Chapter 5

30 2 0
                                    

"May nangyari ba'ng exciting sa buhay mo, Natsuki? Simula noong Friday ka pa nakangiti ng ganiyan."

Medyo weirdo akong tinignan nang maigi ni Arel. Parang inoobserbahan niya ang ekspresyon ng mukha ko, na para ba'ng first time niya iyon nakita sa akin sa buong presensiya niya kasama ako.

Last Friday pa noong nangyari 'yong friends na kami ni Haru. Hindi ko 'yon makalimutan, kaya naman hanggang ngayon, nakangiti pa rin ako nang husto. Lalo na 'yong part na matamlay siyang ngumiti sa akin..? Kahit na matamlay iyon, ang mahalaga ay ngumiti siya sa akin. At siya pa mismo ang nagsabi na friends na kami.

At tsaka, maliban sa malawak ang ngiti sa mga labi ko, na nagsilbing kulay ng mukha ko, parang nararamdaman kong nagnining-ning din ang aking mga mata. Kasi... kapag may gusto ka sa isang tao... kapag nakikita mo sila at nakakausap, parang palaging positive ang araw mo. Parang walang dull moments. Gano'n 'yong feels.

"You bring out all the youth in me," kanta ko na lamang habang nag-stra-strum ng ukulele ko. Tila ba wala akong naririnig na boses, kundi boses lamang ng isipan ko at ng hangin galing sa mga puno.

"I laugh and cry out all the truth in me, out of love..."

"You should know by now..."

Napapikit pa ako at napangiti ulit sa kilig. Parang may nangyaring pagbabago sa buhay ko, ah. Ganito pala ang feeling kapag ikaw na mismo ang magkagusto sa isang tao. Para kasing hawak ko na ang mundo.

Nang unti unti ko nang binuksan ang aking mga mata ay sumalubong kaagad sa akin ang mukha ni Arel na sobrang takang nakatitig sa akin.

"Bakit? May madumi ba sa mukha ko?"

"May tanong ako kanina sa 'yo, Natsuki."

Kumunot ang noo ko. "Huh? Hindi ko narinig... Sorry."

Napalitan ng tamis ang taka niya. "Okay lang, Natsuki. Gusto ko lang naman itanong kung may nangyari ba'ng exciting sa buhay mo. I mean, sobrang saya mo kasi, eh..! Noong Friday pa 'yan."

Umupo na ulit siya sa tabi ko rito sa gilid ng plaza. Tapos na kasi ang klase at gusto niyang mag-jamming kami sa gilid ng plaza, kung saan umupo kami sa damuhan kaysa may bench malapit sa isang malaki na puno. Masarap tumambay dito tuwing hapon kasi sobrang lamig na ng panahon, at ang init ay hindi na masakit sa balat. Kumbaga, peaceful at tsaka calming.

"Wala namang exciting nangyari sa buhay ko, Arel," sagot ko na lamang. "Pinili ko lang maging masaya."

Bakit nga ba ako nagsisinungaling sa kaniya?

Kasi may gusto siya sa akin... at ayokong masaktan siya kapag sinabi ko na tungkol kay Haru kung bakit ako nagiging ganito. Tao rin naman ako, may pakiramdam... At pinapasok ko sa posisyon ko ang sa kaniya. Na... nararamdaman ko kung ano ang pakiramdam na hanggang kaibigan ka lang. Na kahit na ano'ng gawin mo ay kaibigan pa rin ang turing niya sa 'yo.

Kahit pilitin ko... wala pa rin, eh. Iba ang nagugustuhan ng puso't isipan ko.

"Ah, gano'n ba, Natsuki?" nahihiya niyang tanong, na ikinatango ko na lamang.

Tumahimik ang paligid nang hindi na kami nagsalita. Kahit pilitin namin ibahin ang topic ay talaga namang nakatikom pa rin ang bibig naming dalawa. Nang dahil doon ay nakaramdam tuloy kami ng pagka-ilang, tapos nanatili pa rin ang titig namin sa isa't isa.

Mga ilang segundo ang nagdaan ay bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Pinisil-pisil pa niya ito... at pagkatapos, isinandal niya ito sa dibdib niya, kung saan doon naka-posisyon ang kaniyang puso.

Lumaki nang kaunti ang mga mata ko, dahil naramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso niya roon.

"Natsuki... alam kong bata pa tayo, pero gusto ko lang itanong... kung posible ba'ng maging tayo?"

𝐅𝐥𝐨𝐫𝐞𝐬𝐜𝐞𝐧𝐜𝐞: 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐁𝐥𝐨𝐬𝐬𝐨𝐦Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon