A/N: Dahil medyo maluwag ako sa school ngayon. Medyo maguupdate update na ulit ako. Sorry po sa super duper late na update.
Chapter 39
//
"Eunice, I wanted to tell you pero natatakot ako na baka hindi mo na ako naaalala." sabi sakin ni Adrian. Nginitian ko lang siya bago ako nagsalita, "Wag ka mag-alala, hindi naman magbabago pagtingin ko sayo." sabay ngiti niya din sakin.
"I'm sure tatanggapin ka na ni mommy, lalo na at kapag sinabi ko na anak ka ni Tito Ricky. " sabi niya sakin. Halata sa mga mata niya na masayang masaya siya sa plano na naisip niya.
"Oo! Tama nga 'yang naisip mo pero parang ang hirap naman talunin ni Daisy. Parang imposible padin na mas magustuhan ako ng mommy kaysa kay Daisy." sabay hinga ko ng malalim.
"Always think positive, Eunice." sabay hawak sa mga kamay ko. "Gagawin nating lahat, mapasang-ayon lang siya."
"Salamat." Iyan na lang ang nasabi ko kasi talagang hindi maalis sa isip ko 'yung mommy ni Adrian. Paano ba niya ako matatanggap?
Lumipas ang ilang araw, mas lalong nahuhulog ang loob ko kay Adrian. Tuwing lunch break, sabay kami kumakain at nagkwekwentuhan. Walang araw na hindi kami nagkikita. Masaya ako sa relasyon namin at sa panliligaw niya. Hindi ko talaga inaasahan na maiinlove ako sa kaniya at pati na din sa ugali niya na kahit may pagkamakulit at magagalitin, meron pading kabutihan sa puso niya.
"Eunice." Tawag sakin ni Adrian habang naglalalad kami ngayon sa mall. "Oh bakit?"
"The reason behind me wanting you to go with me here at the mall is because.." Sabay hinga niya ng malalim, "We need to buy you a dress."
"Wha-what?" 'Yan na lang nasabi ko sa sobrang pagkabigla. "Para san naman?"
"Promise to me muna na hindi ka kakabahan o kaya magugulat." Sabi niya sakin, lalo naman akong kinakabahan aa kaniya pero I need to promise him. I have no choice but to agree with him. "Sige na. I promise na hindi ako kakabahan o kaya magugulat."
"That's good to hear."
"Dali na, Adrian. Sabihin mo na yung rason kaya bibili ako ng dress." Pangungulit ko.
"My family wants to have dinner with you this weekend." Pageexplain niya. "Saturday. 5pm dadaanan na kita sa inyo."
"Wait lang ha. Ayaw magsink in sa utak ko. Parang di ko ata kaya 'yun." Diretsong sabi ko sa kaniya.
"Kailangan mong kayanin, Eunice. For us. For our relationship."
"Pe-pero.."
"Wala ng pero-pero. Tara na nga." Sabay hatak ni Adrian sakin.
Sukat dito, sukat dun. Dress dito, dress doon. Tawa dito at tawa doon pero deep inside kinakabahan ako, nagdadalwang isip dahil baka hindi talaga nila ako magustuhan lalo na 'yung mommy ni Adrian.
"Okay ka lang ba? Pilit lang ata 'yung pagsang-ayon mo sakin." Nagulat ako bigla sa sinabi niya.
"Hi-hindi. Kinakabahan lang talaga ako."
"Sigurado ka? Kung ayaw mo naman talaga, pwede ko namang sabihin sa kanila na hindi ka pwede e." Umiling-iling na lang ako dahil pag di ito natuloy, lalong papanget ang image ko sa magulang niya.
After namin mamili, dumiretso kami sa bahay nila. "Sigurado ka bang wala parents mo sa bahay niyo?" Tanong ko sa kaniya ng malapit na kami sa tapat ng gate nila.
"Sigurado ako. Tsaka wag ka kasi kabahan. Aayos din lahat."
Nang makapasok kami sa loob ng bahay nila, tumambad agad sa sala nila ang Mommy niya at si Daisy.
"Ah.. Eh.. He-hello po." Sabay ngiti ko ng pilit sa kanila. Nangangatal ako kahit hindi naman dapat. Para akong nakakita ng masamang espiritu. Nakakatakot talaga ang mommy ni Adrian. Sabay bigla naman akong hinatak ni Adrian papunta sa second floor ng hindi man lang nagsasalita o kaya man lang ay bumati. As in wala talaga siya. Expressionless din ang mukha niya.
Pagkapasok namin sa isang kwarto, kwarto niya siguro, agad siya sumigaw. "Badtrip!"
Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya, "Don't worry. Katulad ng sabi mo, magiging maayos din ang lahat lalo na kapag sinabi mo sa mommy mo na ako yung kababata mo."
"Pe-pero.."
"Wala ng pero-pero. Lalaban tayo." Dapat kasi positive lang lagi kasi kung hindi, talagang walang mangyayaring maganda.
"Hayaan na nga lang natin sila." sabi niya sakin.
Biglang bukas naman ng pinto kaya napabitaw agad ako sa pagkakayakap ko kay Adrian.
"Ayoko sayo." Sabi ng mommy ni Adrian habang tumatawa tawa sa likod niya si Daisy.
Para kong sinampal ng paulit-ulit sa narinig ko. Hindi pa naman niya ako kilala kaya wala siyang karapatan na sabihin na ayaw niya ako para kay Adrian.
"Pero mahal ko siya." Sagot naman ni Adrian. " Sawang sawa na ako sa pagpupumilit niyo na ipagkasundo kami ng babae na yan."
Tinititigan lang ako ng masama ni Daisy. Mga nanlilisik na tingin. Sabay nagulat na lang ako ng tumakbo siya papalapit sa akin sabay sampal sa mukha ko.
Pero mas nagulat ako ng sampalin din siya ni Adrian, "Mas lalong ayoko naman sayo. Tigilan mo na kakahabol mo saken. Hindi na kita mahal."
"Lumayas kana dito!" Sigaw ng mama ni Adrian.
"Sigurado ka ba, ma? Baka pagsisihan mo." Paghahamon ni Adrian.
"Layas!"
Biglang hinila na naman ako ni Adrian at ngayon, palabas na kami ng bahay nila sabay pinasakay niya ako sa sasakyan at pinatakbo niya na ito.
Ayoko naman na masira ang pamilya nila dahil sakin. Ayoko ng ganito.
"Sigurado ka ba sa desisyon mo?" Nag-aala kong tanong.
"Oo. Sigurado ako. Andyan pa naman si Dad. Alam kong naiintindihan niya ako." Sabay hinawakan niya ang kamay ko. "Hindi ako bibitiw sayo, kasi mahal kita."
"Ayusin mo pagpapatakbo mo, wala ka pa man ding lisensya." Pag aalala ko.
"I know." Sabay medyo binagalan na niya yung pagmamaneho niya.
Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin.
BINABASA MO ANG
He's A Devil [Fin]
Adventure"My life changed when I let my self fall in love with the Devil." | mundongsaging (c) 2013 ALL RIGHTS RESERVED