Devil # 30

3.1K 88 22
                                    

Chapter 30

" Bagay pala kayo noh? " sabi ko sa kanila.

" Talaga? " sabi ni Daisy habang nakangiti ng bongga. Tss. Naiinis talaga ako sa kaniya.

" Oo. " sabi ko sa kaniya.

" Sabi sayo Adrian. Bagay tayo. " sabi niya kay Adrian. Hindi naman umimik si Adrian. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya. Mukhang seryoso siya ngayon.

" Kayo ba? " tanong ko sa kanila.

" Hindi noh. " agad nagreact si Adrian.

Napabitaw naman bigla si Daisy kay Adrian. Siguro nasaktan siya sa sinabi ni Adrian pero siguro lang naman. Malay ko ba kung anong meron sa kanilang dalawa ngayon at lalong ayoko ng malaman pa kung ano man yun. Baka mas masaktan lang ako.

" Ikaw lang naman ang mahal ko. Diba sinabi ko na naman yun sayo nung huli tayong nagkasama kahapon. " diredirestong sabi ni Adrian sakin.

Napayuko ako sa sinabi niya. Naaalala ko tuloy yung kahapon na nag-usap kami sa ilalim ng puno. Yung araw na sinabi niya na susulitin na daw niya ang huling pagkakataon na kasama ako.

Ang gusto ko lang naman ay magbago siya. Iwasan niya na makipag-away at manakit ng kwapa. Yun lang naman ang gusto ko. Pero hindi niya makuha ang gusto ko iparating.

Biglang tumayo si Adrian at lumipat sa ibang table.

" Tigilan mo na nga si Adrian. " sabay tayo ni Daisy sa upuan at sinundan si Adrian.

Hindi na lang ako umimik. Nasaktan ba siya sa sinabi ko? Haaay. Tapos itong Daisy naman na ito. Napaka talaga eh. Akala mo kung sino. Ex ka na niya. Ex-Girlfriend. As in past, kaya dapat tigilan na niya si Adrian.

Nang makauwi ako sa bahay, nagulat ako dahil maagang umuwi sina mommy at daddy. Ngayon lang kasi sila umuwi ng ganitong kaaga. Kapag umuuwi kasi sila, tulog na ako. Ano kayang meron?

" Oh andyan ka na pala. " sabi ni mommy sakin habang pinupunasan ang mukha niya gamit ang kamay niya.

" Bakit mommy? What's wrong? " tanong ko atsaka niyakap si mommy. Hindi siya sumasagot. Kaya si daddy naman ang tinanong ko, " Dad? Anong problema? " tanong ko.

" Ang company anak. " pagkarinig na pagkarinig ko sa salitang 'company', alam ko ng may malaking problema.

" Anong meron sa company natin dad? " tanong ko pa habang yakap yakap padin si mommy.

" Business is not doing so well. May kumakalaban na komapanya satin. Pinipilit nilang lumipat sa kanila ang mga stockholders natin. Pwede tayong mabankrupt. Unless may makipagkontrata ulit satin. " sabi ni daddy.

" Edi maghanap pa tayo ng mga stockholders. " sagot ko naman.

" Mahirap yun anak. " sabi ni mommy. " Unless, kung papayag ka na makipag-engage. Tama! Yun nga! " biglang napangiti si mommy sa naisip niyang plano.

Kung siya masaya, pwes ako hindi.

Bata pa ako, 16 palang ako at nasa junior palang ako. Tapos engage agad? No way.

" Papayag ka ba anak? " tanong ni mommy sakin.

" Hindi mommy. Hindi ako papayag na maengage sa taong hindi ko mahal. " sagot ko sa kaniya.

" Please anak. Para sa company natin 'to. "

Nakakainis naman kasi. Anong kompanya ba kasi ang kumakalaban sa company namin?! Ako ang magsusiffer sa ginagawa nila. Ayoko makipag engage! Ayoko!

" No mommy! Ayoko! " naghihimutok na ako sa galit dahil sa iniisip ni mommy.

" Anak, please. " pagmamakaawa ni mommy.

" Hindi magbabago ang desisyon ko! Hindi ako makikipagenage! " sigaw ko atsaka ako tumakbo pataas ng bahay para pumunta sa kwarto ko.

Ayoko makipagengage dahil may gusto ako. Hindi pa ako sigurado kung mahal ko siya pero gusto ko talaga siya. Kahit na may pagkasademonyo yung ugali niya. Gusto ko siya, kaya hindi ako pwede i-engage ng magulang ko sa ibang lalaki. Kung ma-eengage man ako, gusto ko kay Adrian lang at wala ng iba.

Kinuha ko ang unan ko at ipinatong ito sa mukha ko. Hindi ko na mapigilang maiyak sa mga sinabi ni mommy. Paano niya naisip ang ganoong plano? Hindi man lang niya inisip ang kapakanan ko.

I care about the company pero mas mahalaga naman siguro kung ano yung ikaliligaya ko diba?

Makakatulog na sana ako ngunit narinig ko ang pagbukas ng pinto. Agad ko namang inalis ang unan sa mukha ko at tinignan kung sino iyon.

" Anak, can we talk? " sabi sakin ni Daddy habang umuupo sa dulo ng kama ko.

Agad naman akong umupo mula sa pagkakahiga ko at pinunasan ang aking mga luha.

" Wag mo sabihing pumapayag ka sa sinabi ni Mommy? " sabi ko.

" Let me explain first, Anak. Hindi naman pipili ng hindi disente at walang kaya sa buhay ang mommy po para sa mapapangasawa mo balang araw. So dont worry, Eunice. " pagpapaliwanag niya sa akin.

" Hindi naman yun yung point ko. 16 palang ako dad. Nasa junior pa lang ako. " paliwanag ko naman sa kaniya.

" Age doesn't matter, Anak. 2 years na lang nasa legal age ka na. " sabi niya sakin. Halata naman sa mga sinasabi niya na pumapayag siya sa iniisip ni mommy eh. Paano naman ako?

" So pumapayag ka nga sa idea ni mommy na maengage ako. Paano niyo nagagawang isipin yan? Hindi niyo man lang alam kung anong mararamdaman ko. Ayoko pa maengage. Hindi pa nga ako nagkakaboyfriend sa buong buhay ko tapos ganyan kayo? Ipag kakait niyo sakin ang kaligayahan ko. Ano bang klaseng magulang kayo? " tuloy tuloy na sabi ko. Hindi ko alam kung paano ko nasabi 'yon. Nasasaktan lang talaga siguro ako sa mga pinaplano nila.

Tumayo ako, kumuha ng jacket at sinuot ito. Kinuha ko din ang wallet ko sa bag atsaka dirediretsong lumabas ng bahay. Iniwan ko lang si Daddy sa loob ng kwarto ko. Hindi na niya kasi inimik after ng lahat ng mga sinabi niya.

Sana naman wag nila ipagkait sakin ang tanging magbibigay sa akin ng kaligayahan.

Sana hayaan na nila akong hanapin ang lalakeng kayang suklian talaga ang pagmamahal ko. Hindi isang mayaman na walang iisipin kundi ang kompanya lang din katulad ng mga magulang ko.

--

Vote and comment po kayo <3

He's A Devil [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon