Chapter 41

282 18 4
                                    

Hindi mapakali ang mga mata ko sa kakatingin sa mga nasa sahig dito sa sala. Hindi ako makapaniwala na ang lahat ng ito ay para sa akin talaga. Ni minsan ay hindi pa ako nabigyan ng ganitong karaming regalo sa buong buhay ko. Kahit pa ang bumili ng kahit anong gamit para sa sarili ay hindi naman ganito karami.

Problemado akong lumingon kay Leighton na naka-krus lang ang braso habang nakatingin sa akin. Amusement sheltered his face. Ever since he brought me with a hundred shopping bags, his eyes always catched my reactions.

Nasurprisa talaga ako na lahat ng mga  nasa sahig ay siya ang pumili at gumastos ng malaking halaga.

"Bakit mo ako bibigyan ng ganitong karaming regalo? Hindi ko ito nagagamit lahat?" sabi ko sa kanya.

Wala sanang problema kung normal na mga damit lang ang mga binili niya. Pero lahat kasi mga maternity dresses. I only had several weeks before I give birth to our child. Hindi naman ako agad mabubuntis ulit pagkatapos kong manganak.

"Then you wear them every day. That's not a big deal because I bought them for you." Shrugging, he replied coolly.

Napakamot ako sa buhok ko at inirapan siya. Hindi na nga ako nakakaupo dahil ang daming mga shopping bags sa sahig. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga regalo ni Leighton. Masyadong marami. Hindi nga yun kakasya sa aparador ko.

"Come on, let's put it in your room."

He yanked the string bonds handler of the shopping bag and carried some. Siguro tig-tatlo ang dinala niya kasi puro malalaki. At sa isang shopping bag ay ang dami din ang laman.

"Puro ba mga damit ang laman ng mga ito?" Yumuko ako para tumulong sa kanya pero pinigilan niya ako kasi siya nalang daw ang magdadala.

"Just your every day dresses and flats. I saw your collections in your closet—and you didn't have much of it so I bought for you." sagot niya.

Sumunod ako sa kanya papunta sa taas at nang mapansin akong nakasunod sa kanya ay napatigil siya at lumingon sa akin. Yung mga straps ng shopping bag ay ipinasok niya sa braso niya saka hinawakan ako sa kamay. Hindi lang sa braso mismo kundi lahat na ng mga daliri ko ay sakop na niya.

"Lunes ngayon. Ba't ka nandito?" tanong ko ulit.

Leighton was a man of black tuxedo and most of the time he loved to tend his business than hanging out wearing an office attire in my apartment.

"So? I'm the boss and I do whatever I want. I can work at home by the way." sabi niya.

"Kahit boss ka kailangan ka parin ng mga tao mo." sabi ko na nakataas ang kilay sa kanya.

"Why? You're worried my business would go down?"

"Hindi. Hindi naman ako may-ari ng negosyo ko." Diretso kong sagot.

Dumiretso kami sa itaas habang niya ang kamay ko. Ang lambot ng kamay niya at ang init din. Yung init na galing mula sa kanyang kamay ay naghatid ng kiliti mula sa akin. I loved how his fingers lingered around mine.

Pagpasok namin sa kwarto ko ay binaba niya agad sa gilid yung mga shopping bags saka lumabas ulit para kunin yung iba pa. Inayos ko naman ang mga binili niya. Nakakapanhinayang lang kasi dahil ang dami ng mga damit. Galing pa naman sa ibang mga malalaking fashion brands ang mga damit na yun.

Ilang beses na umakyat at bumaba si Leighton para ipasok sa kwarto ko ang mga shopping bags. Mamaya niyan kapag umalis na siya ay ilalagay ko sa kabilang kwarto yung mga yun para hindi magkalat sa kwarto ko. Baka hindi ako makakilos ng maayos dahil maraming mga nakasagabal sa sahig. Hihintayin ko lang si Leighton na umalis bago ko gawin yun kasi pipigilan na naman niya ako gaya kanina.

Leighton Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon