Chapter 23

26 2 0
                                    

Sobra akong natatakot.

Hindi ko kilala ang tunay kong kadugo at mas lalo na ang ugali nito. Kaya mayroon laman sa isipan ko na kapag kinuha na ako, magkakaroon na naman ng delubyo ulit ang buhay ko. I hope this will be the last pain I'd suffer. I hope that after this… I would find the peace that I wanted. Na ito lang pala ang missing piece ng buhay ko para makompleto ulit ako.

Pagkatapos inamin ni Kuya sa akin ang lahat… pagkatapos ng iyakan at yakapan, binigay niya sa akin ang sulat ni Mama. Sinulat nito ang letter noong limang taong gulang pa lamang ako. Kaya nakikita ko kung gaano kaluma na itong tignan. I opened and read the letter slowly… and then I cried again.

Zinnia Natsuki, alam kong hindi mo ako mapapatawad dahil hindi ko sinabi kaagad sa ‘yo. Sa totoo lang, ayokong umamin talaga, kasi hindi ko alam ang halaga ng pagsasabi ng totoo patungkol doon. Alam kong tinuruan ko kayo ng kuya mo na magsabi ng totoo sa lahat ng bagay—at ako mismo ang sumuway doon. Paumanhin, anak ko, nagsinungaling ako.

Laking pasasalamat ko dahil lumaki ka na may angking talino, talento, at kabutihan. Hindi man kita tunay na anak, pero nang mabuhat kita at makita ang maganda mong mga matang nakatitig sa akin, parang ramdam ko na akin ka. Mas lalo na noong naalagaan kita. Lahat ng kalungkutan na mayroon ako ay nawala dahil nang dumating ka, nabuo ako muli.

Lahat ng kasinungalingan na tinatago ko, alam kong malalaman mo rin balang araw. Kaya sana mabasa mo itong sulat ko, ang paumanhin at ang pagmamahal na mayroon ako sa ‘yo. Mahal na mahal kita, Zinnia Natsuki, at mahal na mahal ka rin ng kuya mo. Kaming lahat sa pamilya ay minahal ka na parang amin—hindi parang amin, kasi amin ka talaga. Wala sa dugo ang pagmamahal, anak ko. Lahat tayo ay may kakayahang magmahal at pumiling magmahal. Ikaw at ng kuya mo ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Kahit ano'ng mangyari—habang nabubuhay pa ang mamaibibigay ko lahat ng makakaya ko, ang pagmamahal ko sa inyo. Gagawin ko ang lahat para hindi ninyo maramdaman ang lungkot; ang ideya na hindi kayo kompleto. Kahit mahirap man tayo, sisikapin ko na puno kayo sa pagmamahal. Wala akong angking kayamanan, tanging pagmamahal lamang ang mayroon ako. Nawa’y itong pagmamahal na mayroon ako ay mamana mo rin at ng kuya mo sa taong mamahalin ninyo, at sa magiging mga anak ninyo.

Lagi mong tandaan, anak ko, Zinnia Natsuki, na mahal na mahal ka ni Mama. Patawarin mo ako, anak ko. Patawarin mo ako…

Labis labis ang pag-iyak ko nang natapos ko nang basahin ang sulat nito. I even covered my mouth with my palm from making loud sounds from crying. Bigla akong nangungulila nito… Nami-miss ko bigla ang mga ngiti nito… ang maganda nitong mukha… ang pagmamahal nito… Lahat lahat ay naalala ko bigla. Ang sakit pa rin dito sa dibdib.

Sa totoo lang, wala akong bahid na galit sa kalooban ko sa hindi nila pag-amin ng maaga sa akin. May parte pa nga sa akin na ayoko talagang sumama sa taong kukuha na sa akin, sa taong kadugo ko. Gusto ko manatili rito kasama si Kuya… Gusto kong ihiling na sana panaginip lang lahat ng ito. O ‘di kaya sana prank lang ito… Sana may mga camera nakapaligid, nakatago.

There's no amount of satisfaction I felt right after knowing the truth. Mas lalo lang ako nasaktan at natakot. Nasaktan dahil kukunin ako… Natatakot dahil baka mapunta ako sa hindi maganda kapag kinuha ako. Na parang doon ko mas lalong maramdaman ang lungkot at pighati. Hindi ko mapigilang isipin ‘yon… dahil galing ako rito sa pinakamaganda at pinakamasayang pamilya. Minahal ako at tinuring na parang isang kapatid at anak. Kahit mahirap lamang ang kumupkop sa akin, hindi naman ako nagkulang sa pagmamahal sa kanila. Naging mayaman ako nang dahil sa kabutihang itinuro at ibinigay nila sa akin.

𝐅𝐥𝐨𝐫𝐞𝐬𝐜𝐞𝐧𝐜𝐞: 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐁𝐥𝐨𝐬𝐬𝐨𝐦Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon