Devil # 25

3.8K 103 25
                                    

Chapter 25

" Eunice will you be my girlfriend? "

Sobrang tahimik ng auditorium. Lahat ng atensyon nasa amin ni Joshua. Siguradong hinihintay nila ang pagsagot ko. Mala wedding proposal lang ang nagaganap ngayon.

Hindi ko alam kung ano ba dapat ang isagot ko. 

Tumingin ako sa likod niya. Nakita kong nakatayo doon si Adrian. Dugdugdug. hindi ko na alam ang isasagot ko. Ano ba ang dapat kong gawin?

" Sagutin mo na! " sigaw galit sa may bandang likod hanggang sa nawala ang katahimikan at napuno ang lugar ng mga sigawan ng tao. 

" Joshua. " bulong ko. Agad naman ako binigyan ng Mic ng isa pa sa mga MC.

" Ano yun Eunice? " tanong ni Joshua habang nakaluhod padin.

" Sorry, pero hindi pa ako handa. Hindi pa ako handang pumasok sa isang relasyon. " sabay talikod ko at nagsimula ng tumakbo. nabitawan ko na din ang Mic sa sahig dahil sa sobrang kaba.

Hindi ko alam kung tama ba o mali ang ginawa ko. Gusto ko lang talaga makaalis sa sitwasyon na 'yun. Hindi ako papayag na sagutin si Joshua dahil naprepressure ako ng mga tao na nakapaligid sa amin. Gusto ko, kung magkakaboyfriend ako. Sasagutin ko siya dahil mahal ko siya.

Tatakbo akong lumabas ng auditorium. Takbo lang ako ng takbo. Hindi ko alam kung saan ako dinadala ngayon ng mga paa ko, basta ang gusto ko lang makalayo sa kanila. Hindi ko na din pinapansin ang mga taong nadadaanan ko at nabubunggo ko. Wala akong pakielam. Basta gusto kong lumayo.

Nagsimula ng tumulo ang mga luha sa mga mata ko. Napressure talaga ako sa loob. Kinabahan ako at natakot.

Nang mapagod ako sa kakatakbo, doon lang ako napatigil sa pagtakbo. Hingal na hingal ako sa ginawa ko. Agad ko namang pinunasan ang luha ko at umupo sa may gilid. 

 " Why did yu do that? " I know that voice. I know it was him. Ang lalaking dahilan kung bakit hindi ko sinagot si Joshua. Ang lalaking nagpapagulo ng puso't isipan ko.

" Hindi ko alam! " pagkasabing pagkasabi ko nun, napaub-ob na lang ako ng ulo sa mga tuhod ko. Hindi ko mapigilan ang maluha. Ang laking kahihiyan ang ginawa ko sa auditorium.

" You did the right thing. " tapos naramdaman ko na tumabi siya sakin. Nagulat na lang ako ng i-angat niya ang ulo ko at ipatong sa balikat niya. " Kaya ako, hindi kita minamadali. Kasi ako, kaya ko maghintay. "

" Adrian. " agad naman siyang tumingin sa akin. Pero nanahimik na lang ako kahit gustong gusto kong malaman kung sino si Daisy. I decided to kept myself silent. Don't get me wrong, talagang gusto kong malaman kung ano siya sa buhay ni Adrian pero hindi na naman siguro siya importante. 

" Bakit Eunice? " nagtataka niyang tanong.

" Wa-wala. " sabi ko atsaka ko itinaas ang ulo ko mula sa balikat niya at tinignan ang relo ko. " Kailangan ko na pala pumunta sa classroom ko. " 

" Hatid na kita. " sabi niya.

" Sige tara. " atsaka kami tumayo at nagsimula na maglakad.

Nakikita kong pinagtitinginan kami ng mga tao. Siguro nakita nila yung ginawa ko sa auditorium. Mga tao talaga, mga mapanghusga. Hindi naman nila alam ang rason sa ginawa ko kaya they shouldn't judge me. 

 " Thank you, Adrian. " pagpapasalamat ko sa kaniya ng makarating kami sa classroom ko. 

" Wa-wala 'yon.  Sige una na ko ha. " sabi niya habang napakamot siya sa kaniyang batok.

Nang maglalakad na siya papalayo biglang out of the blue ko na lang siya hinatak kaya naman napatigil siya at napaharap muli sa akin.

" Bakit Eunice? " tanong niya. Wait, bakit ko nga ba siya pinigilan? A-anong isasagot ko, kahit ako hindi alam kung bakit. Ano ba naman yan?

" A-ano kasi.. " hindi ko talaga alam ang isasagot ko. Nakatingin lang siya sakin. " Kain ka muna sa cafe namin. " sabi ko.

Buti naman at nakapag isip agad ako ng isasagot. Basta kasi ang alam ko, gusto ko pa siya makasama. 

" Wag na. Kailangan din kasi ako sa section ko eh. Alam mo naman, leader eh. " sabi niya. Sayang naman. Inaamin ko, nadissappoint ako sa sinabi niya pero wala eh. Ganun talaga. 

Bago siya umalis, kumaway muna siya at ngumiti sa akin. Agad naman akong pumasok sa loob at nagpalit ng aking maid outfit. Salitan kasi kami dito.

" Eunice! " sigaw galing sa may pinto. Sina Leslie pala at ang iba pang mga leaders. Dumating na pala sila. For sure, pagkwekwentuhan nila yung nangyari kanina sa auditorium.

" Bakit mo naman ginawa yun kay Joshua? " tanong ni Leslie ng makalapit sila sa akin.

" Katulad ng sabi ko, hindi pa ako handa. " pagpapaliwanag ko. 

" Pero --- " hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya dahilnakita kong may customer kami na pumasok at kailangan kong magserve.

After nun, hindi na ulit ako kinulit ni Leslie about sa nangyari bagkus ay nagpalit na din sila ng maid at butler oufits nila. Eto din kasi ang gagamitin namin mamaya para sa performance namin.

**

Agad agad kaming nagpunta sa auditorium dahil eto na yung oras na pinakahihintay ng bawat leaders at lalo na ng mga estudyante.

Closed muna ngayon ang mga booths ng bawat year at section dahil lahat ay manonood ng performance ngayon.

Isa isang tinatawag ang mga magpeperform from freshmen hanggang senior.

Mga ilang minuto lang. kami na ang susunod. Kinakabahan na ako. Paano kung magkamali ako? Paano kung mapahiya ako.

Biglang may nagpatong ng kamay mula sa likod ko. " Goodluck. " sabi nito. Agad ko naman itong nilingon.

" Salamat Adrian. " sagot ko naman sa kaniya na may kasamang pilit na ngiti. Bakit pilit? Kinakabahan kasi talaga ako ngayon. First time kong sasayaw sa harap ng whole student body.

" Kaya mo yan. " sabi niya sabay niyakap niya ako na ikinagulat ko. Nakita ko na pinagtitinginan kami ng mga tao.

" Kaya ba hindi mo ako sinagot kasi may namamagitan na sa inyong dalawa? " napabitaw naman agad si Adrian sa pagkakayakap sa akin at napatingin kaming dalawa sa nagsalita.

Halata sa mukha ni Joshua ang muhi at galit. Alam kong nagpipigil sila ng sama ng loob. Pero parang tama siya, parang si Adrian nga ang dahilan kung bakit ko siya hinindian.

--

vote and comment po kayo! Happy New Year Guys! Ingat always!

He's A Devil [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon