Chapter 28

22 2 0
                                    

“Omedetō, Natsuki!”

Congratulations, Natsuki!

They were congratulating me because I already graduated college. Buo ang pamilya ko ngayon rito sa isang restaurant—sila Dr. Sienna, Auntie, mga kambal, at lalo na, si Kuya. Pinapunta siya ni Dr. Sienna para mapanood niya ang graduation ceremony ko. I even cried when I saw him earlier… Lagi lagi ko kasi siyang nami-miss, sinasabi kay Dr. Sienna na gusto ko umuwi sa Pilipinas para makita siya.

May in-order sila na isang small chocolate sa akin at may nakasinding kandila pa talaga. Medyo nahiya ako, kasi hindi ko naman birthday pero may pa-cake at candle on top pa. Pero kahit na gano'n ay sumabay pa rin ako sa trip ng pamilya ko—I blew the candle—and they were happy.

“I want to blow the candle too!” biglang nagtatampong sabi ni Kenji.

“But it's ate’s day, Kenji…” Dr. Sienna answered softly. Karga karga niya ito.

Nang nakita naming parang naluluha na ito ay kaagad naming kinuha ang lighter, at ako na mismo ang nagsindi ng kandila. Ayaw talagang magpalamang ng mga bata… Kahit noong birthdays ko, hala gusto rin nila birthday nila. Ngayon, graduation celebration ko, graduation celebration din nila.

“Congratulations, Kenji, Kenzo!” masigla naming bati sa kambal. Enjoy na enjoy ang dalawa, nararamdaman talaga nila na graduate na sila ng college.

“I will blow the candle first!” sabi ni Kenji sa kambal na si Kenzo.

“We will blow together!” laban ni Kenzo.

“Kenzo, your brother will blow the candle first,” awat ni Dr. Sienna sa dalawa. “He asked first. After him, you will be the one who will blow the candle.”

I saw how Kenzo crossed his arms grumpily. Sinandal pa nito padabog ang likod, wala na sa mood. Talagang ang kambal na ito talaga… maliit na bagay pinapalaki. But they are still kids… gano'n talaga kapag bata.

Pagkatapos i-blow ni Kenji ang kandila, sumunod naman ang nagtatampo na si Kenzo. Nawala rin ang tampo niya nang siya naman ang magbo-blow doon. Natawa tuloy kami.

Hindi ko napigilan ang mapatingin kay Kuya na masayang nakatingin sa kambal. He already has a girlfriend… si Ate Therese. Last year ay nag-graduate siya sa kursong Bachelor of Science in Industrial Technology major in Automotive Technology. Since ang trabaho niya noon related sa mechanics, ‘yon ang kursong pinili niya. Hindi na siya nag-pursue pa sa Mechanical Engineering.

Last year din noong naging sila ni Ate. I didn't even know na it was Ate Therese… Sinabi lang niya sa akin na may girlfriend na siya, but he didn't tell me si Ate pala. One day, nakita ko na lang post niya sa Facebook. Marunong na talaga mag-secret, pero buking pa rin.

“Ate, can I drink the juice you ordered?!”

Bumaling ang tingin ko kay Kenzo. Hindi pa nga ako nakasagot, ininom na niya ang juice ko. I even collected the air inside my lungs when I saw him drink it all. Wala na siyang tinira sa akin ni kalahati man lang.

“Kenzo… you drank it all…” suway pa ni Dr. Sienna nito. Napatingin siya sa akin. “I'm so sorry about that, Zinnia.”

“Sorry, Zin…” mahinang usal din ni Auntie habang karga karga na ngayon si Kenzo.

I smiled sweetly at them. “It's okay po.”

Nakita ko si Kenzo na habang bitbit ni Auntie ay napatingin sa Kuya ko. He was shocked when he saw my brother looking also at him. Parang natatakot siya… Hindi kasi sanay ang kambal makakita ng ibang taong ka-close ng pamilya namin. Nasanay na sila na kami kami lang.

𝐅𝐥𝐨𝐫𝐞𝐬𝐜𝐞𝐧𝐜𝐞: 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐁𝐥𝐨𝐬𝐬𝐨𝐦Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon