Sa ilang segundo ay parang kinapusan ako ng hininga nang makita siya na nasa pintuan. Binalik ko ang aking tingin sa babaeng naglakas-loob kumain sa restaurant ng kapatid ko tapos nanggulo pa. Bumuntong-hininga ako at kinalma ang sarili para hindi ako mastress.
"Kuya! Look what they'd done to me! Kumakain lang kami tapos tinapunan pa kami ng tubig!" she exclaimed dramatically.
Skan stepped out and raised her hand. "Excuse me, huwag niyo pong baliktarin ang kwento kasi hindi po yan ang totoo. May CCTV naman kami at doon makikita yung totoong nangyari—Jani pakisabi kay Piloy na tignan yung CCTV para malaman natin yung totoo." sabi ni Skan nang humarap siya kay Jani.
Leighton tilted his head to look at his... sister or whoever she was in his life, before casting his gaze on me. He looked at me with his dark and deep solid olive green eyes. Tinigasan ko din ang tingin ko kasi kapag magpalamon ako sa kanyang uri ng tingin ay baka maging Jell-O ang leeg ko at matumba ako.
His eyes were like searching for something particular... I didn't know, but it seemed like he was digging for my soul. He parted his gaze away from me and he looked down at the woman who's so aggravating like a spoiled brat.
"Ate ako na ang bahala dito." Nilingon din ako ni Skan at sinabihan.
"What happened Shannon?" I heard Leighton asked.
"Tinapunan ako ng tubig ng waitress, hindi na nga maganda ang service nila dito then tinapunan pa ako ng tubig. Look at my top, it's wet!" Maarteng pagsinungaling ng Shannon.
Hindi ko napigilan na umabante at hindi ko sinunod agad ang sinabi ni Skan na bumalik ako sa pwesto ko kasi sinisiraan niya ang restaurant ng kapatid ko.
"Excuse me lang pero nakita kita na yung kaibigan mo ang nagtapon sayo ng tubig. Sadyang kayo lang ang naninira ng kainan na'to. Bakit pa ba kayo pumupunta dito kung nilalait-lait niyo ang restaurant ng kapatid ko?" I couldn't stop my tongue to slip.
"What?! As what I recalled it's not what happened earlier?!" Niyugyog ang braso ni Leighton nung Shannon. "Kuya it's not true okay? This woman is lying!"
Nagtaas ng kilay si Leighton pagbalik niya ng tingin sa'kin. Alam ko naman na kinakampihan niya yung Shannon na'to. Pero hindi ko talaga matiis yung sarili ko, yung daliri niya na tinuturo sa akin ay binalibag ko dahil ayoko din sa lahat ay yung tinuturo. Ang sarap kagatin ng daliri niya. Lalo na't nanggigil pa ako.
"Hindi ako nagsisinungaling dahil kitang-kita ng dalawang mga mata ko ang ginawa niyo ng kasama mo." Pabalik-balik ang tingin ko sa kanila ng kaibigan niya. "May CCTV ang restaurant na'to kaya makikita niyo kung ano ang totoong nangyari." Mariin kong sabi.
Hindi ako sumigaw kasi may mga tao din na kumakain sa loob. I hated public wars and I hated to talk in front of many people either. It's just that I also hated the way these two immature girls lying under their noses.
"Tama na yan ako na ang bahala dito." bulong sa akin ng bunso kong kapatid, hinawakan niya ako sa braso.
Pero hindi ako nagpatinag. Pati si Leighton na nanatiling nakatayo at nakatingin sa akin ay nilapitan ko dahil hindi siya gumagawa ng aksyon para patigilin yung bunganga ng Shannon.
"Ikaw mister, kung gusto mong paniwalaan itong babaeng ito ay ikaw na ang bahala. Ganun naman kasi kayong mayayaman, porke't may mga pera kinakaya niyo lang ang mga kagaya namin na simple lang ang buhay. Umalis nga kayo dito sa restaurant ng kapatid ko! Mga malas kayo!" Pagtaboy ko sa kanila.
Tinulak ko pa siya pero yung traydor kong utak ay namangha sa kakisigan niya. I thought under his office suit was a firm armor-like muscles. Damn me for not remembering what happened during that night we had sex. It wasn't intimate because I couldn't remember well. I was sleepy but I knew I was under his spell that night.
BINABASA MO ANG
Leighton
RomanceBilang panganay sa limang magkakapatid, ang unang pumasok sa isip ni Santi ay pumasok agad sa trabaho. Nang wala na silang mga magulang na magsusuporta sa kanila ay si Santi na ang tumayong breadwinner para sa pamilya niya na hindi niya dapat pabaya...