Kinabukasan ay check-up ko na sa bayan at naghahanda na ako para sa pag-alis papunta sa clinic ng sinasabing private OB ni Leighton sa akin noong isang araw. He made the arrangement for me so that we could get this schedule.
Yung off-white na dress na may spaghetti straps ang sinuot ko tapos pinaresan ko ng powder nude flats para mas bagay siyang tignan sa akin. My belly was huge for a six months. Hindi ko pa alam ang gender ng baby. Gusto kong malaman na para makapaghanda din ako sa mga susuotin at sa pangalan.
I loved to have a girl as my first born pero kung ano ang ibigay sa akin ay dun nalang ako magiging masaya. After all, this was my baby. He or she came from me—with the help of his or her father of course.
Tinalian ko ang mahaba kong buhok na hanggang dibdib na. Gusto ko sanang pagupitin itong buhok ko hanggang sa lagpas ng balikat kasi ang hirap magsuklay kapag mahaba. Hindi naman ako nangangarap na pahabain pa ito hanggang bewang kasi ang hirap magsuklay. Mabuti pa kung hindi masyadong mahaba kasi mabilis lang mag-ayos.
Pagkaayos ko na ay saka ko kinuha yung leather tote bag ko at lumabas na nang kwarto. At pagkalabas ko ng kwarto ko ay saktong naghihintay na pala si Leighton sa akin.
Ngumiti lang ako ng tipid at binaba agad ang tingin sa suot niyang plain off-white t-shirt na may nakasulat na Off-White—isang fashion brand siguro na mamahalin at black pants tapos sapatos na kulay light nude.
Parehas pala kami ng fits pero yung flats ko lang ang itim. Pero parehas kami ng kulay ng damit.
"Sorry natagalan ako sa loob." Hingi ko ng tawad.
Initsa niya ang kanyang baba saka nagsalita. "Let's go. We're gonna be late to your appointment." sabi niya at hinawakan ako sa braso.
Nagpaalalay naman ako sa kanya habang papunta na kami sa may hagdan. Ilang hakbang pa naman bago kami makarating sa hagdan pero since nung nag-usap kami kagabi ay nagiging mabait na siya sa akin kaya hindi ako nagrereklamo. Wala akong irereklamo dahil makakatulong naman yung mga ginagawa niya sa'kin.
Pagdating namin sa hagdan ay humakbang na kami pababa. Ang hina lang ng hakbang ko dahil nag-iingat lang ako para hindi maslide pababa. Mapapaanak ako niyan kapag mangyari yun. Nakahawak din ako sa barandilyas ng hagdan while my other hand was gripping my bag.
I wanted to hold my belly but I couldn't loose my grip to my bag and to the bannister.
"Everything's alright? Parang nahihirapan ka." I sensed Leighton's concerned when he asked me.
Umiling ako. "Okay naman. Gusto ko lang hawakan ang tiyan ko pero bumaba nalang tayo para makaalis na agad." sagot ko.
We paused to step down. We're in the middle of the stairs and I didn't know why he stopped walking down. To my surprise, I didn't expect him to dart his hand on my belly. Napasinghap ako sa gulat dahil sa pagtama ng mainit niyang palad sa tiyan. Hindi gaanong manipis ang suot kong dress pero yung taas ng temperatura ng kanyang kamay ay ramdam na ramdam ko.
"Is my baby fine, hmm? Are you sure he's not troubling you?"
Parang nakiliti ako sa lambing ng boses niya sa tanong niya. Yung mga insekto sa loob ng tiyan ko ay parang nakisabay sa baby namin na maglaro dahil bigla nalang kumilos sa loob ng tiyan ko yung baby. Siguro ay naramdaman niya yung paghawak at ang malambing na boses ng ama niya.
The genuine smile on his face stunned me. It was bright like a morning sun smiling down on the planet. It was the first time I saw him smile like that again since I last saw him smiling genuinely years ago when he had his first turon or what he called caramelized banana rolled up.
He carresed his hand like he's playing with water, gently and full of care while making that genuine smile. Nakakamangha siyang tignan dahil para siyang bata na namamangha nang mahawakan yung tiyan ko tapos gumalaw pa yung baby.
BINABASA MO ANG
Leighton
RomanceBilang panganay sa limang magkakapatid, ang unang pumasok sa isip ni Santi ay pumasok agad sa trabaho. Nang wala na silang mga magulang na magsusuporta sa kanila ay si Santi na ang tumayong breadwinner para sa pamilya niya na hindi niya dapat pabaya...