Chapter 42
I still tried to call him but it just keeps on ringing until.. the number you have dialed is out of service please try or call later.
Biglang narinig ko ang malakas na pagtunog ng doorbell ng aming bahay kaya naman agad akong tumayo sa pagkakaupo ko sa sofa para buksan ang pinto. Sumilip ako sa labas ng gate, akala ko si Adrian na ngunit ibang tao pala.
"Adams residence?" tanong ng lalaki.
"Opo. Sino pong kailangan niyo?"
"Are you Eunice?" tumango tango ako na nangangahulugan sa pagsangayon ko. "I'm the Chua's family driver. I'm here to get Adrian's car." dugtong pa niya sabay binigyan ako ng calling card na nagpapatunay sa mga sinasabi niya.
I have no choice but to get Adrian's car keys. "Wait lang po."
When I got back, iniabot ko agad ang susi at noong maglalakad na siya papunta sa sasakyan ay pinigilan ko siya. "Alam niyo po ba kung nasaan si Adrian? tanong ko na may halong pag-aalala.
"Mr. Chua? Well, I can't tell you miss. I promised him I won't tell anyone." sabay hinga niya ng malalim, "Gusto lang muna daw niya mapag-isa."
"O-okay," sagot ko naman, "Pakisabi naman po sa kaniya na nagaalala po ako sa kaniya. Tsaka po pakisabi na kapag kailangan niya ko itext o tawagan niya ko."
"I will, Miss. Goodbye." atsaka siya pumasok sa loob ng sasakyan at ilang sandali lang ay humarurot na paalis sa harapan ng bahay namin.
Andito ako, Adrian. Andito lang ako.
Gusto ko pa man din sabihin sa kaniya ang good news na tutulungan kami ni mommy. Gusto kong sabihin na kailangan lang niyang patunayan sa parents ko na mahal niya ko. Nagawa naman niyang patunayan sakin 'yon diba? Kaya may tiwala akong kaya niya ding patunayan ito sa mga magulang ko.
"Mommy, Daddy," tawag ko sa kanila, "Aalis lang muna po ako."
"Wag magpapagabi ha. Ingat." sabi ni daddy atsaka ako lumabas ng bahay.
Gusto ko din mapagisa. Gusto ko magpahangin. Gusto kong magreflect.
Noong hindi ko pa siya nakikilala, napakatahimik ng buhay ko. Araw-araw same routine lang ang nangyayari sa buhay ko. Papasok, uuwi at matutulog. Sumunod na araw ganoon na naman. Tuwing weekends lang may nababago kasi minsan nakakagala ako kasama si Leslie.
Pero simula nung nakilala ko ang tinatawag nilang Prince Devil ng school, lahat nagbago. Hindi ko inaakala na may mga tao akong makikilalang bago. Hindi ko din inaakala na madaming bagay ang mangyayari. Hindi ko din alam na masasaktan din pala ulit ako ng ganito.
This was the second time na masaktan ako at sa iisang tao lang.
Bata pa naman kami noon nung umalis sila. Nasaktan ako noon pero hindi masyado dahil bata pa naman ako noon. Kahit na umiyak ako, maya-maya lang ay mawawala na. Ngayon, kahit na anong gawin ko, masasaktan at masasaktan ako sa nangyayari.
Mahal ko na nga talaga siya.
Nagdirediretso lang ako sa paglalakad hanggang makarating sa may park ng subdivision. Napakatahimik at ingay lamang mula sa napakalakas na hangin ang naririnig ko. Humiga ako sa ilalim ng puno, nilalasap ang napakalamig na panahon.
"Eunice," kaya napalingon ako, "I knew I would see you here."
Si Joshua, papalapit sa pwesto ko. "Bakit parang ang lungkot mo? Hindi ka ba masaya na makita ako?"
Hindi ako sumasagot atsaka tumingin sa langit. Naramdaman ko na umupo siya sa tabi ko. "May problema ka?"
"Siguro." mahinang sagot ko. "Simula ng bata pa ako, may parents tried to hide me. Tried to hide my families wealth. Madami daw problema ang pwedeng dalhin samin ng yaman ng pamilya namin. Siguro tama nga sila."
"Maybe." siguro hindi niya alam ang isasagot niya. Sabagay, buong buhay din niya puro pasarap sa buhay ang alam nila.
"My parents never spoiled me. I get the same allowance like any other students. I can't buy anything that I wan't eventhough my family has the capability of it."
"What's your point?"
"Masyadong pinahahalagahan ng mga tao ang pera." bigla akong tumayo, "Hindi mo maiintindihan." Iniwan ko siya doon ng wala man lang paalam. Nagikot-ikot ulit sa subdivision.
**
Another week was ahead of me.
Pagpasok na pagpasok ko sa pinto ng room, nilapitan agad ako ni Leslie, "Bhes! Ano kamusta na kayo ni Adrian?" pero as expected, di ako sumagot. Nagdirediretso lang ako sa upuan ko.
"Nag-away kayo?" dugtong niya.
"Hindi," sabay hinga ko ng malalim, "mahabang istorya."
Kinwento ko ang mga nangyari. Kung paano nagalit ang mommy niya, kung paano nagalit ang mommy ko at kung bakit ganito kami ngayon.
"Pupuntahan ko si Adrian. Ako na magsasabi." pero pinigilan ko siya.
"Eto na 'yon Leslie. Eto na 'yung pagsubok ko sa kaniya." napagisip isip ko din kasi kahapon na mas magandang hindi sabihin sa kaniya. Mas magandang kusa niya akong ipaglaban sa mommy ko.
Nakakapanibago. Walang maingay na Adrian ang dumalaw sa classroom namin. Walang Adrian na nang-iinis. Walang Adrian na corny. Walang wala.
Nang matapos ang klase, pumunta kami ni Leslie sa cafeteria para bumili ng drinks ng bigla nakita namin si Adrian. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko dahil alam kong ilang segundo na lang ay magkakasalubong kami. Simula ng nangyari kahapon, ngayon na lang ulit kami nagkita.
"Adr--" di ko na natapos ang pagtawag sa kaniya dahil nilagpasan niya lang ako. Nakayuko siyang lumagpas at hindi man lang niya ako tinignan. Napatingin na lang ako kay Leslie na parang gusto kong umiyak.
Mas lalo pa akong nasaktan dahil paglingon para tignan siya, nakita kong papunta siya kay Daisy. Napansin siguro ako ni Daisy dahil bigla siyang tumingin sakin at binigyan ako ng isang nakakapangutyang ngiti.
BINABASA MO ANG
He's A Devil [Fin]
Aventura"My life changed when I let my self fall in love with the Devil." | mundongsaging (c) 2013 ALL RIGHTS RESERVED