Chapter 30

19 2 0
                                    

It has been seven days since Haru and I started messaging each other. Sa loob ng pitong araw na ‘yon ay malaki ang pinagbago sa buhay ko. I felt like all of my questions and doubts were answered. And the trust I had for him was slowly coming back again. The communication was there, and I was happy.

We had talked about our past; we had never forgotten about it. Tinanong ko na ang mga tanong ko sa kaniya, pero hindi pa lahat totally. Gusto ko kasi itanong ‘yong mahihirap na tanong kapag nagkita na kami. I wanted to have a personal communication with him. Heart to heart talk kumbaga.

“Ano pong klase na gupit po ang gusto niyo, Ma'am?”

Iyon kaagad ang tanong ng hairstylist nang nakaupo na ako sa upuan ng salon nila. I was planning to cut my hair since it's too long already. Last gupit ko second year college pa ako—hanggang dibdib lang ang gupit ko no’n. Ngayon humaba na naman ito hanggang puwetan ko na.

Binuksan ko ang gallery ng phone ko at ipinakita ang isang litrato sa hairstylist. She was looking at me weirdly, since the photo I showed to her was my hairstyle when I was in grade 10. Iyong style ng gupit ni Kuya sa akin.

“Sigurado po ba kayo, Ma'am?” Baka nasa isip na niya ngayon na nasisiraan na ako ng ulo.

I gave her an assuring smile. “Yes po. Kaya niyo naman po ma-achieve ‘di ba?”

She bit her lip. “Y-yes po, Ma'am.”

“Thank you po.” I giggled softly.

Inayos na niya ang buhok ko para magupit niya nang maayos. Habang ako naman ay nakatitig nang maigi roon sa salamin sa harapan ko.

“Bakit po ito na gupit ang gusto niyo, Ma'am?” bigla niya lamang natanong sa akin. “May significant meaning po ba ito sa buhay niyo?”

I nodded sweetly. “Sa gupit na ‘to una kaming nagkakilala ng lalaking minahal ko.”

She was enlightened by my answer. “Ah, kaya po pala, Ma'am.”

Actually, there's so many significant meanings why I wanted this hairstyle. Ito ang hairstyle na maraming nangyari sa buhay ko. Maliban pa roon, gusto kong makita ako ulit ni Haru sa unang pagkakataong nakita niya ako. Also a reminder to him that I'm still the ‘Zinny’ he met before, but already grown up as a woman.

“Sa picture po, Ma'am, para pa po kayong bata roon. Ilang taon po ba kayo roon, Ma'am?” chika kaagad niya sa akin.

“Sixteen po, grade 10. Sa edad na ‘yon nahanap ko ang destiny ko.”

“Nakakatuwa naman po ‘yan, Ma'am..! Hanggang ngayon, kayo pa rin.”

Ngumiti ako nang malawak. I'm not sure kung kami pa ba ni Haru. We didn't talk about our label through the days we've been talking online. Pero we said ‘I love you’ to each other. Sapat na ba ‘yon to say we're together already?

To be honest, I'm quite confused also. Ano ba kami? Meron na wala?

“Oo nga po, eh. Kaya naghahanda na ako,” kuwento ko pa sa kaniya. “Uuwi na siya galing America.”

Nagulat siya habang ginugupit ang buhok ko. “Ano pong ginagawa niya sa America, Ma'am? Nag-wo-work po ba siya roon.”

I shook my head. “Doon siya nag-aral ng degree niya sa college. Bagong graduate pa, katulad ko.”

“Ay wow, sana all, Ma'am! Stay strong po kayo, Ma'am.”

“Thank you po,” natutuwa kong tugon.

Tapos na siya sa paggupit sa buhok ko nang maikli. Ang susunod na gagawin niya ngayon ay sa bangs ko na lang. Narinig ko pa ang paghinga niya nang malalim, parang nahihirapan siyang gayahin ‘yong pag-bangs ni Kuya sa akin. Sa totoo lang, weird din kasi ‘yong bangs area… hindi pantay.

𝐅𝐥𝐨𝐫𝐞𝐬𝐜𝐞𝐧𝐜𝐞: 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐁𝐥𝐨𝐬𝐬𝐨𝐦Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon