. Ang sakit kaya sa puso ‘yong ginawa niya sa akin noon. Imagine, nagmukha akong tanga. Sabi ko pa nga no'n gusto ko magmukhang tanga sa kaniya, pero hindi in a bad way… Hindi gano'n na mga moment.

Nakita kong tumango si Yuna sa akin. “Oo, bes. Lumabas pa nga raw siya, eh, para habulin ka… Kaso hindi ka raw niya mahabol kasi ang bilis mo maglakad.”

Napa-tsk ako. Aysus! Mga reason ng boarders niya bolok! Hindi mahabol? Long legs nga ‘yon kaysa sa akin tapos hindi mahabol? At tsaka, bakit hindi na lamang niya tawagin ang pangalan ko kaysa habulin ako? Tutal alam naman niya ang pangalan ko, eh.

Mukha ba talaga akong uto uto para hindi ko malaman ang mga bagay na ‘yon? Dapat nga mag-apologize ‘yong boarders niya kasi nasaktan nito ang feelings ko.

“Talaga? Hinabol niya ako?”

“Oo naman, Zin! Feel ko nga parang nahihiya siya sa ‘yo.”

Pumangit ang tingin ko sa kaniya. Nahihiya o nandidiri?

Umiling ako. “Kalimutan na lang natin ‘yon, bestfriend. Babawi talaga ako sa ‘yo sa susunod.”

“Babawi lang sa akin?” Nag-iba ang ekspresyon niya. “Eh kay Haru?”

“Babawi rin,” ngiti kong tugon. Babawian ko ng buhay. Joke!

Mabuti na lang talaga at iniba niya ang topic. Napunta ang topic namin sa crush niyang classmate rin namin. Siyempre, hindi mawawala ang kilig habang nagkukwento, tapos mga body movement habang ang mga mata may pasulyap-sulyap pa nito. Hindi ko alam kung bakit may halong satisfaction sa kaloob-looban ko nang ikwento niya na crush pa rin niya ang crush niya noon pa man. Ibig sabihin hindi napantayan ng charms ni Haru ang sa ultimate crush niya.

Noong tumawa siya ay sumabay na rin ako. Pero ‘yong tawa ko ay hindi dahil kinikilig din sa crush niya, kundi pang-asar kay Haru. Deserve. Hindi nabibili ang manners.

Ang galing talaga ni bestfriend. Alam niyang may something off kay Haru kaya hindi niya naging crush. Certified matalino talaga ito!

“Hi, Natsuki!”

Napalingon ako sa bandang likuran ko dahil may tumawag sa pangalan ko. Lumawak ang ngiti sa aking mga labi nang nakitang si Arel pala ‘yon. Isa rin siya sa mga kaibigan ko, at super duper galing niya sa art. Lodi ko ‘tong taong ‘to!

Lumapit ito sa akin at malambing akong niyakap na parang ilang taon na kaming hindi nagkita.

“I missed you muchie, Natsuki!” sabi pa niya bago ibigay ang mga chocolate na dala niya.

𝐅𝐥𝐨𝐫𝐞𝐬𝐜𝐞𝐧𝐜𝐞: 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐁𝐥𝐨𝐬𝐬𝐨𝐦Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon