Hindi ko makatulog ng maayos kagabi kaya napuyat ako. Nagising nalang ako nang gisingin ako ni Skan para maghanda na. Alas kwatro y media niya ako ginising. Mabilis kaming nagprepara ng umaga na yun para sa inorder ni Farren.
Nakatapos kami ng alas otso at mga bagong hain yung muffins kaya inilapag lang muna namin sa lamesa para lumamig. Pagkatapos ay pumasok ako sa kwarto para makapag-ayos.
Hindi ako makatulog kagabi dahil inisip ko yung date na sinabi ni Leighton. Prinoblema ko yung susuotin ko. May mga maayos na dress pa naman ako sa aparador ko.
Nilibang ko nalang ang sarili ko sa paghahanap ng dress na maisusuot. Syempre gusto kong maging maayos sa unang date namin ni Leighton. It'd probably our first and last date and I wanted it to be nice and a night to remember.
May nakita akong simpleng off-white dress sa kabinet. Maganda pa yun at hanggang sa kalahating hita ko lang ang haba. Hindi siya open sa likod at hindi din mababa yung neckline. Mayroon din siyang ribbon sa may leeg at may pearl din na nakakabit sa gitna para maging isang ornament. Sa ilalim ng ribbon ay tatlong itim na bilugang butones hanggang sa chest part.
May sleeves at wala akong nakitang dumi sa hem. Wala siyang pocket pero okay lang naman dahil may bag akong pwedeng gamitin. Sinilip ko yung flat shoes ko na nasa ilalim ng higaan ko. Nakita kong wala itong sira. Matagal na itong sapatos ko pero hindi pa ito sira, minsan ko lang din itong gamitin kapag mayroong okasyon akong pinupuntahan. Hindi ko din ito pinapahiram sa mga kapatid ko kasi wala akong gagamitin kapag masira ang sapatos ko. I could lend them my clothes and bags but not my shoes.
I only had three pair of shoes. Yung isa ay black shoes na ginagamit ko sa eskwelahan kasi may uniform kami tapos yung isa ay sneakers at itong sapatos ko na ginagamit sa party.
Yung dress ko ay ibinalik ko lang muna sa loob ng aparador saka bumaba para magpaalam kay Sack na hihingi ako ng wet wipes para ipunas sa sapatos na gagamitin ko. Nakahingi naman ako at pinunas ko ito sa aking sapatos.
"May lakad ka?" tanong ni Skim nang bumangon siya sa kanyang higaan.
Kagigising palang ng babaita kahit siya ang unang natulog kaysa sa akin.
"May lakad lang ako mamaya."
"Saan?"
"Basta." Tipid kong sagot habang pinupunasan ang sapatos ko.
Hindi na ulit nagtanong pa si Skim at naglakad siya papunta sa labas. Mula sa ilalim ng talukap ko ay nakita kong hindi niya inayos ang higaan niya. Yung kumot ay nakalaylay na sa paanan ng katre at yung isang unan ay nasa sahig.
Napailing nalang ako sa kaburaraan niya. Sa aming lima ay siya yung less clean freak. Si Sack naman at si Skan ang OC pero para sa akin ay si Sack yung malala dahil naiirita yun kapag may dumi siyang nakikita. Kaya kapag nag-aaway silang dalawa ni Skim ay tungkol yun sa kalat. Si Skim na makalat at Sack na OC.
Pagkatanghali ay dumating si Farren para kunin yung pinatahi niya sa'kin at yung inorder niya. Binigay din sa amin ang bayad at mabuti nalang ay naibigay niya ng sakto kasi may gagamitin ako. Alam ko na mayaman si Leighton at may kotse siya at kaya niyang bumayad kapag kumain kami sa labas. Pero hindi ako mag-aassume na siya ang magbabayad lahat, baka maghati kami sa babayaran.
Hindi ko maiwasan na mapangiti at ma-excite kung saan niya ako dadalhin. Kapag sa salitang date kasi, yung nasa isip ko ay kakain sa restaurant, manunuod ng sine, o di kaya mamasyal sa park. Pero alas singko na kaya baka manuod lang kami o di kaya ay kumain. Pero ang boring kung kumain lang kami sa labas kasi isang oras lang yun.
"Sack?" I called her when I sashayed downstairs to find her.
"Oh?" Lumingon naman siya sa akin mula sa panunuod niya ng palabas sa TV. Yung TV na bigay ng kapitbahay namin pero ilang channel lang ang gumagana dahil hindi naman yun cable at hindi yun smart TV.
BINABASA MO ANG
Leighton
RomanceBilang panganay sa limang magkakapatid, ang unang pumasok sa isip ni Santi ay pumasok agad sa trabaho. Nang wala na silang mga magulang na magsusuporta sa kanila ay si Santi na ang tumayong breadwinner para sa pamilya niya na hindi niya dapat pabaya...