Chapter 8
//
Sumunod na araw, nasa school na ako pero hindi ko padin makalimutan yung nangyari sa ospital. Everytime na makikita ko si Cloe, naiinis ako.
" Bhes, nagstop na ba yung love letter? " tanong ni Leslie habang nakatingin sakin.
" Wala ngayon e. Baka nga.. " yeah. nagstop siya. Biglaan.
Nanlaki na lang bigla yung mata ni Leslie. " Hindi kaya si Zen yun? "
Napaisip naman ako bigla. Wala si Zen ngayon kase nasa ospital siya. Wala ding love letter ngayon. Baka nga si Zen. Pwede nga. Pero baka coincidence lang yun.
" Hi- hindi. " sagot ko. Bakit? Kasi ayoko na mag assume. Ayoko na. Nasasaktan na ako. Tsaka may Cloe na siya. Wala na akong space sa puso niya. Oo. Ako na ang manhid.
" Hoy panget! " napatayo tuloy ako sa kinauupuan ko. Nakakainis kasi siya. Brokenhearted na nga yung tao tapos may balak pa manginis. Sino pa ba? Edi si Adrian The Devil. Lagi naman.
" Ikaw kaya. Ikaw yung panget! " sigaw ko.
" Kilala mo ba kung sino kinakausap mo? " mayabang na sabi niya.
" Oo, kilalang kilala ko. Kausap ko ngayon yung Demonyong member ng basketball team! " ewan ko ba kung saan ko na hinuhugot yung tapang ko ngayon. Siguro badtrip lang talaga sobra.
" Pandak! " napatahimik ako nung sinabi niya yun.
Si Adrian na kababata ko yung nagiinis sakin na pandak ako. Oo, yung height ko masyadong maliit kung ikukumpara sa iba. Inaamin ko naman yun. Pero siya nga kaya si Adrian na mabait na kababata ko dati?
" Oh bakit? Hahaha. Pandak! Pandak! Panget na nga, Pandak pa! " sigaw niya.
Umupo na lang ako. Napipikon na kasi ako. Umiiwas lang ako sa gulo.
" Ano? Ayaw mo na? Hahaha. Oo nga pala, wala nga pala yung Knight in shining armor mo. Sino nga ba yun? Si... Si Zen! Oo, wala kasi siya. Haha. "
Hinayan ko na lang siya magsalita ng magsalita. Nakakainis kasi talaga. Parang bata! Bwiset! Sarap ibato sa kaniya yung bag ko eh.
Nagulat ako nung nilapit na naman niya yung mukha niya sa mukha ko. Akala ko hahalikan na naman niya ako. Buti na lang hindi.
" Bleh! Bleh! Bleh! " habang nagmamakeface siya.. Para siyang baliw sa ginagawa niya. Parang gusto ko siyang dalhin sa mental ng malayo si sakin.
Ako naman itong si poker face lang. Hinahayaan siya sa mga pinaggagagawa niya.
" Yan si Adrian diba? "
" Parang authistic na bata eh. "
Natatawa na lang ako sa mga naririnig ko.
" May sira na ata sa ulo. "
" Nagpapapansin lang yang kay Eunice. "
" Tara, dalhin na natin sa mental. "
Hindi ko na mapigilan tumawa ng malakas dahil sa bulungan ng mga classmate ko.
" Bakit ka natawa? Pinapatawa ba kita? " masungit niyang sabi.
" Tigilan mo na nga yang bestfriend ko. " saway sa kaniya ni Leslie.
" Kinakausap ba kita ? " tanong niya kay Leslie.
Kapal talaga niya eh. Sarap talga niyang batuhin. Hindi lang bag. Pati narin upuan, eraser ng board, pencil case na bakal, at kung anu-ano pa nang pumanget yung mukha niya para hindi na siya magmayabang diyan.
" Crush mo si Zen? Tama ba? " halata sa boses niya na seryoso siya. Pano niya nalaman? Halata na ba talaga?
" Bhes? Totoo ba yon ? " gulat na tanong ni Leslie.
Nakita ko din na medyo lumapit samin si Cloe. Curious din siguro siya sa sagot ko. Pwede din naman na alam niya na may gusto sakin noon boyfriend niya.
Natigilan na lang tuloy ako. Nakatingin sa mga mata ni Adrian. Pinagpapawisan. Di ko alam isasagot ko. Tss..
--
vote and comment <3
BINABASA MO ANG
He's A Devil [Fin]
Adventure"My life changed when I let my self fall in love with the Devil." | mundongsaging (c) 2013 ALL RIGHTS RESERVED