“Kanino ‘tong phone naka-charge?”
Kaagad kong tinaas ang kamay ko nang nagtanong si Michael tungkol sa phone ko na naka-charge. Na-lowbat kasi ako kanina, kaya nag-charge ako roon sa available na saksakan. Wala rin kasi kaming kuryente sa bahay, kaya kahit na bawal mag-charge dito sa classroom ay matigas pa rin ang ulo kong ginagawa ‘yon. Ginagawa ko lamang ‘yon kapag walang teacher dito sa loob, at tsaka, okay lang din sa mga kaklase ko kasi ginagawa rin nila ang ginagawa ko.
“One hundred percent na, Zin!” balita niya sa akin bago mahinang tinanggal ang saksakan para maabot niya sa akin ang cellphone at pati na rin ‘yong charger.
Abala ako kakabasa kanina, nahinto lamang no'ng nagtanong siya. Kaagad akong nagpasalamat sa kaniya sa pag-abot no'n. Pagkatapos no'n ay binuksan ko ang cellphone at iyong data para makita ang panibagong messages.
Nga pala, hindi ko nasabi tungkol sa kapag walang klase, saan ako nag-cha-charge ng cellphone? Sa computer shop na pinupuntahan ko, may charging station din sila, kaya roon din ako nag-cha-charge. May bayad pero katulad lang din sa oras mo sa pag-co-computer. Five pesos if thirty minutes, ten kapag one hour. Aabutin ng three hours bago ma-full charge ang cellphone ko, kaya trenta pesos nababayaran ko. Okay lang din naman kasi katulad lang din ‘yon ng pag-co-computer ko. Mostly, tatlo o apat na beses akong nag-co-computer sa isang linggo, minsan singko pesos o minsan diyes pesos. Kaya pareho pareho lang talaga ang gastos ko sa dalawa.
Absent ngayon si Haru kaya nag-send kaagad ako ng message sa kaniya sa Messenger. Hindi rin kasi alam ni Yuna kung bakit absent ito. Wala rin kasi ito sa bahay, kaya wala siyang alam. Maliban pa roon, hindi ito nag-send ng message sa group chat namin.
Zinnia: Haru
Zinnia: Bakit ka absent?
Zinnia: Okay lang. Wala tayo class naman.
Napabuntong hininga ako. Hindi pa rin siya nagse-seen sa mga mensaheng inabot ko sa kaniya. Siguro nga wala siya sa apartment niya dahil nandoon siya sa lola niya. I'm still not sure.
“Wow naman ang Zinnia! Worried girlfriend!” asar bigla ni Yamara sa akin. Nakita niya kasi ang alala sa mukha ko habang nakatingin sa cellphone.
Napatingin ako sa kaniya. “Hindi pa kasi siya nag-se-seen… at tsaka imposible hindi siya makapag-reply sa akin, may WiFi kaya sila roon sa bahay ng lola niya.”
She raised her brow. “Wifi? Sa bukid?”
Nang dahil sa tanong niya ay napakunot noo ako. “Hindi ba puwedeng magkaroon ng WiFi sa bukid?”
Siguro walang signal sa sim, pero hindi ako sigurado sa WiFi. May napuntahan kasi ako medyo malapit sa bukid—walang signal sa sim pero may piso WiFi.
“Feeling ko walang WiFi ang lola niya,” sagot ni Yuna. “Hindi naman kasi ‘yon nag-ce-cellphone.”
Napatango-tango ako. Oo nga ‘no..? Sayang din iyong bill ng WiFi kung minsan lang bumibisita si Haru sa bahay ng lola niya. At tsaka, may WiFi siya mismo sa apartment niya, kaya no need na siguro kapag magpa-wifi pa lola niya sa bahay nito sa bukid.
“Pero noong kasi na-hospital si Mama, naka-message siya sa ‘kin,” sabi ko pa. Ayaw talaga magpatalo ni self.
“Ay hala! May superpowers ‘yang boylet mo,” sagot pa ni Yamara.
Bigla akong natawa. “Ewan ko sa lalaking ‘yon… Hindi ko ma-predict talaga.”
“Unpredictable talaga si Haru,” sang-ayon pa ni Yuna.
Tumango si Yamara, sang-ayon di sa amin. “True, mga mamsh. Ang hirap basahin.”
“Bakit mo kasi babasahin? Libro ba siya?” asar pa ni Yuna sa kaniya. “Joke lang, mamsh.”
BINABASA MO ANG
𝐅𝐥𝐨𝐫𝐞𝐬𝐜𝐞𝐧𝐜𝐞: 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐁𝐥𝐨𝐬𝐬𝐨𝐦
General FictionFlorescence: Love Blossom is a story about two teenagers blossoming their feelings for each other. Zinnia Natsuki is an average type of student who dreams of becoming a musician in the future. She did not come from a wealthy family but she definite...