Binilang ko ang pera na nasa wallet ko. May coins pa ako at ilang papel na pera na naipon. Kinagat ko ang ibabang labi at tumigil sa pagbilang. Lahat ng pera na naipon ko sa wallet ay nakalapag na sa kama ko. Limang libo nalang ang natira pagkatapos kong magbayad sa mga utang ko.
Binalik ko sa loob ng wallet ang mga papel saka ipinasok doon sa drawer na lalagyan ng underwear ko. Yung coins ay inilagay ko sa pouch wallet para hindi magkalat.
Bumuntong-hininga ako at sinarado ang kabinet. Inayos ko ang sapin sa kama ko pati ang unan saka nahiga. Bumuntong-hininga ulit ako habang nakatihaya at nakatingin sa puting kisame na hindi na may linya na nang itim na kulay dahil sa kalumaan nito.
Pagod akong nakatingin sa kisame. Kaninang hapon ay nagtinda kami sa kalye dahil half day lang naman ang pasok ko at kasama ko si Safara dahil wala silang pasok kanina. Pinilit ko lamang siya na samahan ako dahil ako lang ang mag-isa.
Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito at pumasok si Skim na maraming dalang plastic bag.
Napaupo ako dahil gusto kong makiusisa sa dala niya.
"Ano ba yang mga dala mo?" Curious kong tanong.
Pagod siyang bumuntong-hininga at ibinagsak sa sahig ang mga dala niya. "Mga damit. Binigay sa akin ni Mawi."
Si Mawi ay yung transgender woman na nakatira sa tabi ng bahay namin. Maganda ang trabaho ng baklang yun dahil call center agent siya at may boyfriend pang Pakistani. Bongga talaga siya dahil may boyfriend siyang sumusuporta sa kanya.
Bumalik ako sa paghiga pero patagilid na. Nakatukod ang ulo ko sa braso. "Ang dami niyan ah."
"Eh hindi ko naman susuotin 'to lahat. Yung iba ay ibebenta ko para magkapera. Kung gusto mong magsuot ay humanap ka diyan ng gusto mo."
"Never." sagot ko at bumalik sa paghiga.
Tumalikod ako ng higa sa kanya at binalotan ko ang sarili ng kumot.
Hindi ako nagsusuot ng damit ni Mawi na bigay na kay Skim dahil hindi ko naman tipo yung mga damit niya. Ang gusto kong suotin ay yung mga simpleng dress lang na hindi masyadong kita yung dibdib at hindi din masyadong maikli. Si Skim ay mahilig magsuot ng mga ganun kasi mas matapang siyang magsuot ng mga kita na yung mga tinatago sa katawan.
Ako? Hindi. Kasi hindi ako komportable.
"Pakipatay nalang ng ilaw pagkatapos mong magligpit." sabi ko at ipinikit na ang mga mata.
Paggising ko kinabukasan ay hindi pa sumisikat ang araw. I yawned as I got up from my bed. I made my bed first before heading out of my room. Si Skim ay natutulog pa sa kanyang higaan pero alas otso naman ang klase niya kaya magigising naman siya maya't-maya lang.
Bago ako bumaba ay kumatok muna ako sa kwarto nina Sack para gisingin sila. Apat na katok ang ginawa ko saka bumaba na.
Una kong ginawa ay nagsaing ako. Binuksan ko ang bintana sa may kusina para pumasok yung malamig na hangin. Pagkatapos kong ilagay yung pot sa kalan ay iniwan ko muna ito para maligo.
Pagdating ko sa taas ay naabutan ko si Skan na kagigising palang at magulo pa ang buhok na lumabas ng kwarto nilang tatlo.
"Oh gising ka na pala. May sinaing ako sa baba. Pakibantayan lang muna dahil maliligo pa ako. Magkape ka lang muna." sabi ko at pumasok ulit sa kwarto ko para kunin ang tuwalya.
"Iihi muna ako." sagot ni Skan.
Mabuti at nakinig sa akin si Skan at nasa baba yata siya. Pumasok lang muna ako sa banyo para maligo muna habang yung iba ay hindi pa. Kasi mamaya kapag magising na yung lahat ay talagang mag-aagawan na kami ng banyo.
BINABASA MO ANG
Leighton
RomanceBilang panganay sa limang magkakapatid, ang unang pumasok sa isip ni Santi ay pumasok agad sa trabaho. Nang wala na silang mga magulang na magsusuporta sa kanila ay si Santi na ang tumayong breadwinner para sa pamilya niya na hindi niya dapat pabaya...