Katatapos palang ng exam sa isang course namin ay para na akong zombie nang makalabas ako sa classroom. Yung blockmates namin ay ganun din pati mga classmates ko. Talagang magkakaroon ng zombie apocalypse sa panahon ngayon kapag araw-araw may exam.
Grabeng stress kasi at kagabi nga ay dalawang oras lang akong nakatulog dahil sa kakastudy. Nakatulog ako ng alas dose at nagising ako ng alas tres ng umaga para mag-aral. Plus we're going to have our oral reporting. Para siyang thesis defense. Bukas na yun at kinakabahan ako.
Next semester ay may thesis na kami kaya super kinakabahan din ako para doon. Pero hindi naman makaka-graduate kung walang thesis. I hated to speak in front of the panelists let alone speak in front of too many people. Pati mga kaklase ko kasi ay manunuod kaya doble ang kaba.
May nakasalubong akong mga kaklase ko. Binati ko naman sila pero nagugutom ako kaya lumabas ako ng campus. Tutal ay wala naman akong exam at uuwi nalang ako. Paglabas ko ay dumiretso ako doon sa nagtitinda ng mga street food.
"Ale isang pineapple juice nga po." sabi ko at inabot yung ten pesos.
"Ito lang 'neng?"
I nodded. "Oho."
Sa bahay na ako kakain dahil may leftover pa kaming sapin-sapin. Nasa refrigerator yun at lahat kami ay may mga leftovers. At kanya-kanya yung lalagyan ng mga pagkain na tinira namin. May mga kulay naman kasi yung mga container namin at hindi kami naglalagay ng pangalan sa mga container kasi para sa amin ay kasakiman na yun at sobrang damot na.
Hindi ako madamot sa mga kapatid ko kahit nga kay Skim na nakakainis talaga, yung sagad sa buto na inis ay hindi ko siya pinagdadamotan. Kapag nag-aaway kami ay yun talaga ang problema kasi siya naman ang palaging sumusobra kaya napupuno ako.
Umupo lang muna ako sa tabi ng puno. Yung mga puno kasi dito sa may kalsada ay nilibutan ng semento na pwedeng maupuan ng mga tao. Ang sarap din tumambay dito kasi mahangin dahil sa mga puno.
Paubos na yung iniinom kong palamig nang mapaigtad ako sa gulat dahil may bumusina sa gilid ko. Akala ko ay masasagasahan na ako kaya napatayo ako sa pagkataranta. Mahal ko pa kaya ang buhay ko at kawawa ang mga kapatid ko kung iwan ko sila.
"Putangina!" Napamura ako.
And I just heard someone laughed crisply. Malalim akong humugot ng hininga habang napatingala at nakapikit.
"I heard you cuss. Ang lutong nun ah." Teased by the one and only Leigh-fucking-ton.
Tumigil siya sa pagdrive at pinatay ang kotse niya. Inubos ko na yung palamig ko at tinapon sa malaking trash bin.
"Nakakagulat ka naman kasi!" sabi ko sa kanya.
Yung pagkakunot ng noo ko ay hindi nabura dahil sa kanya. Sino ba naman kasi ang matutuwa na halos malaglag na yung puso ko sa kaba nang bigla siyang bumusina sa akin.
"Akala ko ay mababangga yung kotse sa akin kaya nagulat ako. Gago ka kasi." Naiinis na sabi ko.
Nabura yung ngisi sa labi ni Leighton nang makitang seryoso ako. Marahan niyang pinatong ang kamay sa balikat ko at yumuko para tignan ako.
"Hey. I'm sorry if I scared you like that. I'm really sorry, Santi. I promise I'll not do it again."
Pinunasan ko yung tumulong pawis sa gilid ng aking mukha gamit ang likod ng kamay ko. Wala akong dalang panyo dahil nakalimutan ko kanina. Nagmamadali na kasi ako sa pagpasok sa eskwelahan.
"Here."
Kinuha niya yung panyo galing sa likod ng bulsa niya saka binigay sa akin.
Umiling ako. "Hindi na. Sayo yan eh."
BINABASA MO ANG
Leighton
RomanceBilang panganay sa limang magkakapatid, ang unang pumasok sa isip ni Santi ay pumasok agad sa trabaho. Nang wala na silang mga magulang na magsusuporta sa kanila ay si Santi na ang tumayong breadwinner para sa pamilya niya na hindi niya dapat pabaya...