Chapter 22

22 1 0
                                    

Isang linggo na lang ang hihintayin ko bago ako gagraduate ng Senior High School. Ang bilis talaga ng panahon… ng oras. Parang mga nakaraang dalawang buwan ay naghihinagpis pa ako sa Research at pati na rin sa iba ko pang mga gagawin related sa school. Mabuti na lang at nandiyan si Yamara at iba pa naming mga kaibigan, mga kaklase, at mga guro na rin na gumagabay para matapos ko nang buo ang lahat.

“Girl, I'm so proud of you.”

Ngumiti muna ako bago ko siya tinuro. “Proud din ako sa ‘yo.”

She rested her elbow on the restaurant table as she rested her chin on her palm. “Ang ganda mo…”

Nakita ko sa mga mata niya na parang binobola na niya ako, para masabi ko rin sa kaniya pabalik ang mga papuring sasabihin niya. “Ang ganda ganda mo rin.”

“Ang talino mo.”

Tinuro ko ulit siya. “Ang talino talino mo rin.”

She suddenly snorted. “‘No ba ‘yan..! Nilagyan mo lang ng ‘mo rin’.”

Natawa ako sa pagrereklamo niya. “Paano ba kasi..?”

She crossed her arms. “Dapat kapag may magsabi sa ‘yo na ang ganda mo, sagutin mo na mas maganda ka..!”

Ngumiwi nang kaunti ang mukha ko. Bakit ko naman liliitin sarili ko?

“Girl, kung ang isasagot ko sa maganda ako ay mas maganda ka, ‘di ba parang lumamang ang pumuri sa akin?”

“Ay wow!” Nagulat siya sa sinabi ko. “Ayaw magpalamang ng beshy ko!”

I flipped my hair playfully. “Shempered.”

Mga ilang segundo ay natawa na lamang ako at iniling-iling ang kamay. “Joke lang, girl. Biro lang.”

Nga pala, ang sabi ko noon na gusto ko mag-haircut katulad pa rin ng gupit ko noon, iyong parang Dora the Explorer haircut, pero mas malala pa roon? Iyong kay Kuya haircut style sa akin? Kaso parang hindi ko na yata magagawa ‘yon… Nasasayangan na kasi ako sa buhok ko. Grabe na pagbabago ko—parang dati ay hindi pa ako nasasayangan sa buhok ko, basta diretso putol na lang. Sign of maturity na siguro ito. Hindi na ako girl, isa na akong woman.

Abala ako sa kakaisip nang bigla na lamang ipinatong ng waiter ang order naming pagkain. Medyo nagulat nga ako, eh, kaya naman nanginig nang kaunti ang katawan ko rito sa kinauupuan ko. Mabuti na lang at hindi nakita nito ang gulat ko, pero kitang-kita ni Yamara, kaya hiya siyang tumatawa.

“Thank you po…” sabi ko na lamang nang tuluyan na nito nalagay ang mga order namin bago ito tuluyang umalis sa table namin.

In fairness, masungit ang waiter. Hindi pala masungit, ano lang snobber. Pero hindi naman siguro required sa trabaho nila makipag-interact sa customers ‘no..! Tsaka, hindi sa lahat ng bagay ay nakangiti sila sa atin. Judgemental ko talaga.

Ang in-order ko ay katulad ng order ni Yamara—Pork Steak with rice. Sa drinks naman ay ice tea na may lemon sa loob.

Kakain na sana siya nang bigla akong nagsalita: “Pray muna tayo.”

Nilagay niya ulit ang kanin pabalik sa plato niya bago mag-sign of the cross, i-prayer position ang kamay, at ipikit ang mga mata. Ako na ang nag-recite ng prayer. Pagkatapos no'n ay kumain na kaagad kami.

Habang kumakain kami ay may bigla akong naisip, kaya naman tinanong ko kaagad sa kaniya. “Girl, nag-away daw kayo ni Yohann?”

Uminom muna siya ng juice bago magsalita. “Hindi naman away, girl… Ano lang, misunderstanding.”

“Bakit kayo nagkaroon ng misunderstanding?”

“Wala lang trip lang namin,” biro pa niya. “Siyempre Hindi ko alam… Nangyari na lang.”

𝐅𝐥𝐨𝐫𝐞𝐬𝐜𝐞𝐧𝐜𝐞: 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐁𝐥𝐨𝐬𝐬𝐨𝐦Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon