"Aalis ka?"
Napalingon ako kay Sack na nasa pinto ng kwarto ko. Nakasandal siya at may dalang isang tasa ng kape, kape base sa aroma na nalanghap ko. Binaba ko muna ang isang damit na tinupi ko sa kama at napahawak sa tiyan ko bago umupo sa higaan.
"Oo. Tutuloy lang muna ako sa Lemery. Magbabakasyon lang muna ako doon para naman. Hindi din mabuti sa mental health ko kung nandito lang ako. Ayoko nang makagawa pa ng nakakahiyang eksena. Para tayong hindi mga edukada." sambit ko.
"Wala naman kasing may nagsabi sayo na ipalipad mo ang tsinelas mo sa mukha ng babaeng yun." Sack bit her lower lip to suppress her laughter.
I tsked and shook my head. That scene made me puke. I wouldn't do that again.
"Kaya nga ako aalis muna para makalimutan ko yun. Nabigla lang talaga ako sa pangyayari kaya nagawa ko yun."
Sack nodded. "Alam ko naman na nabigla ka lang. Pero hindi mo ugali yun."
"Kaya nga. Sa susunod ay hayaan na natin si Skim na depensahan ang sarili niya kasi ang tigas ng ulo niya. Palaging napapasugod dito ang mga babaeng yun dahil sa kanya. At hindi din ito ang unang beses ha. Baka nga hindi pa yun ang huling beses din, baka sumugod pa ang mga yun." sabi ko.
"Eh ako hindi na talaga ako mangingialam sa kanya. Bahala siya sa buhay niya. Feeling niya, teenager pa siya."
Umalis siya sa pagkakasandal sa pinto saka naglakad papasok at pasalpak na umupo sa silya na katabi ng bintana. Umayos naman ako sa pag-upo sa kama. Tinapunan ko ng tingin ang maliit na maleta na nasa paanan ng kama. Kunti lang ang dadalhin kong mga damit. Hindi naman ako isang fashionista na kailangan na magdala ng maraming damit.
Okay na sa'kin ang limang pirasong dress saka pantulog. Pwede naman akong bumili sa lugar na pupuntahan ko kung naisin ko. Pero sa ngayon ay hindi lang muna dahil ang hassle kapag may mga damit na dala. Saka mayroon pa akong ibang mga gamit na importante sa akin.
"Ikaw na muna ang mag-asikaso sa Needle's Point habang wala ako. Wala ka namang gala diba?"
She only nodded which made me sigh in relief. What a relief to know.
"Ilang linggo ka bang mananatili sa Lemery?"
"Hanggang sa last trimester ko." Madali kong sagot.
Nanlaki ang mga mata niya sa gulat.
"Ha?! Ang tagal pa nun."
I shrugged.
"Gusto kong magpahinga, Sack. Hindi healthy sa akin ang nandito lang sa bahay din dahil alam mo naman na magtatahi talaga ako kapag dito sa apartment eh alam mo naman na para akong gagamba. Hindi mapakali ang mga kamay ko kung hindi ako nakakahawak ng sinulid at karayom."
"Edi putulin mo ang mga kamay mo."
Hinampas ko sa kanya ang pamaypay na nakalatag kanina sa kama. Napatawa naman siya habang nakaharang yung mga kamay niya nang isangga sa paghampas ko.
"Sana maintindihan niyo kung bakit ko gustong umalis. Saka... gusto ko lang makaiwas kay Leighton. Kulit nang kulit kasi na patirahin niya ako sa bagong bili niyang condo."
Isang linggo na ang nakalipas mula noong pumasok siya sa apartment ko. Panay ang text at tawag niya sa'kin, tinatanong kung kailan daw ba ako papayag na tumira sa condo niya. Ang sagot ko lang kada tanong niya ay pinagdedesisyonan ko pa.
Ang totoo lang niyan ay natatakot ako. Natatakot ako sa lahat ng mangyayari kapag pumayag ako na tumira sa condo niya.
I might be fragile and pregnant, but I knew how to make a decision for myself. Ang tingin sa akin at sa baby ni Leighton ay mga easy to get lang. Eh ako lang naman ang nagdesisyon na mabuntis.
BINABASA MO ANG
Leighton
RomanceBilang panganay sa limang magkakapatid, ang unang pumasok sa isip ni Santi ay pumasok agad sa trabaho. Nang wala na silang mga magulang na magsusuporta sa kanila ay si Santi na ang tumayong breadwinner para sa pamilya niya na hindi niya dapat pabaya...