Chapter 43

318 21 8
                                    

"Alam mo, Santina. Kung hindi mo lang kabuwanan ngayon, baka isinama na kita sa bakasyon namin. Mabuti yung pupuntahan namin kasi may dagat at sobrang tahimik at malayo pa dito sa magulong kalye."

Sumandal ako sa canopy na upuan. Ang dalawang kamay ko ay nakapatong sa malaki kong tiyan. Nandito ako ngayon sa apartment nina Farren at gusto ko lang na umalis sa apartment ko kasi para na akong bampira sa kaputian. Lumalabas naman ako para magpaaraw pero hindi sapat.

Feeling ko mababaliw ako sa loob ng apartment ko kasi minsan ay wala akong kausap lalo na kapag pumapasok sa trabaho si Leighton. Two times a day siya bumibisita sa apartment ko at kapag hindi si Sack ay siya yung kasama ko tuwing gabi kapag wala si Sack.

Kung pwede lang na dalhin siguro ni Leighton yung mga damit niya ay dinala niya na kaya lang ay nirerespeto din niya ang mga kapatid ko. After all, we were just... I didn't know. Friends with benefits. The woman whom he impregnated.

"Pwede naman akong sumama sa inyo—kailangan ay baka may hindi pumayag."

May mapaglarong ngiti sa labi ni Farren nang tumingin sa akin habang nagtutupi siya ng mga kurtinang nilabhan niya.

"Alam ko na yan. Masyado kasing istrikto si baby daddy kaya hindi nakakagala minsan, kung gumala man ay dapat kasama." she teased.

I smiled weakly at her but the butterflies in my stomach danced inside.

Tama siya kasi naging istrikto si Leighton sa akin. Alam ko na nag-aalala siya para sa baby at sa'kin narin kasi heto at kabuwanan ko na. May due date narin ako pero natatakot na ako at syempre excited din kasi makakalabas na din si baby. Makikita ko na yung itsura niya.

"Actually, hindi nga naman ako nagsabi sa kanya na pupunta ako dito. Tinext ko siya na pupunta ako dito. Hindi na nakaalma kasi nandito naman ako."

"Psh. Ikaw din. Bossy ka din." sabi niya na natatawa.

"Hindi naman masyado. Alam naman niya na kapag sinabi kong ganito o ganyan ay totoo. Saka, hindi naman ako palaging lumabas at may driver din ako." sagot ko.

Si Skan ang pinagdrive ko papunta dito sa apartment ni Farren. Si Skan ang may hawak sa kotse ko. Mamaya niyan ay susunduin niya ako para makauwi bago mag-tanghali. I just wanted to get out from my apartment, hindi naman malayo ang apartment nina Farren kaya dito ako pumunta sa kanila. Saka humingi siya ng isang buwan na bakasyon mula sa amo niya. At yun ang sasamantalahin niya para narin mailabas ang lola niya.

Summer vacation na ng mga estudyante kaya perpektong dadalhin nina Farren at ang pamangkin niya ang lola nila sa Cebu. Mayroon din silang mga kamag-anak doon—mga pamilya ng lola niya at doon lang muna sila. Bukas o hindi kaya sa susunod nitong araw sila aalis para mahaba yung bakasyon nila. May isang buwan lang kasing summer vacation ang amo ni Farren kaya susulitin din niya yung sa kanya.

"Hindi ka ba pwedeng sumama sa amin? Alam mo yung ibang mga babaeng buntis ay hindi talaga nagpapatalo basta gala."

Inirapan ko siya at tinuro ang tiyan ko. "Sa laki ng tiyan ko, makakagala pa ba ako ng maayos nito? Baka paglakad ko ay lumabas na agad ang bata."

"Ayaw mo nun, hindi ka na mahihirapan sa panganganak. Pero bukas ang offer ko sa inyo niyan kayong magkakapatid. Masyado na kayong seryoso sa buhay. At sabihin mo dun sa dalawa mo pang mga kapatid—sina Saf at Skan na gumala din kahit papaano para makita naman ang mga beauty nila. Hindi yung babad dun sa kusina. Ang ganda hindi tinatago, inilalabas yan."

"Well, iba si Skan at iba yung mga babae diyan. Saka gumagala naman ako ah, nandito naman ako sa apartment niyo."

Inirapan ako ni Farren. "Ewan ko sayo Santina."

Leighton Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon