Chapter 29

293 17 6
                                    

Pagkagising ko kinabukasan ay nagtaka pa ako kung nasaan ako. Hindi kasi pamilyar sa akin ang kwarto na ginamit ko, pero naalala ko agad na umalis ako ng apartment at nandito ako sa Lemery at gustong magpahinga.

Pero paano ako makakapagpahinga nito kung nasundan ako ni Leighton?

Thinking about him and what we argued last night made me go back home. Pero paano na yung peace of mind ko mula sa gulo ng kapatid ko? I was pregnant and I needed rest more than anything. Rest was the most important to me.

Hindi ko alam kung saan natulog si Leighton kagabi dahil alam ko na maarte siya, hindi siya kukuha ng isang kwarto dito sa pipitsuging inn kasi laking five star or six star hotel siya.

Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama. The bed wasn't as comfortable as mine back home. Pero nagtiyaga lang ako dahil wala akong ibang mapagpipilian. Ayokong gumastos ng mas mahal na hotel kasi hindi pang-isang araw ko lang ito gagamitin. I wanted to stay as long as I wanted to.

I remembered na mayroong karenderya sa malapit ng inn. May pagkain namang sineserve dito sa inn kaya lang ay gusto kong kumain doon sa karenderya. Parang kapitbahay lang ng inn ang karenderya kaya malapit lang.

Pero bago pa ako nagdesisyon na umalis ng kwarto ko ay naghilamos  lang muna ako at nagsipilyo. Nagbihis din ako ng mas komportableng damit. Yung damit na sinuot ko kagabi ay tinupi ko lang muna dahil susuotin ko din yun mamayang gabi. I didn't need to wear another set of pajamas tonight kasi hindi naman madumi yung ginamit ko na pantulog. Ang importante ay underwear yung palaging pinapalitan.

I wore a large white t-shirt na may print pa na mukha ni Bob Marley tapos ay black cotton shorts. Parang nasa bahay lang ako dahil sa fit ko pero ayos lang. Nagsuot din ako ng kaisa-isang tsinelas na dala ko.

Tinalian ko din ng maayos ang buhok ko saka binasa ng kunti yung nasa noo hanggang sa tuktok ng ulo ko para sabihing naligo ako. Hindi ko pa kasi kayang maligo dahil ang lamig ng tubig. Siguro mamaya nalang ako maliligo. Hindi naman daw nawawalan ng tubig dito, ang sabi ng inn owner sa akin kagabi.

Handa na akong lumabas pagkatapos kong ayusin ang gamit ko nang may marinig akong mahina pero madiin na katok.

My eyes rolled automatically.

That kind of knock was came from someone who had a short patience on his forehead.

Yung damit na tinupi ko na sinuot ko kagabi ay inilagay ko lang muna sa ibabaw ng kama sa may tabi ng unan before I pushed myself idly towards the door. Pagbukas ko ay bumungad sa akin si Leighton, na iba na ang suot mula sa suot niya kahapon. Now—he's still formal as ever but he looked rather fresh because of his well shaved face.

Wala nang mga anino ng balahibo sa mukha niya. Actually mas bagay sa kanya yung malinis ang kanyang mukha, yung walang stubbles dahil bumabata din ang itsura niya. Pero mas nakakahiyang tumabi sa kanya dahil nagmumukha akong yaya kapag magkatabi kaming dalawa.

Leighton was wearing a white button-up shirt paired with a black pants. And he's wearing a shiny black Loafer. Yung klaseng mahal na sapatos na mas mahal pa kaysa sa tsinelas ko.

Yung buhok din niya ay medyo mahaba. At mababasa-basa pa ito na parang naligo muna siya bago pumanhik dito sa kwarto ko. Tendril of his black sleek hair hung over his forehead but then may space sa noo niya so hindi din lahat ng tendril ng buhok niya ay nakataob sa noo niya, sa left side ay natataoban pero sa right side ay hindi masyado.

Parang kumuha pa siya ng hairstylist para ayusin ang buhok niya. Ang gwapo niya physically. Pero kapag magsalita siya ay ang sarap kurotin ng bibig niya. Kung hindi niya lang ako ginagalahan, na-aappreciate ko sana ang dating niya. He's irritatingly handsome. Yung kulay krema niyang balat ay tumitingkad. Siguro dahil sa bagong ligo siya.

Leighton Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon