Devil # 19

5K 115 29
                                    

Chapter 19

//

Nakayakap padin si Adrian sakin at hanggang ngayon napakalakas at napakabilis padin ng tibok ng puso ko. Hindi ko na talaga alam kung ano 'tong nararamdaman ko. 

" Sorry kung gusto kitang palayuin sakin. Ang sakit lang kasi talaga ng mga sinabi mo sakin at sa harap pa talaga ni Zen. Feeling ko napahiya ako. Pero hindi kita kayang tiisin dahil nga Mah---" dahil feel ko na sasabihin niya na yung word na 'Mahal kita' kaya naman natense ako at bigla kona lang tuloy nabitawan ang kahon sa kamay ko at natapon ang mga tsokolateng laman nito.

Napabitaw siya sa pagkakayakap niya sa akin kaya naman tumakbo ako papalayo sa kaniya ng napakabilis. Iniwan ko na din doon ang nagkalat na tsokolate sa sahig. Hindi ko talaga alam ang dapat gawin. Masyado akong kinabahan sa pagkakayakap niya sakin.

Agad akong dumiretso sa classroom namin. Kahit na maaga ako, may mas maaga pa pala sa akin. Si Zen, nakita ko siyang natutulog sa desk niya. Napaangat naman ang ulo niya ng isinara ko ang pinto. Medyo napalakas kasi ang pagkakasara ko.

" Sorry. " sabay peace sign ko.

Ibabalik na sana ang pagkakayuko niya sa desk niya pero tinawag ko siya. " Zen. " Kaya napataas ulit 'toh.

" Pwede bang mag open ako sayo? " dugtong ko pa. Kailangan ko lang talaga mailabas ang nararamdaman ko ngayon. Baka kasi sumabog na 'tong dibdib ko dahil hindi ko na kaya.

" Sige. Ano ba 'yon? " tapos ayun, kinwento ko na ang mga nangyari kagabi at kanina. Hindi naman ako nanghihingi ng advice pero sinabihan niya ako na kung magmamahal ako, sabihin ko ng mas maaga kaysa mahuli ang lahat.

Pagkatapos ko magkwento at makinig sa payo niya, pumunta na ako sa upuan ko at ako naman ang yumuko sa desk. Ipinikit ko ang mata ko at nag isip.

Bakit ganon? Yun at yun din ang laging sinasabi ni Zen sakin. Pero wala pa naman akong gusto kay Adrian eh at lalong di ko siya mahal kaya anong aaminin ko? Siguro ayaw niya lang talaga na maranasan ko ulit yung naranasan ko sa kaniya. 

Oo, ayoko din naman maranasan ulit na 'yung taong mahal ko ay magmahal ng iba dahil hindi ko man lang alam na nakamove on na pala siya sakin. Ang sakit lang talaga sa pakiramdam nun kaya pinapangako ko sa sarili ko na hinding hindi na mangyayari sakin 'yon.

Marami ng estudyanteng nagdadatingan. Pati si Leslie, dumating na. Kinwento ko din sa kaniya 'yung nangyari kanina. Syempre, kinikilig na naman ang loka. Pero bakit ako? Hindi talaga ako kinikilig. Hanggang ngayon nga ay kinakabahan padin ako noh.

Nang magbell na, agad nagsiayusan ng upuan ang mga kaklase ko pati na din si Leslie. Biglang pumasok naman ang aming guro.

" Class III-C, the principal said that there will be no classes for this whole week but on the other hand, we will use this whole week preparing our Music Festival this weekend. " pagkasabing pagkasabi niya nun ay nagdiwang ang buong klase. Ganyan talaga sila dahil walang aral na magaganap. Nakakasawa din naman kasi na puro libro ang kaharap.

He's A Devil [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon