Chapter 14

23 2 0
                                    

Ito yata ang pinaka-unang masayang Christmas party na dinaluhan ko.

This is where I could say I belong.

Noon kasi, kahit kasama ko sila Yamara at Yuna, mayroon pa rin akong nararamdamang parang hindi ako parte ng ibang mga kaklase ko. I felt like a shadow those times. Right now, I could not say that this section is perfect, but I could say this is the genuine one. Sobrang ingay pero masaya. Magulo minsan pero tahimik din. Nag-aaway pero nagkakabati rin. Iyong feeling na despite the darkness behind, there's this light that covers the atmosphere eventually.

As I watched them all, I could not help but to feel emotional about the certain scenario that will happen sooner.

At the end of this school year, we were no longer like this complete again. Maghihiwalay-walay na kami ng landas; some would take different school paths. There are still months left to bond… but it felt short.

“Buwesit ka talaga, Seph! Hindi mo man lang nilagyan ng box ang pitsel! Halatang-halata oh!”

Parang naurong ang luha ko nang dahil sa bulyaw ni Yamara. Si Seph kasi ang nakabunot sa pangalan niya. Kanina nga ay tawang-tawa at sa kabilang banda, naawa sa kung sino man ang bibigyan nito ng regalo. It turned out si Yamara pala ang nabunot nito. Halatang-halata kasi na pitsel, parang walang gamit ang pag-wrap niya ng Christmas wrapper.

I saw how Yamara laughed hard. “Jusko po! Si Mama lang matutuwa nito!”

“Useful ‘yan ‘no!” giit pa ni Seph. “Magagamit mo ‘yan sa lalagyan ng tubig!”

Natawa kaming lahat. Kung sa bagay, tama naman siya—magagamit sa kahit anumang uri ng likido.

“Ang nabunot ko ay si…” May pa-cliff hanger pa itong si Yamara. Hindi siya nagsalita, naturang lumalapit papunta sa kung saan nakaupo si Sir. Bale, ang mga upuan namin ay naka-pormang bilog.

“Si Sir Deylan! Advance Merry Christmas and Happy New Year, Sir! I love you!”

She hugged our adviser tightly. Lahat kami ay tatay ang turing nito.

“Thank you, Yamara!”

Hindi binuksan ni Sir Deylan ang regalong natanggap niya nito. After pa nito ang opening of gifts.. Si Yamara lang ang na-spoil sa natanggap niyang regalo dahil nahalata na niya ang material nang dahil sa packaging nito.

“Ang nabunot ko ay si… Emmanuel!”

Masayang tumayo si Emmanuel at napatalon-talon pa. Natawa kami nang dahil do'n.

“Thank you, Sir!”

Nagpatuloy-tuloy ang pagbibigay namin ng gift sa nabunot namin hanggang sa dumating na kay Luno.

“This girl that I picked has this special place in my heart.”

We tried not to create a sound so that the moment would not ruin.

“She's the prettiest, kindest, gentlest, cleverest girl I've ever seen and known in this classroom. I'm thankful to God because I met someone like her… able to spend the last year of my junior high school life with her.”

“Ayoko nang pahabain ‘to…” He laughed, but we could see the tears falling from his eyes.

Bigla tuloy akong naiyak nang nagtitigan sila ni Yuna. Alam ko na kaagad sino'ng nabunot niya simula no’ng unang statement pa lamang niya.

Napa-aww naman ang iba naming kaklase; it's like something touched their hearts right after hearing him say those words and seeing him cry at the end of it.

Bumaling ang tingin ko kay Yuna at nakitang umiiyak din ito. She's still pretty when she's crying. Nilihi ata siya sa mga anghel.

“I don't want to over drama the situation…” Luno laughed again, then cried after. “But alam niyo naman siguro kung sino siya… at sa ano'ng nangyari sa kaniya… those times she wasn't here. It was… so painful…”

𝐅𝐥𝐨𝐫𝐞𝐬𝐜𝐞𝐧𝐜𝐞: 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐁𝐥𝐨𝐬𝐬𝐨𝐦Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon