"Sorry, nabasa ko ang uniform mo."
Bumuwag na ako mula sa pagkayakap sa kaniya at dali-daling inalis ang mga luha sa mukha gamit ang magkabilang kamay. Ngayon ko lang namalayan pagkabuwag ko mismo sa pagkayap sa kaniya nang nabasa ko pala ang suot niyang uniporme. Sobrang laki ng basa roon, nagmarkang bilog.
Panay ako singhot ng sipon ko dahil hindi ko siya masikma. Wala kasi akong dalang panyo... mas lalo na tissue. Pinipilit ko talaga isiksik muna sandali ang sipon ko papasok, kahit nang gustong kumawala.
"It's okay..." Rinig kong sabi niya sa akin.
May kinuha siya sa bulsa niya at inabot kaagad sa akin. Isang floral pink na panyo 'yon.
Nakakahiya! Napansin niya siguro ang sipon kong gusto nang kumawala sa kuweba ng ilong ko. Napasobra kasi ang iyak ko, kaya imbes na mild sipon lang ang lumabas, parang waterfalls na ata. Hindi na kayang pigilan pa.
"Thank you..." nahihiya kong tugon at tinanggap ang iyon.
Tumalikod pa ako para hindi niya akong makitang sumisikma ng sipon ko rito sa panyo niya. Hindi ko naman ibibigay pabalik ito sa kaniya... Siyempre, lalabhan ko muna ito. Hindi naman siguro ako kasaulang tao 'no!
Habang sumisikma ako ay hindi ko mapigilang pumuri sa amoy ng panyo niya. Naalala ko 'yong amoy niya mismo sa panyo niyang ito. Maliban pa roon, alam ko na kung kanino galing itong panyo na 'to. Siguro sa kapatid niya ito. Ramdam ko talaga ang pagmamahal niya nito... dahil iba na mga kagamitan nito, ginagamit niya ngayon.
Siguro... pati rin itong clip na bigay niya sa akin... Sa kapatid niya siguro 'to, tapos binigay lang niya sa akin.
Nang dahil sa biglang pag-iisip ko roon, hindi ko mapigilang bumuo ng isang tanong na gusto kong sagutin niya. Pero ko hindi muna itatanong sa ngayon siguro. Siguro sa mga susunod na araw na.
"Are you feeling better now?" tanong niya nang nakaharap na ako.
Tumatama ang sinag ng dapit-hapong araw sa mukha niya. At para sa akin, iyon na ata ang pinakamagandang nagawa ng araw. Nakikita ko lalo kung paano lumiwanag ang guwapo niyang mukha ro'n.
Gusto kong magsinungaling sa kaniya ngunit hindi ko kaya. Ang ginawa ko bilang sagot sa kaniya ay umiling. Sa totoo lang, hindi pa rin ako okay. Nandito pa rin ang hapdi ng sinabi niya sa akin tungkol kay Yuna. Siguro... kung hindi lang ako duwag... na-protektahan ko sana ito. Kaso duwag ako, eh... Takot ako sa lahat ng bagay.
"Hindi ka ba nasasaktan?" tanong ko sa kaniya. "Kasi ako... nasasaktan ako sa mga nangyayari ngayon."
"To be honest, I felt hurt too..." Ang kaniyang mga mata ay nagkaroon ng emosyon. "I just don't want to embrace it more. Because the more you think of it, feel it, the more it hurts."
Tumango ako sa sinabi niya. "Tama ka... Pero paano mo nagagawa 'yon?"
Napakibit balikat siya. "I just... don't know... But perhaps because since I was young, I always have my blues with me."
Napaupo siya sa may kahoy, iyong inuupuan namin tuwing nandito kami sa likod ng classroom. Kaya naman sumunod ako sa kaniya; umupo rin ako sa tabi niya.
I wanted to listen to him. Gusto kong marinig ang kuwento ng buhay niya. Nang sa gayun, makuwento ko rin sa akin. Although all the memories I've had since then were merry, there were still blues in between. Parang may gusto akong maalala... at lahat ng 'yon masasakit.
"My stepfather doesn't like me..." simula niya.
Napatingin siya sa dapit-hapong kalangitan. Nakita ko ang pait sa bawat ngiti niya... Nakita ko rin ang lungkot doon sa mga mata niya.
BINABASA MO ANG
𝐅𝐥𝐨𝐫𝐞𝐬𝐜𝐞𝐧𝐜𝐞: 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐁𝐥𝐨𝐬𝐬𝐨𝐦
General FictionFlorescence: Love Blossom is a story about two teenagers blossoming their feelings for each other. Zinnia Natsuki is an average type of student who dreams of becoming a musician in the future. She did not come from a wealthy family but she definite...