Padaskol kong inilapag ang cellphone ko sa may lamesa. Wala na akong pakialam pa kung masira ito. Naiirita akong binuksan ang aparador na nasa itaas ng lababo at kinuha yung de lata ng corned beef. Binuksan ko yun, madali lang naman buksan saka inilapag ko muna sa lamesa yung corned beef.
Umaga palang ay hindi na naging maganda ang araw ko. Nagtext kasi sa akin si Sack at ang sabi sa mensahe niya ay may kumuha daw ng larawan sa akin kasama si Leighton sa harap mismo ng apartment ko.
Kanina lang ay may nakita daw siyang isang lalaki na nasa loob ng pick-up at may hawak na camera, siguro paparazzo yun. Pero agad naman niyang sinaway. Buti pa siya ay sinaway yung taong yun kasi hindi naman ako artista para abangan.
Ang naiinis din ako dahil nasali pa ako sa pagiging celebrity ni Leighton. Pero hindi naman siya celebrity para sundan ng mga paparazzi so nasaan doon ang privacy niya bilang isang pribadong businessman?
Napailing nalang ako at nagpatuloy sa pagluto. Alas syete na ako nagising dahil tinatamad akong bumangon kanina. At ngayon ay huli na ako sa shop. Gusto ko pa naman na maaga akong pupunta doon para tumulong sa pagtahi kaya lang ay mukhang hindi yata ako mapapaaga. Mukhang alas otso o kaya alas nuebe na ako makakapunta doon sa shop.
Hindi din ako pupunta muna sa boutique dahil alam kong mainit pa yung nangyari kahapon sa restaurant. Ang sabi sa akin ni Skim ay hindi daw nagbukas si Skan kagabi sa Skantxu dahil sa nangyari pero yung isang restaurant ay bukas kaya mabuti nalang at hindi siya masyadong nagpa-apekto sa eskandalosang pinsan ni Leighton.
Yung amoy ng corned beef sa kawali na may sibuyas ay nanghahabol dahil sa sarap ng amoy. Hinain ko na ito bago pa man masunog. Tapos ay nagsandok din ako ng kanin. Tama lang ang kinuha ko kasi wala akong gana na kumain ng maraming kanin.
Pero dahil gusto ko ng maalat ay corned beef ang niluto ko kasi tama lang din ang alat. Hindi din pwede akong kumain ng puro maalat kasi magkakasakit ako sa kidney nito.
Mabagal lang akong kumain kaya matagal akong nakatapos. Sunod kong ginawa pagkatapos kumain ay hinugasan ko ang kinainan ko pati din yung kagabi dahil hindi ako naghugas. Tinamad na kasi ako kaya ngayon ko lang nahugasan ang lahat ng ginamit ko na plato at baso pati ang ibang kubyertos mula kagabi.
Saka na ako nakaligo at nagbihis agad nang matapos ko ang aking mga gawin sa baba ng apartment.
Then I went out worrying nothing about paparazzi lurking in our area. Ang tahimik sa kalsada. Mangilan-ngilan narin ang mga dumadaan rito dahil hindi naman rush hour.
Sakay ng kotse ko ay bumiyahe na ako papunta sa shop. Hindi din ako natagalan sa pagpunta doon dahil hindi traffic at maayos ang daloy ng trapiko at fifteen minutes lang naman ang tinagal bago ako nakapunta sa Needles Point shop dahil may dinaanan pa akong cafe para bumili ng pagkain.
Pagdating ko sa shop ay nakahinga ako ng maluwag dahil nakapasok narin ako sa shop kahit pasado alas nuebe na. Pumasok ako sa maliit kong opisina. Medyo nagkakalat lang ang mga damit na tinahi ko dahil hindi ko ito naayos noong isang araw.
Paglabas ko ay inilabas ko ang mga tinahi ko saka sinabihan si Cathy na ihanger ang mga dress galing sa opisina ko.
"Patapos na ba itong gown?" tanong ko sa isa kong mananahi na mas matanda sa akin ng isang taon.
"Zipper nalang sa likod at yung hem sa baba." sagot nito.
"Yun nalang ho ba?"
Tumango ako saka inayos ang salamin para makapagtahi na ulit. Bumuntong-hininga ako at inayos yung white gown na nasa mannequin, patapos narin ito at handa na itong ipasok sa boutique. Para ito sa mga gustong mangrenta para sa kasal o di kaya ay sa ibang okasyon. Pero karamihan ay para sa kasal ginagamit ang mga puting gown para doon sa hindi na gustong magpatahi.
BINABASA MO ANG
Leighton
RomantizmBilang panganay sa limang magkakapatid, ang unang pumasok sa isip ni Santi ay pumasok agad sa trabaho. Nang wala na silang mga magulang na magsusuporta sa kanila ay si Santi na ang tumayong breadwinner para sa pamilya niya na hindi niya dapat pabaya...