"Kayo lang ang nag-disband na hindi pa nag-debut!"
Natawa na lamang kami nila Haru, Luno, at Michael kay Yamara. Tama siya, kami lang talaga ang nag-disband kahit hindi pa nag-debut. Who would have thought, 'di ba? Hindi pa nga kami nag-pe-perform, wala na kaagad.
And that's how important friendship is in a band or group.
Kailangan may certain bond kayo sa isa't isa or let's just say, closeness, para kahit no matter what the circumstances are, hindi kayo titibag kaagad. Kung palamangan lang naman ang gusto mo why you stay in the group or band, hindi rin kayo magtatagal. Dapat talaga you treat one another as family... As the ones who succeed together. That's the secret ingredient of success when you are in a group or band.
"Okay lang naman... At least may exposure..." sabi pa ni Michael.
"One day exposure lang," biro pa ni Emmanuel. "Mabuti na lang talaga hindi ako sumali... Alam ko talagang may mali, eh."
"Paano ka makakasali?" Tumaas ang kilay ni Michael. "Wala ka namang talent."
Nanlaki ang mga mata namin sa sinabi niya. Napatalon-talon pa nga si Yamara na parang unggoy na nang-aasar.
"Woah! Roasted!"
"Ano'ng roasted?" tanong ni Luno kay Yamara. "Hindi 'yon toasted?"
"Tumahimik ka nga! Ang dami mong arte sa buhay!"
Nakita kong tumikom ng bibig si Luno. Pero hindi siya nakaramdam ng ano roon sa sinabi ni Yamara, kasi nang tumingin siya bigla sa cellphone niya ay ngumiti na lamang siya at ipinokus ang sarili roon. Iba talaga ang epekto ni Yuna sa kaniya. Parang lahat ng hirap wala lang sa kaniya, as long as maka-receive siya ng messages nito.
"Akala ko ba best friend tayo?" nalulungkot na tanong ni Emmanuel kay Michael.
"Sorry, bro." Napahawak si Michael sa dibdib, tila nasasaktan. "Nadala lang ako sa emosyon, bro."
Lumapit siya nito at niyakap ito nang mahigpit. Ang ending nagyakapan silang dalawa.
"I love you, Emmanuel, my love so sweet," sabi pa niya nito.
"I love you more, my million dollar baby."
Napangiwi kami ni Yamara sa brotherly sweet nila sa isa't isa. Hindi pa rin talaga kami nasanay sa pagkakaibigan nila. Sobrang clingy nila sa isa't isa. Hindi ba sila nagkaroon ng tsansang magkaroon ng feelings sa isa't isa?
Lumipat tuloy ang tingin ko kay Haru na abala na namang kakabasa ng komiks diyan sa cellphone niya. Habang abala rin si Luno kaka-text kay Yuna, siya naman ay abala ring kakabasa habang nakasandal sa balikat nito. Aba! Kung may Emmanuel at Michael, may Luno at Haru tandem din! Hindi naman ako masyadong nagseselos dahil alam kong may lovelife na itong si Luno. Hindi ako fully hindi nagseselos, kasi may selos pa rin akong nararamdaman. I wanted to be in his position... Gusto kong maramdaman ang pagsandal ni Haru sa balikat ko. That would totally change how I view the world.
"Hug din tayo, girl!" bigla na lamang aya ni Yamara sa akin.
Napangiti ako sa kaniya at tumango. I opened my arms wide to accept her hug. Nagyakapan din kami katulad nila Emmanuel at Michael. Oh! Ngayon ko lang na-realize na by pair pala ito. Mabuti na lang may ka-pair pa rin ako... kahit may pair na ang crush ko riyan.
"Love you, girl," malambing pa na sabi niya.
"Love you rin, girl," tugon ko rin pabalik.
"Yucky! Gaya gaya!" biglang asar sa amin nila Emmanuel at Michael.
Lumayo na kaming dalawa ni Yamara sa yakap. Nakita kong nilabas niya ang dila, na parang nang-aasar sa dalawang nang-aasar din sa amin.
"Akala niyo kayo lang ang magaling. Kami rin 'no!"
BINABASA MO ANG
𝐅𝐥𝐨𝐫𝐞𝐬𝐜𝐞𝐧𝐜𝐞: 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐁𝐥𝐨𝐬𝐬𝐨𝐦
General FictionFlorescence: Love Blossom is a story about two teenagers blossoming their feelings for each other. Zinnia Natsuki is an average type of student who dreams of becoming a musician in the future. She did not come from a wealthy family but she definite...