Chapter 28

123 10 9
                                    

Hindi ko maialis ang tingin kay Leighton na nasa harapan ko na. His hair was slight disheveled, threads of his hair were hanging above his forehead and his eyes, those olive green eyes that could burn me alive today with his silent raging look towards me.

"Ang galing mo. Ang galing-galing mong umalis na hindi sinasabi sa'kin. Do you intend to hide away from me just like what you're planning to hide your pregnancy before? It's a good I hired someone to watch over you for me. If it's not for him, hindi kita makikita ng ilang buwan o taon."

Pinagsama yung lamig at talim sa boses niya. Para akong nasa ibabaw ng Mt. Everest na mamatay sa talim ng lamig. And Leighton was that Everest. Ang taas niya na parang hindi ko kayang maabot at ang lamig din na parang hindi ako makakasurvive dahil sa uri ng tingin na pinapakita niya ngayon.

Pero napahinto ako dahil sa sinabi niya. I blinked and I tilted my head.

"Anong sinabi mo? May tao ka na sinuhulan para magbantay sa akin? Ganun ka na ba kadesperado na hindi ako lumayo para sa kagustuhan mo?"

Hindi niya ako pinansin. Hindi niya ako sinagot. Instead, he pushed the door to open widely and then he entered without sparing a glance to me.

Napaawang ulit ang labi ko sa reyalisasyon. Kaya pala nagtext siya sa akin kanina kung nasaan ako, yun pala ay may tao siyang nagmamasid sa akin at nagbibigay ng update sa kanya na hindi ko alam. Hindi ko nga malaman na may nagbabantay pala sa'kin.

"And this is the place you got? You're not even sure na safe dito."

Lumakad siya sa gitna. Sumilip siya sa labas ng bintana. Chineck yung ilalim ng kama at pati yung banyo. Pagsilip niya sa banyo ay hindi nakaligtas sa tingin ko ang pagngiwi niya nang makita yung balde at hindi bathtub. Alangan naman may seven star hotel dito sa Lemery eh yung doon nga sa Metro ay ang mahal-mahal ng mga five star hotel.

Napamewang ako habang sinusundan siya ng tingin.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo, Leighton? Bakit mo ako sinundan dito? Daig ko pa ang nakapatay ng tao dahil sa pagsunod mo sa akin."

Tinapunan niya ako ng parang kidlat na tingin. Sharp look.

"I told you before of what I'm capable of. And chasing you is what I'm going to do if that's what you want, chasing." His voice didn't have any spark in it. Just bland like water.

"Hindi ko sinabi na sundan mo ako. Magtetext na dapat ako sayo kanina pero naunahan mo ako."

"Liar. Hindi mo gagawin yun dahil gusto mong makatakas sa akin." he snarled.

Ako naman ay napatawa ng mapakla. Grabeng lalaking 'to. Ang hirap niyang kausapin. Sa loob ng ilang taon bilang isang Leighton na nakilala ko dati ay ang laki ng ipinagbago. Talagang ibang-iba na siya kumpara sa dating Leighton na nakilala ko.

"Bakit ka ba nagagalit sa akin na umalis ako na walang paalam? Hindi naman kita asawa para magpaalam ako sayo."

He smirked, facing me.

"You're carrying my own flesh and blood. Hindi lang sayo dugo at laman yan kaya susundan talaga kita kahit saan ka man magpunta."

My brows curled. "Anong ibig mong sabihin? Na naghahabol ka sa baby?"

Tumuwid siya ng tayo at hindi nagbago ang ekspresyon niya sa mukha. Imbes na umiwas siya ng tingin dahil sa tanong ko ay hindi siya umiwas. He stood in front of me bold and proud.

"What is it to you if I want that baby? It's mine too."

Napasinghap ako. Hindi malakas. Tama lang na inilabas ko yung paghinga ko. Nagulat ako sa sagot niya. May pagdududa palang kami ni Sack pero tama siya. Naghahabol nga si Leighton sa baby ko.

Leighton Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon