Chapter 15
//
Nang makauwi na ako sa bahay ay agad akong pumunta sa kwarto para magpahinga. Napagpasyahan ko na magpauwi na lang sa mama ko ng food at mamaya na ako kakain pag nakauwi na sila.
Umupo ako sa kama at hinalungkat ang bag ko para kunin ang sulat na galing sa secret admirer ko. Aiishh. Sino ba kasi 'tong nagsusulat na 'toh? Ayaw pa magpakilala. Ang arte e. Kung nagpapakilala na lang siya para maging kaclose ko. Malay natin diba? Baka magkagusto din ako sa kaniya para happily ever after na kami. Hahaha.
Pagkakuha ko ng sulat, humiga ako sa kamat at nagsimula ng basahin ito.
Dear Eunice,
Ayokong umamin na gusto kita, kasi alam kong maraming magbabago.
Secret Admirer
Hindi ko alam kung ano ba 'tong nararamdaman ko pero parang ang bigat bigat talaga sa pakiramdam. Nagiba na ang hinala ko. Hindi si Zen 'toh. Baka si.. si.. si.. si Adrian!
Ugh! Pero bakit naman ako mag-aassume na si Adrian 'toh? Alam ko naman na trip lang ako nun. Alam ko na niloloko lang niya ako. Tapos pati 'tong letter letter na ito, pakana din niya. Tss. Pabayaan ko na nga lang siya. Ieerase ko na yung happily ever after. Pwede na kahit sino, wag lang si Adrian. Aba! After everything na ginawa niya sakin dati, hindi ako papayag. Basta hanggang friends lang kami. F-R-I-E-N-D-S! Friends.
Pero hindi na ata kami friends diba? Alam kong nasaktan siya sa sinabi ko nung araw na 'yun.
Biglang may narinig akong mga lalaking nag uusap galing sa labas. Agad ko namang sinilip kung sino ang gumagawa ng mga ingay.
Napansin ko agad ang isa sa kanila. Sino pa ba? Syemore siya. Si Adrian. Kasama niya ang varsity at si Joshua. I saw him smiling and laughing. Hindi katulad kapag nakikita niya ako. Puno ng poot at galit ang nakikita ko sa mukha niya.
Gusto ko talagang magkabati kami ni Adrian. Pero paano?
Nakita kong napatingin si Adrian sa bahay ko kaya naman pandalas ako sa pagtago sa gilid ng kutina. Nang makalipas ang ilang segundo, sumilip ulit ako pero wala na sila. Marahil pumasok na sila sa loob ng bahay ni Joshua.
Alam ko na! This is my chance na makipagbati na ulit kay Adrian. Tinawagan ko si Joshua sa phone niya at sinabi na pupunta ako sa kanila para kausapin si Adrian at pumayag na ito dahil kaclose ko na din naman ang iba niyang kasama na sina Allan, Jet at Yue. Sila yung mga kasama namin nung nagmall kami nung nakaraan.
Agad naman akong nagpalit at nagpunta na sa bahay ni Joshua.
Nagdoorbell ako at inihanda ang aking sarili. Agad naman akong pinagbuksan ng gate. Tumambad sa mga paningin ko si Adrian. Poker faced siya ngayon.
BINABASA MO ANG
He's A Devil [Fin]
Macera"My life changed when I let my self fall in love with the Devil." | mundongsaging (c) 2013 ALL RIGHTS RESERVED