Chapter 3

29 2 0
                                    

Lumaki nang husto ang singkit kong mga mata nang dahil sa kanila. Para ba'ng nakakita ako ng multo. Sa kabilang banda naman, si Haru ay prente lamang nakaupo at nakatingin sa kanilang inaasar kaming dalawa. Tila wala siyang naging strong reaction doon. Wala lang… chill lang siya. Para talagang gawa sa robot ‘tong tao na ‘to!

Isa rin ‘to sa mga dahilan kung bakit napipikon ako sa kaniya. Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya ay para ba'ng balik bato na naman siya; wala na namang pakiramdam sa mundo at sa mga taong nakapaligid sa kaniya. Hirap na hirap siyang ilabas ang emosyon niya. Hindi siya marunong umakto nang naaayon sa gusto niya. Kaya naman imbes good impression ang matanggap niya, puro tuloy negatibo… kasi ‘yon ang nararamdaman ko sa kaniya.

“Nawala lang ako ng saglit, may love team na agad!”

Namula ang magkabilang pisnge ko nang narinig ko ang sinabi ni Sir Deylan habang kilig na ngumingiti sa aming dalawa. Kung puwede lang talaga ibalik sa simula ang lahat… kung alam ko lang na ganito ang magiging resulta ng pakikipag-usap ko sa lalaking ito, e’di sana hindi na lang ako nagpapansin.

Hindi ko alam..! Ang puso ko ay nanginginig sa kilig. Bakit hindi ko siya ma-uncrush? Hindi ba talaga easy ang bagay na ‘yon, self?! Tagilid na nga ang ugali niya… uncrush na natin, oh! Parang awa mo na.

“Lowkey lang pala kayo, ah!” asar pa nga ni Michael sa amin.

Supportive friends ‘yan? Tsk. Bakit natiis nilang kaibiganin ang lalaking ‘to!

Umiling ako sa kanila. “Kinukuha ko lang kasi ang hair clip ko… Ayaw niyang ibigay…”

Nang dahil sa sinabi ko ay mas lalo silang tumili sa kilig.

“Naglinis lang ng banyo, may nabuong love life na bigla!”

“Inggit ka, Yamara?”

“‘Yan ang sinasabi ko sa ‘yo, Luno. Maging si Haru ka… Huwag kang torpe!” sabi pa nga ni Emmanuel sa kay Luno.

Si Luno ay isa sa mga kaibigan ni Haru. Para ngang mas close silang dalawa, kasi nakikita kong nag-uusap talaga sila. Never ko siyang nakitang nag-snob nito o napagod kakakinig sa mga sinasabi nito.

At siyempre, si Luno… crush niya si Yuna. Hindi alam ni Yuna na may crush ang crush niya sa kaniya. Tama ang narinig ninyo, may crush si Yuna kay Luno. Si Luno ang tinutukoy niya na long time crush niya. Kaya hindi niya alam na may crush ang crush niya sa kaniya, kasi first time namin naging classmate si Luno, tapos ngayon pa lamang nagka-crush ito sa kaniya. Kumbaga, na love at first sight ito noong nakita siya first day of school. ‘Di ba, ang dami kong alam? Naikuwento kasi ‘yon ni Yamara sa akin. Pero siyempre, secret lang namin ‘yon dalawa.

“Emmanuel naman!” gulat na bulas ni Luno kay Emmanuel. “Ang ingay mo talaga!”

Napangisi lamang si Emmanuel sa kaniya.

Mabuti at hindi ‘babe’ ang tawag niya kay Luno ngayon. Lagi kasing ‘babe’ ang tawag niya nito, eh. Alam mo ‘yon, natural na asar ng magkaibigan.

At tsaka, may crush din itong tao na ‘to kay Yuna, eh. Madaming nagka-crush sa bestfriend ko. Sino naman ang hindi ‘no?! Ideal girl, eh! Iba rin..!

“Huy, Luno,” biglang tawag ni Sir Deylan nito. “Sino ba'ng pinapahiwatig ni Emmanuel sa ‘yo?”

“Wala, Sir,” sagot naman ni Luno. “Mahilig lang talaga siyang gumawa ng kuwento.”

“Wala na lang, Sir,” tugon naman ni Emmanuel habang asar nakatingin nito. “‘Di, Sir. Secret lang muna sa ngayon. Baka kasi umiyak ‘tong si babe, eh. Ma-F.O pa kami… ayaw ko pa naman mangyari ‘yon.”

𝐅𝐥𝐨𝐫𝐞𝐬𝐜𝐞𝐧𝐜𝐞: 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐁𝐥𝐨𝐬𝐬𝐨𝐦Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon