"May nangyari ba, anak ko?"
Niyakap ko nang mahigpit si Mama, hinilig ang gilid ng mukha sa balikat niya. Ang bigat ng nararamdaman ko ngayon. I never thought this would be painful. Ang akala ko na kahit hindi ako gusto ni Haru ay magiging mabuti pa rin ang lahat sa akin dahil kaibigan pa rin kami. But the thought of us in the future-he would date and marry someone else is hard for my feelings to accept. Ayoko sa nararamdaman ko ngayon. I want to get rid of these.
"Mama, mahal ko si Haru..." iyak kong pag-aamin.
Naramdaman ko ang malambing na haplos niya sa likod ko. Nang dahil sa kaniyang ginagawa ay mas lalo akong naiyak at niyakap pa siya lalo.
"Alam ko, Zinnia Natsuki... Pero bakit ka umiiyak?"
"Kasi hindi niya ako mahal, Mama... Kaibigan lang ang turing niya sa akin."
"'Yon ba sinabi niya sa 'yo?-na kaibigan lang ang kaya niyang ibigay sa pagmamahal mo sa kaniya?"
I shook my head. "Hindi pa ako umaamin, Mama. Pero alam ko kapag umamin ako, gano'n din ang isasagot niya sa akin. Si Yuna ang gusto niya, Mama. Doon pa lang ay alam ko nang wala akong pag-asa-na hindi ko kayang pantayan ang gusto niya sa isang babae."
"Anak, tumingin ka sa akin."
Sinunod ko ang utos niya. Tumingin ako sa kaniyang mukha, pero ang mga braso ko ay nakapulupot pa rin sa baywang niya. Sabay sabay umaagos ang luha ko, at isa isa niya 'yon hinahaplos paalis sa mukha ko.
"Ang pagmamahal ay makikita mo mismo sa puso, Zinnia Natsuki." Tinuro niya ang dibdib ko kung saan nandoon naka-posisyon ang puso ko sa loob. "Kung hindi ka niya talaga mahal, isipin mo na lang na itinadhana ka sa iba. At tsaka, bata ka pa... Ganiyan talaga ang unang pagmamahal-masakit at hindi katanggap-tanggap sa una. Pero pagdating ng araw, matutunan mo na lang ang lahat tungkol doon."
Tumango ako. Siguro gano'n nga ang lahat. Bata pa ako at alam kong hindi pa talaga ito ang tunay na pag-ibig. But still, this is going to be my first heartbreak and a lesson. Naniniwala ako sa sinasabi ni Mama sa akin, na pagdating ng araw ay matutunan ko na ang lahat tungkol dito. I will know how to protect my heart and who will I allow it to open again.
"Iiyak mo lang 'yan ngayon ha? Tapos sa mga susunod na araw maging matapang ka ulit."
Tumango ulit ako sa sinabi niya. "Opo, Mama. Salamat po."
Hinila niya ulit ako palapit sa kaniya. Right now, I rested my head on her chest and cried again. The pain didn't lessen yet. I need to confront this first so I can let go of it freely. Iyong parang kaya ko nang i-disregard dahil tapos na akong intindihin iyon.
"Nasasaktan kami ng kuya mo kapag nasasaktan ka, anak."
"Opo, Mama. Sorry po," tugon ko. "Ngayon lang po ito. Sa susunod hindi na po ako iiyak."
Pangako 'yan. Hindi na ako iiyak sa mga susunod na araw.
Pinapanood lamang kami ni Kuya rito mula sa kusina ng aming maliit na bahay. Hindi siya nagsalita ngunit nakikita ko pa rin ang lungkot sa kaniyang mga mata. Tama si Mama, nasasaktan sila kapag nasasaktan ako. Gano'n din ako sa kanila, at sana hindi dumating ang araw na makita ko sila mismo sa ganoong sitwasyon.
Hanggang sa dumating ang oras na kailangan na naming matulog. Yakap yakap ako ni Mama habang mahimbing na natutulog. Gising pa rin ako at tulalang nakatingin sa mga alitaptap dito sa loob ng kuwarto namin. May naamoy din ako na kakaiba sa mga insektong nandito sa loob din. Bukas kasi ang bintana dahil gusto naming pumasok ang preskong hangin dito. Mainit kung nakasarado. May mosquito net din kami para protektado kami sa mga lamok.
BINABASA MO ANG
𝐅𝐥𝐨𝐫𝐞𝐬𝐜𝐞𝐧𝐜𝐞: 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐁𝐥𝐨𝐬𝐬𝐨𝐦
General FictionFlorescence: Love Blossom is a story about two teenagers blossoming their feelings for each other. Zinnia Natsuki is an average type of student who dreams of becoming a musician in the future. She did not come from a wealthy family but she definite...