Devil # 20

5K 118 33
                                    

A/N: Yaaay! 20 Chapter na ang HAD!

Thankyou po sa lahat ng sumosoporta at nagbabasa nito.

Salamat sa mga nagvovote at nagcocomment. :D

Sige, read and enjoy!

--





Chapter 20



//



" Eto na yung stapler guys! "
tapos inabot ko na ito sa iba kong classmate.



Umupo ako sa may sahig para mag gupit na mga letters na gagamitin na pang design ng room. Nakakapagod talaga 'tong mga program eh. Mga pauso kasi ng mga teachers, pero atleast nakakapag-enjoy kami at naeenhance ag team work ng bawat isa.



" Zen, wag nga. " napatingin naman ako sa kanila. Halatang masayang masaya na nagiinisan sina Cloe at Zen. I think he's happy naman with Cloe kaya wala na ako dapat iproblema.



Sabi nga nila, dapat magmove on. Medyo nawawala na naman ang feelings ko sa kaniya. Pero syempre slight lang. Sa kailailaliman ng puso ko, may nararamdaman padin ako kay Zen. Siya kasi yung first true love ko.



Actually hindi talaga siya ang First love ko. May First love is my childhood friend, Adrian. Yung kapangalan nung devil. Pero syempre, puppy love lang yun dahil bata pa kami noong panahon na 'yun.



Umalis kasi siya para magpuntang korea with his family. 8 years old lang ako nun at syempre siya ang kaunaunahan kong kaibigan pero dahil bata pa kami nun, wala kaming magagawa. Simula noon, wala na akong narinig tungkol sa kaniya.



Noong una kong malaman ang pangalan ni Adrian, hindi nawala sakin ang maghinala na siya nga ang Adrian na kababata ko. Pero yung ugali kasi nila, magkaibang magkaiba.



" Bhes, bakit ka tulala diyan? " nagulat naman ako ng bigla akong kausapin ni Leslie.



" Ha? Hi-hindi kaya. "



" Hindi daw. "
tapos tumawa siya. " Iniisip mo si Adrian? Yieh! " tapos tinusok tusok pa niya ako sa tagiliran ko.



" Ikaw talaga Bhes. Wala nga sinabi. " sagot ko naman, pero yung totoo si Adrian talaga ang iniisip ko. Kasi naman eh, ang gulo ng taong yun.



Nagpatuloy na lang ako sa paggugupit ko ng mga kartolina. Hindi ko na nga muna iisipin si Adrian.



" Eunice. " tawag ng isa kong classmate kaya tumingin ako sa kaniya.



" Bakit? " tanong ko.



" May naghahanap sayo. " pagkasabi ng classmate ko nun, pumunta ako sa may pinto para tignan kung sino yung naghahanap sakin.



" Hi Eunice. " bati ni Joshua sakin.



Lumabas ako ng room at isinara ang pinto. " Bakit Joshua? " tanong ko sa kaniya.



" Libre ka ba mamaya? " tanong niya.



" Sorry hindi eh. " sagot ko naman.



Halata sa mukha niya ang dissappointment. Kasi naman, magagailit na naman sigurado si Adrian sakin kapag kay Joshua ako pumayag.



Ganito kasi yon.



" Eunice, gala tayo mamaya. " sabi ni Adrian sakin pagkakuha ko ng stapler sa kamay niya.



" Pag iisipan ko. " sagot ko naman sa kaniya.



" Pag iisipan na naman tapos, sa iba ka papayag. " naaalala ko tuloy yung niyaya ako ni Joshua mag mall. Inis na inis si Adrian nun.



" Oo na nga. " kaya syempre, umoo ako. Ayoko na maulit 'yun eh.



Kaya hindi talaga ako pwedeng pumayag kay Joshua.



" Sorry ha. Nauna na kasi si Adrian. " sabi ko kay Joshua. Lalong ata siyang nadissapoint kasi hindi na siya nagsalita at naglakad na papalayo sakin.



Nakakainis naman eh. Kapag kay Joshua ako pumayag, si Adrian ang naiinis. Tapos kapag kay Adrian naman ako pumayag, si Joshua naman nadidissappoint. Ano ba talagang gagawin ko?



Bumalik na lang ulit ako sa loob at naggupit gupit ulit ng mga kartolina.

Nang matapos ako sa paggawa ng mga designs, lumabas na ako ng room. Lunch na din kaya naman dala dala ko ang lunch box ko. Kasama ko rin pala si Leslie. Papunta na sana kami sa ilalim ng puno na favorite tambayan namin ng biglang may tumawag sakin, " Eunice. "

Agad naman akong lumingon. Si Adrian pala. Ayan papalapit na siya dito sa kinatatayuan namin ni Leslie. 

He's A Devil [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon