Kinagabihan ay maingay na naman sa bahay. Hindi lang yung bahay namin ang maingay kundi pati yung mga kapitbahay din namin. Gabing-gabi na pero hindi ang iingay parin.
Kumakain kami ng mga kapatid ko—as in kaming lima, dahil maagang umuwi si Skim galing sideline niya. Sila yung maingay na apat habang ako ay seryoso lang na kumakain. Wala na kaming TV dahil nasira na. Pero hindi naman namin kailangan ng TV dahil may smartphones naman kami para sa panunuod ng palabas. Saka mas maingay pa kami kaysa sa maximum volume ng TV kaya mainam na wala kaming TV.
"Ano bang kukunin mong degree program kapag nasa college ka na Sack?" tanong ni Safara kay Sackary.
"Wala. Wala pa akong naisip." sagot lamang ni Sack.
Hindi na ako masyadong nakinig sa usapan nila kasi tumayo na ako na dala yung plato ko at inilagay ko sa lababo. Si Safara na ang bahalang maghugas ng pinagkainan namin. Siya talaga yung naghuhugas kada gabi pero kapag walang pasok ay mayroong nakatuka sa paghuhugas sa umaga at tanghali. Mayroon din naglilinis nitong bahay pero kanya-kanya ang paglalaba.
Una akong pumasok sa banyo para maglinis ng katawan ko at magbihis ng pajama pants at t-shirt. Pumasok na ako sa kwarto ko nang malinis ako atsaka naupo lang sa higaan ko.
Si Skim ay pumasok lang sa kwarto para kunin ang cellphone niya at lumabas din.
Nagscroll lang ako sa cellphone ko hanggang sa marinig ko ang pagtawag ni Sack sa akin. Nagtaas ako ng tingin sa kanya.
"Oh?"
"Magtitinda ba tayo bukas?" tanong niya.
Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam. Whole day ako sa eskwelahan bukas. Bakit?"
"Wala kaming pasok bukas ng hapon." aniya.
Binaba ko ang cellphone ko sa tiyan ko. "Edi mabuti. Magtinda nalang kayo bukas. Ano bang titinda niyo?"
"Gagawa lang kami ni Skan ng banana cake bukas ng umaga kasi may nagpapagawa. Pero baka pumunta kami sa kalye bukas kasama si Safara. Ititinda namin yung pastillas na ginawa namin sa eskwelahan kanina."
"Ganun ba? Edi mabuti. Linisin niyo yung stall doon ha."
"Okie dokie." sagot niya at umalis siya sa pinto.
Bumuntong-hininga ako. Tumayo ulit ako para isara yung pinto. Hindi ko na siya nasabihan na isara kasi tumakbo agad paalis.
Kung gusto nilang magtinda bukas ay ayos lang. May kailangan naman akong gawin bukas sa eskwelahan. May group project kaming gagawin at sa isang course ay may long quiz kami kaya seryosong buhay ito bukas.
Alam ko na kailangan ko rin kumita ng pera pero kailangan ko rin mag-aral para mas may mahanap akong trabaho na maganda.
The next day was a sunny day. I liked the sun but when it's halftime, it's scorching hot. Kaya maaga palang akong umalis ng bahay kasi ayokong masunog ang balat ko sa init. Alas otso palang ay parang alas dose na yung init ng sikat ng araw. Grabe talaga kaya alas syete pasado ay nasa campus na ako.
Diretso lang ako sa isang classroom namin pero wala kaming lecture ngayong umaga at wala din kaming kahit anong activities o quizzes.
"Santina, hindi ka ba aalis papuntang computer lab?" tanong ng kaklase ko.
"Mamaya na ako pupunta doon. May tatapusin lang ako." sagot ko.
"Okay." sabi niya.
May ineencode ako sa cellphone ko na reflection paper ko para bukas. Ipapasa na kasi ito. Mabuti nalang at may nagawa na ako kahapon at ngayon ay sa cellphone na ako nag-eencode. Ipriprint ko nalang ito sa computer lab mamaya kapag matapos na ako.
BINABASA MO ANG
Leighton
Roman d'amourBilang panganay sa limang magkakapatid, ang unang pumasok sa isip ni Santi ay pumasok agad sa trabaho. Nang wala na silang mga magulang na magsusuporta sa kanila ay si Santi na ang tumayong breadwinner para sa pamilya niya na hindi niya dapat pabaya...