Chapter 32

17 1 0
                                    

"Haru..."

Nang imulat ko ang aking mga mata ay ang pangalan niya ang una kong nabigkas. Wala na siya rito sa tabi ko, and now I was wondering where he is right now. Nang iupo ko na ang sarili sa kama at dinako ang mga mata sa banyo, ngayon ko nawari naroon siya. Naririnig ko kasi ang ingay ng tubig doon.

Kinuskos-kuskos ko ang aking mga mata gamit ang iba kong mga daliri, talagang ginigising na talaga ang sarili. Sa kabila pa roon, tinignan ko pa ang sarili ko-tinitignan kung wala bang natanggal na damit o kung anupaman.

Don't get me wrong, I am not thinking of Haru as a pervert. Gusto ko lang i-check ang sarili... Baka kasi may nangyari talaga sa amin kagabi, nakalimutan ko lang.

"Good morning, Zinny ko."

Matamis kaagad akong ngumiti nang nakalabas na siya sa banyo. Roon siya nagsuot ng kaniyang damit, kaya fully clothed siya sa harapan ko ngayon. He was wearing a simple white shirt paired with black denim jacket, and then black jeans.

"Good morning, Haru ko," bati ko naman. I welcomed him in my arms when he went to me just to kiss my cheek. Akala ko sa pisnge lang, pero pati rin ang noo, ilong, at higit sa lahat, ang labi ko.

Mabilis lamang niya hinalikan ang labi ko, pero hindi ako na-satisfy doon. Kaya ang ginawa ko ay hindi ko siya pinakawalan sa pagpulupot ng aking mga braso sa leeg niya. He was chuckling softly while trying to figure out what he did wrong. Wala siyang magawa kundi ang yakapin na lang ako.

"Where are you going ba? Bakit bihis na bihis ka?" I sniffed the scent on his neck. Ang bango bango niya talaga. Hindi ko napigilang halikan 'yon, pero mabilis lamang.

"I'm going to meet our friends, Zinny." He looked me in the eye. "Sasama ka?"

I shook my head. "Kayo lang muna... Sila bang Luno?"

He nodded. "Only the boys. May girls date raw kasi kayo ni Yamara at Yuna."

Kumunot ang noo ko. "Huh? Sino nagsabi?"

"Si Yamara."

Hindi ko alam. Baka si Yamara mismo ang nagsabi sa kaniya. Hindi na lang ako nagsalita pa at tumango na lamang.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin inaalis ang sarili sa kaniya. Siya naman ay nakatingin lamang nang maigi sa mukha ko. Hindi niya mabasa siguro ang gusto ko, kaya hanggang ngayon fini-figure out niya pa rin. My Flowero is not good at reading expressions na, ah... or maybe when it comes to expressing I want to kiss him, he couldn't read it at all.

Ang ginawa ko ay hinawakan ang collar ng denim jacket niya at hinila palapit sa akin. At first, I touched my lips with his. Seconds after, I was already moving my lips with his. Last night was a bit aggressive, today is gentle, soft, and sweet.

Napangiti ako sa kalagitnaan ng halikan namin. I was just happy he still wants to kiss me even though I haven't brushed my teeth yet, and it's morning. Kakagising ko pa lang, so I'm sure my breath was not that good.

Nalalasahan ko pa rin ang orange sa mga labi niya. Mas lalo na no'ng ipinasok niya ang dila sa loob ng bibig ko. I thought of tongue kiss as dirty, but I never thought it felt good doing it with him. I let out a sensual sound as I was trying to take his denim jacket off.

"Wait, Zinny..." He stopped me; he was catching his own breath. "Not yet..."

I was also catching my own breath. Hindi ako nadismaya roon. Sa totoo lang, I was indeed overwhelmed when he stopped me... when he stopped us from doing something.

"Sorry, Haru..." I kissed the tip of his nose. "Nakakabaliw ka kasi..."

Medyo nagulat siya sa sinabi ko. He never expected that from me. "Ako rin, Zinny. Nababaliw din ako sa 'yo." He looked down, and I saw my legs parted in between his. "Lalo na sa posisyon na ito..."

𝐅𝐥𝐨𝐫𝐞𝐬𝐜𝐞𝐧𝐜𝐞: 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐁𝐥𝐨𝐬𝐬𝐨𝐦Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon