Chapter 13

19 2 0
                                    


“Baso na lang ang ireregalo ko, guys!”

Bukas na ang Christmas party namin, kaya kaming magbabakarda ay pumunta sa mga tindahan na puwede naming bilhan ng regalo. Hindi namin kasama si Yuna dahil pumunta ulit ito sa Ormoc para magpa-check-up. Last check-up na niya ‘yon at sana maging maayos na talaga ang pakiramdam niya.

“Two hundred ang budget para sa gift tapos baso lang ibibigay mo?” reklamong tanong ni Michael kay Yamara.

“Joke lang,” sagot nito. “Kayo talaga, hindi mabiro.”

Haru and I are minding our own business. Pumasok talaga kami sa loob ng tindahan at naghanap-hanap ng ireregalo namin. Alam niya na si Michael ang nabunot ko, kaya naman tinulungan niya akong maghanap ng ireregalo ko nito.

Aside from that, gusto kong bigyan din siya ng regalo. Pero hindi ko alam kung ano ang gusto niya… Kunti lang ang naipon kong pera, kaya hindi ko afford ang comic book, kahit na ‘yon talaga ang pinakamalapit na hinihiligan niya ngayon.

“Tignan mo, Haru,” tawag ko sa kaniya at pinakita ang Spiderman na brief. Hindi ko talaga binitawan ang pagpaplanong magregalo  ng brief kay Michael.

“Para kanino ‘yan?” He smiled warmly. Ang akala ko talaga tatawa siya.

Lumapit ako sa kaniya para mabulong ang sagot. “Para kay Michael.”

I saw how his face grimaced. Hindi ko alam kung natatawa siya o nag-iisip kung tama pa ba ‘tong pag-iisip ko. Hindi ko tuloy napigilan ang tumawa.

“Bakit? Cute naman, ah,” pagbibiro ko pa. “Spiderman sa kaniya, tapos sa ‘yo Superman. Oh, ‘di ba? Best friend goals.”

“You're weird…” He laughed embarrassingly. “Pambata kaya ‘yan. How can it fit?”

“Stretchable ‘to, Haru.” I stretched the brief. “Kasya ‘to for sure.”

He shook his head cutely. “Si Michael na lang bigyan mo, huwag ako.”

I shook my head in defense. “Hindi. Bibigyan kita. Superman sa ‘yo.”

Kinuha ko ang Superman na brief na ikinapula ng tainga niya. He's literally shy. May mga tao rin kasi rito sa loob ang napatingin na sa aming dalawa.

I didn't know his next move. Ang akala ko panalo na ako. But then, may nakita siyang mga panty na barbie ang naka-print sa gitna. Kinuha niya ‘yon at ngising pinakita sa akin.

“I will wear that, but you should also wear this,” he said with confidence.

Tinaas niya pa ang panty sa harapan ko na mas lalong ikinatingin ng mga taong namimili. Parang nawe-weirduhan na talaga sila sa amin.

“Ibaba mo na ‘yan,” nahihiya kong utos. Hinawakan ko ang kamay niya kung saan hawak niya ang panty para matulungan na siyang ibalik ‘yon sa kung saan nakalagay.

Napasinghap ako dahil hindi ko ma-kontrol ang kamay niya. It's like he's trying to harden it so that I could never put back the panty he was holding back to where it was placed. Pinandilatan ko siya ng mata, kaso napangisi lamang siya.

“Ang dami na nakatingin sa atin, Haru…” paalala ko sa kaniya.

“I don't care. Let them watch us.” He winked.

Binitawan ko na lang ang kamay niya at napahinga nang malalim. I didn't know he had this kind of sarcastic personality. Well, hindi na dapat ako magulat pa. Noong panahon nga na hawak niya pa ang hair clip ko, kailangan ko pa talaga magmakaawa sa kaniya at i-agaw nang bongga bongga para makuha lang ‘yon.

But actually, I kinda liked it. Mas mabuti na rin na gano'n ang ugali niya kaysa tahimik at seryoso niyang ugali. Doon kasi ako natatakot sa kaniya.

Nilagay ko na ang Superman na brief sa dati nitong kalalagyan. Si Spiderman brief lang ang kinuha ko dahil isasali ko ito sa gift ko kay Michael. Bale, ang gift ko nito ay makapal na notebook, ballpen, at tsaka brief. Magugustuhan niya ang notebook tsaka ang ballpen kasi mahilig siya mag-scribble scribble. Mahilig din siya magsulat ng tula, kaya magagamit niya ito.

𝐅𝐥𝐨𝐫𝐞𝐬𝐜𝐞𝐧𝐜𝐞: 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐁𝐥𝐨𝐬𝐬𝐨𝐦Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon