Chapter 12

302 20 2
                                    

Niyakap ko ang aking sarili nang maramdaman yung lamig ng hangin na tumagos sa balat ko. Marahan akong naglakad pabalik na sa sasakyan ko para makauwi. Kaliwa't-kanan ang tingin ko nang tumawid ako sa pedestrian lane para maging ingat sa mga sasakyan na dumadaan.

Ang dami naring tao dito sa Lopez. Sobrang dami dahil sa mga estudyante na kumakain sa mga restaurant at sa mga bar na gusto nilang pagtambayan ng ilang oras bago umuwi sa kani-kanilang tinitirahan.

Nakalapit na ako sa sasakyan ko nang masagi sa isip ko yung tao kanina na nakabangga ko. Hindi ko ma-recall kung saan ko siya unang nakita pero nakita ko talaga siya dito sa Lopez street atsaka pamilyar din ang kanyang boses. Parang si Leighton.

Napairap ako sa hangin nang maalala ko ang taong nang-ghost sa akin. Literal talaga na ghinost ako kasi wala na din akong contact sa kanya simula noong gabing yun. Hindi ko na siya natawagan pa, parang blinock yung number ko o di kaya ay nagpalit siya ng number para hindi ko siya matext o matawagan. Praktikal talaga siyang hindi nagpakita sa akin o di kaya sa mga kapatid ko.

Nakakaputangina talaga ang taong yun. Pero pasalamat siya at nakalimutan ko na siya kasi kung dinibdib ko yung pagghost niya sa akin ay baka naglumpasay na ako sa iyak. Pero di ko yun gagawin, ano ako, tanga na sobrang attached sa kanya? I'd never going to choose someone like him because he's really different. Kahit umasenso man ako sa buhay ay alam kong mas marami siyang kayamanan kaysa sa akin.

I sighed and shook my head to clean out the Leighton fog in my head.

Bakit ko pa siya iniisip eh wala naman siyang ambag sa buhay ko?

Kung ano man ang mayroon ako ngayon ay kuntento na ako dahil hindi na ako nakatira sa dati naming bahay at may sarili na akong negosyo at kahit mag-asawa na ako at least financially stable na ako. Ang kailangan ko nalang ay yung lalaking hindi tamad at may sarili ding trabaho para hindi naman ako yung bumubuhay sa lalaki, jusko, ayoko yung ako pa ang bumubuhay sa lalaki.

Binuksan ko ang sasakyan ko saka pumasok sa loob. The headlights turned on when I started the machine too then I rolled the wheel to maneuver the car.

I got out from the busy street with my mind thinking straight to go home.

Inihinto ko ang sasakyan sa tapat ng apartment ko saka ipinasok ito sa may gate. Yung gate ng apartment ko ay palaging bukas kapag wala ako sa bahay pero kapag nasa apartment na ako ay sinasarado ko yun dahil may sasakyan na nasa loob. Ang hirap kasing bumaba sa sasakyan para lang buksan ang gate tapos babalik ulit sa loob ng sasakyan para ipasok tapos kapag naipasok na ay bababa ulit para ilock.

Pinatay ko ang sasakyan saka kinuha ang mga dalang gamit ko at lumabas. Nilock ko ang kotse at yung gate naman ang nilock ko bago pumasok sa loob ng apartment. Sumilip ako sa katabi kong mga apartment. Yung nasa tabi ko ay kay Sackary tapos yung iba ko pang mga kapatid ay dito din sa street na'to nakatira kaya lang ay hindi kami magkakatabi dahil may mga nauna na kasing mga tao na nakabili pero malapit lang naman kami, walking distance lang naman kaya hindi din ako nag-aalala para sa kanila.

At least hindi kami naghihiwalay na lima kasi kung ano man ang may mangyari sa amin ay hindi na kami mahihirapan na makahingi ng tulong. We fought, but it's not so often like we were used to when we're younger. Nag-mature din ako simula noong nagkatrabaho ako tapos hindi narin ako masyadong mapride gaya ng dati kasi ako yung nakakatanda at ako din dapat yung hindi magpapasimula ng gulo. I was almost thirty and my adulting life was really lifting into another level.

I missed my younger days but we couldn't go back to our younger selves anymore.

Binuksan ko ang ilaw sa foyer at sa sala hanggang sa kusina. Kumuha ako ng tubig sa pitcher na mula sa fridge at linagok ang isang baso ng tubig. I gasped out an air as I finished the whole glass of cold water. Hinugasan ko rin ang baso na ginamit bago ko iniwanan ang kusina.

Leighton Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon