Mga ilang araw ang nagdaan at narinig ko na lamang ang balitang hindi na si Haru ang mag-pre-presenta bilang isa sa mga kandidato sa English month. Hindi ko alam kung bakit siya nag-backout, pero ang sabi lang niya may gagawin siyang iba, kaya hindi siya makakasali.
"May audition daw mamaya!" kuwento sa akin ni Yamara habang kumakain ng mansanas.
"Audition?" Kumunot ang noo ko. "Saan?"
"Magkakaroon daw tayo ng school musical band. Naghahanap sila ng miyembro na bubuo no'n."
Nang dahil sa sinabi niya ay naalala ko bigla si Haru. Matagal na panahon na noong sinabi niya sa akin na gusto niyang bumuo ng isang musical band. At alam ko isa siya sa mga kinalaman patungkol dito. My eyes began to glitter in an instant; I wanted to audition... kaso natatakot ako, eh. Hindi ko yata kaya.
"Audition ka, girl!"
Umiling ako sa sinabi niya. "Hindi naman ako magaling kumanta, eh."
"Hindi magaling o natatakot ka lang?"
"Both, girl," sagot ko.
Napahinga siya nang malalim bago umupo sa bakanteng upuan katabi ko. Inakbayan niya ako, kaya naman naamoy ko na ang tamis ng mansanas mula sa bibig niya nang dahil sa sobrang lapit lamang namin sa isa't isa.
"Wala namang mawawala, girl, eh! At tsaka, papanoorin kita tapos isu-support. I'm sure na kapag malaman ito ni Yuna, matutuwa siya sa 'yo."
Unti-unting gumuguhit ng ngiti ang mga labi ko. Bigla ko tuloy naalala noong wala pa si Haru, o noong hindi pa kami close nitong katabi ko, tanging si Yuna ang naging number one supporter ko. Hindi pa kami magkakilala pa no'n ni Arel din, kasi noong grade 8
lamang kami nagkakilala. Grade 7 pa lang ay best friend na kami ni Yuna. Doon nagsimula ang lahat na kaming dalawa lamang.
Gusto ako nitong makitang kumanta sa stage, dahil takot ako, hanggang sa kaniya lamang ako kumakanta. Sana kapag mangyari na makakapag-perform na ako sa stage ay manonood siya. Kahit na alam kong malubha pa rin ang kalagayan niya ngayon, sana kung may pagkakataon... mapapanood niya pa rin ako.
"Miss ko na si Yuna, girl," pag-iiba ko ng kuwento.
Bigla niya kasing na-mention ang pangalan nito, kaya ito ako ngayon tuloy, iniisip ang kalagayan nito.
"Mas lalo na ako, girl! Suwerte nga si Luno kasi anytime puwede niyang mabisita si Yuna sa hospital!"
Maaga na ngayon umuuwi si Luno kasi ba-biyahe pa siya ng Ormoc para lang makita ito. Alam mo ba ano ang nakakatuwa..? May mga dumadating na shoppe delivery rito sa school, galing sa kaniya. At ang alam ng mga parcel na 'yon ay puro mga libro, o 'di kaya mga crochet material, mga puzzle, at mga highlighter at sticky note. Lahat ng 'yon ibibigay niya nito kapag nabisita na niya roon.
Ang sabi pa nga nilang Michael na nililigawan na raw nito si Yuna. Kaya naman ako sa gilid nakikinig ay nakaramdam ng kilig. Ideal talaga si Luno, kaya naman hindi ko masisisi ang ibang mga kababaihang nababaliw sa kaniya. Such a lovely golden retriever guy talaga ito. Tinatawag nga siya rito sa school na 'Apple in the Eyes', ang fresh lang ng personality niya, nakakapagbigay positivity.
"Hindi pa rin ba kayo ni Haru?"
Napangiwi ako bigla sa tanong ni Yamara. "Hindi naman siya nanliligaw sa akin."
"Eh, ano lang? Fling lang kayo gano'n?" Tumaas ang kilay niya. "No strings attached?"
Napahinga ako sa kawalan. "Kaibigan lang kami, Yamara."
"May kaibigan ba'ng sweet sa isa't isa?"
"Oo naman!" depensa ko. "Tayo nga, sweet tayo minsan sa isa't isa!"
BINABASA MO ANG
𝐅𝐥𝐨𝐫𝐞𝐬𝐜𝐞𝐧𝐜𝐞: 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐁𝐥𝐨𝐬𝐬𝐨𝐦
General FictionFlorescence: Love Blossom is a story about two teenagers blossoming their feelings for each other. Zinnia Natsuki is an average type of student who dreams of becoming a musician in the future. She did not come from a wealthy family but she definite...