Chapter 13

124 9 1
                                    

"So si Leighton yung lalaki yun?" Panimula ni Farren na nakakunot ang noo.

Bumuntong-hininga si Sack habang katabi niya si Safara na nilagyan ng yelo ang kanyang mukha na nasuntok. Nagiging purple na yung ilalim ng mata niya.

"Alam mo hindi ko siya nakilala na dahil sa itsura niya. Ang kapal din ng balbas ni Leighton, para siyang Arabo." Hindi makapaniwalang sambit ni Sack.

"Yun ba yung kinukwento sa akin noon na naging customer niyo sa pagtitinda niyo sa—"

Pinutol ko yung sinabi ni Farren sa mapait na tono. "Oo siya yun." sagot ko.

"...kalye." ani Farren.

Umusog siya palapit sa akin at kinalabit ako.

"Pero Santi, gwapo siya in fairness kahit napupuno ng balbas. Parang Hollywood actor ang dating niya, mayroon ding kumuha ng larawan sa kanya kanina lalo na yung sinampal mo." Farren countered.

Kanina pagbalik ko kina Farren ay magtanong sa akin na reporter yata yun kung bakit ko daw sinampal si Leighton. Ang sinabi ko lang ay sinuntok niya ang kapatid ko kaya ko siya nasampal, gumaganti lang ako sa pagsuntok sa kapatid ko.

At napansin ko rin na may ilang paparazzi na kumuha ng larawan kina Leighton. Sikat kaya siya? Baka isa siyang artista ngayon kaya siya sinusundan ng paparazzi?

"Ano bang apelyido ni Leighton? Search nga natin siya sa Facebook."

"Iistalkin mo?" May halong panunuksong tanong ni Farren.

"Gaga hindi. Nacurious lang ako dahil para siyang artista kanina na kinukunan ng larawan. Siguro naging artista na siya." sambit ko.

Huminto sa pagdiin si Safara ng compress sa kanyang mukha. "So kaya niya na tayo hindi pinapansin dahil sikat siya ganun? Sus, ang kasikatan hindi permanente unless naman masyado kang mahal ng mga tao at hindi masama ang ugali mo."

"Agree. Pero hindi ko alam ang apelyido ni Leighton kasi kung alam ko ay sinearch ko na yung pangalan niya." saad naman ni Sackary.

Humugot ako ng malalim na hininga at ipinikit ko ang aking mga mata. I massaged my temple. I felt like my energy had drought. I felt so exhausted of what happened today.

A moment later, we called it a day because it's already late and we still had work for the next day. Kasabay kong umuwi ang apat. Una kong hinatid si Farren sa apartment nila bago yung dalawa kong mga kapatid.

"Lagyan mo din ng ointment yang mukha mo pero huwag lang damihan para humupa yang pasa sa mukha mo." bilin ko kay Safara nang makababa siya ng sasakyan ko.

"Sure. Papasok na ako." Pagpaalam niya.

"Goodnight." tugon ni Sack.

Pinaandar ko ulit ang sasakyan atsaka dumiretso na sa may apartment ko. Pinasok ko muna ang sasakyan bago kami lumabas ni Sack ng kotse. Sabay kaming bumaba ng tahimik.

"Okay ka lang?" Bigla niyang tanong.

Napatingin ako sa kanya saka dahan-dahang tumango.

"Oo naman. Bakit?"

She shrugged. "Wala lang. Nakikita ko lang na parang hindi ka okay. Iniisip mo ba si Leighton? Huwag mong isipin yung taong yun kasi hindi mo naman siya naging ex-boyfriend o ex-fling."

"Hindi ko naman siya iniisip. Wala naman siyang iniwan sa akin na kahit ano." sagot ko. I sighed again. "Pagod lang ako. Saka aaminin ko rin na nagulat ako na nakita ko siya after eight years."

Sack puffed out an air. "Siguro kulang ka lang ng relaxation. Bukas magbar-hopping tayo. May kilala akong mga bar na sikat. Syempre hindi sa bar ng kapatid natin ha. Medyo may kalayuan pero at least nakakapag-enjoy tayo. Friday naman bukas at sa Sabado ay hindi ka naman talaga mahilig magbukas ng shop."

Leighton Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon