"Ang tahimik dito no? Kung hindi lang sa alon ng dagat, siguro nakakabingi na yung katahimikan."
Muli akong napalingon sa mga tanawin na nakikita ko. Bago sa aking mga mata ang nakikita kong tanawin na hindi gaya dun sa syudad na kinagisnan ko.
Yung lumang bahay na tinutuluyan namin ngayon ay yung bahay na dating tinitirhan ni lola Aneng. May nakatira naman na ibang tao pero kami lang muna ang pinatira ng isang buwan kasi nandun sa Cagayan de Oro yung mag-anak nina Farren.
"Don't worry San kasi walang aswang dito. Walang kakain sa inyo ni baby." biro ni Farren, tinampal ko ang braso niya sa pabirong paraan dahil sa biro niya.
"Manganganak na ako kaya hindi na makakalapit ang aswang sa'kin."
"Oy kahit na no. Alam mo naman dito sa probinsya diba, basta aswang hindi choosy."
"Ewan ko sayo Farren. Ayusin mo nga ang buhok mo, nagmumukha kang aswang. Kapag malaman ko na impostor ka lang iitakin kita agad." sabi ko at inirapan ko siya.
Pero may ngiti sa labi ko.
"Oy grabe ka ha."
Napailing nalang ako at bumalik na sa loob ng bahay. Yung lumang bahay ay parang nireserve lang. Ang sabi ni Farren ay ginawa daw ito noong fifties. May nahaluan lang ng makabagong desinyo gaya ng exterior, yung poste ay mga semento na. Yung interior naman ay simple lang din, kahoy at may mga kahoy na furnitures.
May apat na kwarto itong bahay kasi para naman ito sa malaking pamilya. Pumasok ako sa kwarto na binigay sa akin. Yung may ceiling fan na tapat mismo ng higaan kasi mainit daw. May electric fan naman na maliit din at malaki ang bintana kaya hindi din mainit.
Sa labas ng bintana ay nakikita ko yung likod ng bahay. May hardin na ang mga pananim ay mga halamang namumulaklak, mayroon din na hindi at mga gulay.
Umupo sa isang monoblock chair na kulay puti. Sumandal ako habang nakatingin sa labas. Mahangin dahil hindi kalayuan yung dalampasigan sa bahay. At hindi din mausok gaya dun sa syudad kaya nalalanghap ko yung sariwang hangin. Mabuti nalang at sumama ako kay Farren dito. It's nice to give birth into this kind of environment.
Napadaing ako at napahawak sa tiyan ko. Kahapon pa sumasakit ang tiyan ko. Bearable naman ang sakit pero madalas na siyang sumasakit. Hindi naman napipigilan ang sakit, napipigilan naman pero hindi pwede sa akin ang uminom ng iba't-ibang gamot na hindi para sa buntis kasi delikado.
Bigla din namang nawala ang sakit pero hindi ako huminto sa paghimas. Ang sabi ni Farren ay manghihilot daw dito. Hindi ako naniniwala sa ganyan pero ang sabi ni Farren ay maayos daw na nakakapaghilot para maayos yung pwesto ng baby at hindi din mahirapan sa panganganak. Hindi ako naniniwala sa ganun kasi baka maano yung baby. Baka mabali pa buto ng baby.
Pero sabi din naman ni Farren ay magaling daw yung manghihilot na yun. Pero hindi ako sigurado kung magaling nga.
May kumatok sa pinto ng kwarto ko at napalingon ako.
"Hindi yan nakalock." sabi ko sa taong nasa labas.
"Auntie Santi, kakain na daw. May biniling pagkain si auntie sa kapitbahay na may karenderya." anunsyo ni Gigi.
"Sige. Lalabas nalang ako Gi." sagot ko.
Nagpaalam naman si Gigi na pupunta na daw siya sa kusina. Isang malalim na buntong-hininga ang ginawa ko saka marahang tumayo mula sa upuan ko. Binuksan ko ang pinto at naglakad papunta sa labas habang hawak ko ang tiyan ko.
Kumapit ako sa barandilyas ng hagdan na gawa sa kahoy. Mabuti nalang at hindi umiingit yung hagdan na parang masisira na. Matibay ang pagkagawa nito. Yung umiingit lang ay yung sahig sa itaas.
BINABASA MO ANG
Leighton
Roman d'amourBilang panganay sa limang magkakapatid, ang unang pumasok sa isip ni Santi ay pumasok agad sa trabaho. Nang wala na silang mga magulang na magsusuporta sa kanila ay si Santi na ang tumayong breadwinner para sa pamilya niya na hindi niya dapat pabaya...