Devil # 44

1.3K 41 2
                                    

Chapter 44

Hindi na ko nagdalawang isip pa na umalis doon. Ayoko ng marinig ang mga pinag uusapan nila. Pinilit kong kumalma pero hindi ko kaya, tuloy-tuloy sa ang mga luha ko sa pagtulo habang mabilis na mabilis akong naglalakad sa tabi ng kalsada.

Paano nila 'to nagawa sakin? Paano nila naisip na patayin ako? Ayokong maniwala sa mga narinig ko.

Si Adrian.

Plano din niya akong mamatay? Planadi niya lahat ng 'to? Ibig sabihin joke lang lahat ng nangyari? Hindi niya ko talaga mahal? Pinaglaruan niya lang ako at kaya niya ako sinaktan para palabasin na suicide ang dahilan ng kamatayan ko.

Grabe.

Mamatay na si Daisy at si Adrian pati na din ang magulang niya! Sila na nga ang may kasalanan kaya bumabagsak ang kompanya namin tapos ipapapatay pa nila ako? Bakit at sa anong rason nila naisip na patayin ako? Sumosobra na sila.

Umuwi ako sa bahay, walang tao. Tinignan ko ang kalendaryo, eto pala yung araw na pupunta sila sa Palawan para sa isang conference meeting.

Mag isa lang pala talaga ako ngayong gabi. kaya naman tinawagan ko agad si Daddy at si Mommy at kinwento ang mga pangyayari. Noong una, ayaw nila maniwala pero di kalaunan, naiyak na ako sa mga sinasabi ko na dahilan para maniwala sila.

"Eunice, I'll go call someone to keep an eye on you from afar," sa malayo dahil ayaw niya ng komusyon at gusto padin niya ako mamuhay ng normal kahiy na may nagbabantay sakin. "Ayoko mapahamak ka," halata sa boses ni Mommy ang pag-aalala, "Sorry at wala kami dyan. Pero please, wag mo sasabihin kahit kanino."

"I love you Mommy," It's my opportunity to tell them this dahil maaaring hindi ko na masasabi ang mga katagang iyon, "tell Daddy, I love him too."

"We love you too," napangiti ako sa sinabi niya. "Medyo busy dito, I'll just call you from time to time, Okay?"

"Okay, mom," then I ended the call.

Kinakabahan na naman ako. Wala na konh kausap at napakatahimik ng buong bahay.

No choice ako kundi magkulong sa bahay. Kinandado ko lahat ng pinto at sinara ko lahat ng bintana. Natatakot ako sa pwedeng mangyari.

Sana hindi ko na lang 'yon narinig. Sana hindi na lang totoo ang lahat. Sana panaginip lang.

Sana..

Sana..

Sana..

**

Katulad ng sinabi ni mommy, may mga nagbantay nga sakin mula sa malayo. Hindi ko tuloy gusto ang ganito. Nakikita nila lahat ng ginagawa ko, tipong gusto ko mangulangot, di ko magawa. Pero kailangan, pwede nila akong mailigtas sa mga pwedeng mangyari.

Nagsimula ng maayos ang araw ko, so far naman walang nangyayaring masama. Sabagay nasa eskwelahan ako, hindi pwedeng dito maganap ang karumaldumal na pagpatay sakin.

Ang maayos na araw ko ay agad nasira ng makita ko na naman sa cafeteria si Adrian at Daisy. Masaya sila at nagtatawanan. Napakapeke talaga nilang dalawa, kung pwede ko lang pasabugin ang mga katawan nila, nagawa ko na.

"Wag mo kasi titigan," sabi ni Leslie sakin. Hindi pa niya alam ang mga nangyayari dahil sabi nga ni Mommy, wala akong pagsasabihan at wala dapat makaalam ng mga narinig ko.

Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa pagkain na nasa harapan ko. Tinusoktusok ko ang manok na nasa harapan ko na para bang walang bukas. Dito ko na lang sa manok inilabas ang galit ko. Nawalan na din naman ako ng gana kumain dahil sa mga naiisip ko.

Biglang nagsalita si Leslie, "Eunice, sama ka mamaya. May party sa bahay nila Tom, 'yung nanliligaw sakin na member din ng basketball team."

"Hindi ako pwede ngayon," tanggi ko dahil kinakabahan ako sa pwedeng mangyari.

"Eunice," sabay hinawakan niya ako sa kanang balikat ko, "ang tagal mo ng di sumasama sakin sa gala. Minsan nakakapagtampo na."

Naguguilty ako sa sinasabi niya dahil tama siya. Bestfriend ko siya pero mas binibigyan ko ng oras ang ibang tao at ibang bagay. Sa school na lang kami nagkikita at minsan busy pa siya sa club activities nila kaya hindi kami nagkakasama. Pero 'yung plano ng family ni Adrian ang naaalala ko. What if ngayon na? What if mamaya may bumaril na lang sakin? What if katapusan ko na?

"Kung ayaw mo," sabay lumungkot bigla ang ekspresyon ng mukha niya, "okay lang."

Hindi niya ako kinulit after noon at walang nagsasalita kahit isa sa amin. Alam kong nagtatampo siya pero wala akong magawa.

Nang matapos siya sa pagkain niya, iniayos niya ito at tsaka tumayo, "Ge, una na ko."

"Si-sige," sagot ko dahil iyon lang ang kaya kong sabihin. Mukha ngang nagtatampo. Napahinga na lang ako ng malalim. Kung alam lang niya ang mga nangyayari.

Natapos ang panghapong mga subject na nangangahulugan na uwian na. Hindi ako pinapansin ni Leslie kahit anong gawin ko at kanina pa din ito umiikot ikot sa isipan ko. Siguro wala namang masama kung sasama ako sa kaniya kahit saglit lang. May mga nagbabantay naman sakin.

"Leslie!" sigaw ko ng makita ko siyang palabas na sa room at lumingon naman siya kaya naman tumakbo agad ako, "Sasama na ko."

Binigyan niya ko ng isang napakagandang ngiti at isang napakahigpit na yakap, "sabi na nga ba hindi mo matitiis bestfriend mo."

"Ikaw pa ba? Malakas ka sakin," at sabay kaming nagtawanan.

Nang makarating kami sabahay ni Tom, sumalubong sa amin ang malakas na tunog ng stereo at ingay na nililikha ng iba't ibang usapan ng mga tao. Nawala ang kaba na nararamdaman ko. Mukha namang walang papatay sakin sa kinadami dami ng tao dito.

Iba't ibang tao ang nadito, may freshmen, juniors at senior. May ibang galing din sa school. Inikot ko ang tingin ko at nandito pala ang buong basketball team ng school at syempre, andyan siya, si Adrian at syempre kung nandito siya, nandito din si Daisy. Inikot ko pa ulit ang tingin ko sa paligid at tama nga ako, nandito si Daisy kasama ang mga kaibigan niyang masasama din ang ugali.

Naupo ako sa isang malaking upuan sa may sala at pinapanuod ang mga tao sa paligid ko. Sa totoo lang ayoko sa mga party lalo na dahil wala naman akong kakilala dito kundi ang mga kaklase ko lang.

"Eunice," tawag sakin ng isang lalake at pagtingin ko, si Joshua.

"Nandito ka pala," sabi niya na parang di makapaniwala.

"Si Leslie, niyaya ako." paliwanag ko.

Tumango tango siya habang nakatingin sakin, "nililigawan nga pala siya ni Tom."

Actually, sa sobrang dami kong iniisip hindi ko naitanong kay Lesli ang tungkol kay Tom. Hindi man lang ako nagulat kanina at ngayon lang nagsisink in sa utak ko lahat. Walang sinasabi sakin si Leslie tungkol kay Tom. Ganito na ba talaga kami kalayo sa isa't isa?

"Doon tayo sa likod, mas masaya," atsaka niya iniabot ang kamay niya. Inabot ko naman ito atsaka tumayo at naglakad papunta sa likod. Tumambad sakin ang mas madami pang tao at mas malakas pang tunog ng musika. "Wait, I'll get you a drink."

"Juice lang," sabi ko dahil hindi ako nainom ng alak. Ayoko at bawal dahil ayaw ng mga magulang ko. Ganyan sila ka overprotective at dahil mabait ako, sinusunod ko sila.

"Ganun ba?" sabay ngiti na naman niya, "Sige."

Naiwan akong magisang nakatayo dito at pinapanuod ang paligid ko. Madilim na pala, hindi ko man lang namamalayan.

Bigla na lang akong nagulat ng may lalaking yumakap sakin na dahilan para magpumiglas ako pero napakahigpit ng yakap nito sakin. Sumsigaw ako ngunit tinapat agad nito ang kamay niya na may panyo sa bibig ko. Hinila at binuhat ako nito sa mas madilim pang parte ng bakuran. Walang nakakapansin sa nangyari sakin. Biglang dahan-dahan dumidilim ang paningin ko.

Mamatay na ko.

He's A Devil [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon