"Zinny, I forgot to give you this..."
Nandito kami ngayon sa kuwarto niya, nag-i-impake na ng gamit papuntang Japan. Abala ako kakaligpit ng sariling gamit ko nang sabihin niya 'yon, kaya naman napatigil muna ako sa aking ginagawa para matignan kung ano ang tinutukoy niyang hindi niya nabigay sa akin
Medyo nasupresa ako nang nakitang isang fancy box iyon na may lamang silver bracelet na may yellow chrysanthemum pendant.
"Para sa akin ba 'yan?" I asked curiously. Baka kasi para sa iba, ipapa-abot niya lang sa akin.
He nodded enthusiastically. "Yes, of course."
Ako sana ang lalapit para kunin 'yon, kaso nauna siyang makalapit sa akin. Siya na mismo ang nagkuha ng bracelet mula sa box at nagsuot no'n sa palapulsuhan ko. My lips parted, it's so very pretty.
"You liked it?" he asked, anticipating my reply.
I gave him a warm smile. "I loved it."
I widened my arms so he could come near me for a hug. Sa kalagitnaan ng yakap ay masuyo kong hinalikan ang pisnge niya. Hindi lamang ang pisnge niya, pati na rin ang mga labi niya nang nakatingin na sa kaniyang mukha.
"Thank you, my Flowero." I kissed his lips again. "I love you."
"I love you more," he replied, with a loving smile on his lips.
Hindi niya ako hinayaang mapahiwalay sa yakap, mas lalo niyang hinigpitan ang mga kamay nakapulupot sa baywang ko, at ginamit 'yon bilang paraan para mahila ako sa isa na namang panibagong halik.
I deepened the kiss with love and adoration. Ang mga kamay ko ay nakapulupot sa leeg niya, hinihila pa siya lalo sa akin.
I gasped in between our kiss when he suddenly let me sit on his legs. Mas lalo tuloy akong nababaliw sa ginagawa niya. Parang nawalan kami ng pake sa gagawin pa namin ngayon. Nakakalat pa ang mga damit namin dito sa sahig, pati na rin ang iba pa naming mga gamit na dadalhin.
"You're very pretty, Zinny. I mean it," habol hiningang sabi niya sa akin nang natapos na ang halikan naming dalawa. Our faces are still an inch closer to each other.
Hindi ko alam, but maybe I suddenly turn into a seductress whenever he kisses me, that's why he acts beastly at times. But I'm glad he can control himself... He can control his hormones just to wait for the right time.
Habang tinitignan ang mukha niya ay hindi ko mapigilan ang isipin ang mukha ng magiging mga anak namin sa kinabukasan. Sigurado akong gwapo talaga iyon o maganda... Matalino, mabait, marepesto, magalang, at may takot sa Diyos. Ngayon tuloy parang hindi na ako takot... na magka-anak sa kaniya.
"Thank you, my Flowero," I replied to his compliment. "You're very handsome. And I also mean it." I kissed his lips softly. "Kaya hindi rin ako makapag-pigil sa 'yo."
Mga ilang segundo ang nagdaan ay nanatili pa rin kami sa posisyon namin. I suddenly had the urge to caress his soft face. Ang kinis din no'n... He's really a clean guy look, and I'm loving it.
Ayoko sa strong ang aura. Gusto ko sa mukhang maamo. Noon he had this serious aura, it was scary, but not that much. Nangingibabaw pa rin kasi ang amo sa mukha niya.
"Ilan bang anak ang gusto mo sa future, my Flowero?" bigla ko na lamang natanong sa kaniya.
"One hundred."
Nagulat ako roon, at tsaka palaro siyang hinampas sa dibdib. "Huy naman..."
He laughed softly. "I'm just kidding. Ilan ba ang gusto mo?"
Napangiti ako habang iniisip kung ilan. "Okay na ako sa dalawa. Isang lalaki at isang babae."
"Then, I'll go with two also. Whatever my wife wants." He grinned at me.
BINABASA MO ANG
𝐅𝐥𝐨𝐫𝐞𝐬𝐜𝐞𝐧𝐜𝐞: 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐁𝐥𝐨𝐬𝐬𝐨𝐦
General FictionFlorescence: Love Blossom is a story about two teenagers blossoming their feelings for each other. Zinnia Natsuki is an average type of student who dreams of becoming a musician in the future. She did not come from a wealthy family but she definite...