Chapter 23

282 20 1
                                    

Pagdating ko sa apartment ay pinagpawisan ako ng malamig. Para akong sumabak sa karera sa gitna ng nyebe. Hindi ko alam kung bakit ganito nalang katindi ang reaksyon ko. Siguro ay sa takot na baka mabulyawan at ireklamo sa tangkang pagpasok na walang permiso. Pero may permiso ako galing kay miss Torre.

Siguro hindi alam ni miss Torre na hindi yung pag-uusap na nasa isip niya ang nangyari. Kundi yung pag-uusap na may kasamang ungol at ibang klaseng aksyon.

Kung ganun naman lang ang maaabutan ko ay hindi na ako pupunta. Sasabihin ko nalang kay miss Torre na hindi ako tutuloy. Hindi talaga ako tutuloy, kahit pilitin pa ako, hindi ako sasama.

"Oh ba't ang bilis mong makauwi? Ano, bumili ka lang ng tinapay na ganyan ang suot?"

Naabutan ko si Skan sa apartment ko nang makapasok ako. Paalis na siguro siya dahil bitbit na niya ang kanyang tote bag tapos ay nakasuot na siya ng jacket. Siguro ay paalis na talaga siya.

"May pinuntahan lang ako pero hindi kami nagkausap dahil abala kaya umuwi nalang ako."

She bobbed her head idly showing zero interest of my explanation. Inayos niya ang kanyang jacket tapos ay nagpatuloy siya sa paglakad.

"Aalis na ako. Pinatay ko nga pala ang oven mo. Yung muffins ay nasa lamesa, pinapainit ko pa. Linagyan ko ng salted caramel sa ibabaw kasi alam ko na gusto mo yun." she asserted.

I nodded weakly. "Salamat. Ingat sa pagmaneho ng scooter mo." sabi ko.

"Sure. Ikaw nalang ang bahala dito." sabi niya na parang siya ang may-ari ng apartment ko.

Tumango lang ako habang hinihimas ang aking braso. Para mainitan. Sumunod ako kay Skan papunta sa pinto. I also muttered another goodbye before I locked the door.

Nang makaakyat ako sa kwarto ako ay kinuha ko agad ang cellphone para makapagtext kay miss Torre. Yung number niya sa opisina ang gagamitin ko hindi ang numero ni Leighton. It's not appropriate to tell his secretary our agreement pero damay na yung sekretarya niya kasi siya naman palagi ang kinakausap niya para manotify ako at sekretarya din niya ang magsasabi sa kanya mula sa akin na hindi ako sasama sa kanya sa Indonesia, period.

The next morning, I woke up feeling better. Simula nang mabuntis ako ay minsan nalang ako magkaroon ng magandang gising. Dati kasi ay nagigising ako dahil sa morning sickness and it's not so easy to gain a good mood because of the guts I spewed every morning. Instead of feeling better, my mornings were always bitter.

Pagpasok ko sa trabaho sa shop ay tumulong ako sa paggupit ng tela. It's a fine silk for the gown we're making next this week. Isang kandida sa beauty pageant ang mismong nakiusap sa akin na tahiin ang gown niya. Evening gown wasn't my specialty.

I was more into wedding gowns or any formal gown for debutant. Pero siya ang nagsketch at dahil nakiusap siya sa akin ay sinunggaban ko na para din sa experience. We're doing our best for our customers.

"Cathy wala na ba tayong matalim na gunting diyan? Mapurol na kasi itong gunting ko." sabi ko, huminto ako sa paggunting ng silk dahil sa gunting.

"Sandali lang po ate, tignan ko po sa storage room baka may makita ako." aniya'y lumakad papunta sa storage room namin.

Binaba ko ang gunting at napamewang sa harap ng silk na nakalapag sa lamesa. Kinuha ko ang meter stick at lumakad papunta sa labas. Sinuksok ko ang lapis sa naka-bun kong buhok. Tumingala ako sa langit at tinignan kong nasaan na ang araw.

Makapal ang ulap sa langit pero hindi siya maitim. Actually mainit pa nga ang panahon kahit nakatago ang araw sa likod ng parang bulak na mga ulap. I looked down on my watch to check the time. It's ten twenty-six in the morning. Ang dali lang ng oras. Kanina ay alas otso palang tapos ngayon ay malapit ng magtanghali.

Leighton Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon