Chapter 21

18 1 0
                                    

"Almost two years na pala 'no?"

Nakatingin lang ako nang maigi kay Yamara. She conversed first about the past moments until it went about Haru. Sinuri niya kung ilang taon na simula no'ng bumalik ito sa Japan. As of now, we still receive nothing. Wala siyang pinadalang ni isang letter sa akin at hindi na siya active sa social media nang makabalik siya roon.

When one year had passed, still no updates from him, I began to get hurt. I understand his purpose why he came back there, but he said to me he'll try to update me even once in a while. I just couldn't remember if he promised to me that. Sobrang dami na kasing nangyari sa loob ng mahigit dalawang taon. I'm now almost graduating from Senior High School. Kaya kaming dalawa ni Yamara ay nasa kalagitnaan ng research namin, since pareho kami ng HUMSS ang strand at classmate kami.

"Hindi ka magsasalita, girl?"

Ininom ko ang natitirang coke. Pagkatapos ng afternoon class namin ay pumunta kami rito sa Jollibee para kumain ng snack. Hindi sapat ang pera ko para kumain dito, kaya ang sabi niya libre na lang daw niya ako.

"Ayokong pag-usapan siya..." sagot ko sa kaniya. That was the truth. Ayoko nang ibalik ang panahon. Mahal ko pa rin siya, pero hindi ko kaya nang makipag-usap ang mga bagay na patungkol sa kaniya.

"Okay, girl," malambing niyang tugon. "Ano na lang pag-uusapan natin?"

I shrugged. "Ikaw? Kahit ano..."

Nagsimula siyang mag-isip isip kung ano ang pag-uusapan namin ngayon. In fairness sa kaniya, parang nag-matured siya nang kaunti. Hindi na siya 'yong tipong tao na may tsismis araw araw. Siguro she wanted to change because it's bad to gossip about other people's lives.

"Wala akong maisip, girl," bigla niyang sabi sa akin. "Ubos na ang utak ko sa topic."

Mahina akong natawa. Kahit ako ay wala na rin akong maisip na pag-uusapan namin. Araw araw pa naman kami nagkikita at nag-uusap, wala na kaming maisip na theme sa pag-uusapan namin. Ubos na ang mga ideya namin.

"About sa inyo ni Yohann na lang," bigla ko na lamang sabi. "Grabe... halos mag three years na kayo 'no?"

She shook her head. "Three years na talaga kami, girl."

No'ng una ay kumunot pa ang noo ko, nagtaka sa sinabi niya, pero nang naisip ko bigla ang buwan naging sila ay bigla na lang akong napa-ah, naiintindihan na ngayon ang pag-correct niya sa akin.

"Ang loyal na ni Yohann ngayon. Napanindigan mo talaga ang mga salitang 'I can change him'," I spoke to her.

Unti-unting nakikita ko ang ngiti sa kaniyang mga labi. "Akala ko hindi niya ako mahal... kasi nga 'di ba... gusto ka niya... Pero no'ng natanong ko sa kaniya ang mga bagay... kung ano ba talaga ang totoo niyang nararamdaman sa akin, ayon inamin niya na masaya siya sa akin at kagaya ko, mahal niya rin ako. Genuine niya 'yon sinabi sa akin, kaya naman it completely change me."

Masaya ako para sa kaniya, pero may parte rito sa kalooban ko na nalulungkot para sa sarili ko. Hindi lang siya o si Yuna ang nakahanap ng magmamahal sa kanila nang totoo, pati rin sila Emmanuel at Michael. Ang ending, ako tuloy ang nasa stage na umaasa pa rin sa isang tao na nasa malayo ngayon.

Hindi 'yon tipong umaasa lang, eh. Somehow, may uncertain thought din na kung mahal ako, bakit parang hindi at the same time? Naiintindihan ko pero sa kabila naman no'n ay hindi. Kailangan ko ng assurance... ng update... ng certain words, 'yong tipong makakawala ng mga negative thoughts na mayroon ako, o para hindi ako mag-alala pa.

"I'm happy for the both of you..." sabi ko na lamang kay Yamara.

Imbes na maging masaya sa sinabi ay biglang nangasim ang mukha niya.

𝐅𝐥𝐨𝐫𝐞𝐬𝐜𝐞𝐧𝐜𝐞: 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐁𝐥𝐨𝐬𝐬𝐨𝐦Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon