"Dos mil mo. Bayad na ako ha."
Pinatong ni Farren ang dalawang libong pera sa lamesa ko. Nasa harap ko siya nakaupo sa visitor's chair habang ako naman ay nasa likod ng lamesa. Mula sa suot kong eyeglasses na nasa nose bridge na ng ilong ko ay tumingin ako sa kanya.
I sighed with sympathy as I collected the money she borrowed from the last time we met.
"Hindi nalang dapat magbabayad. Hindi naman ako naniningil sayo. Wala namang tubo ito." sabi ko saka inilagay sa drawer yung pera.
"Ayos na yan. At least makakautang pa ako sayo sa susunod." sagot nito.
"Kumusta naman si lola Aneng, okay na ba ang kalagayan niya?"
"Sa awa ng Diyos hindi pa siya kinukuha ni Lord. Ayun, gumaling agad dahil sa pagpa-ospital namin sa kanya."
Napatawa ako sa sinagot niya dahil may halong sarkasmo at asim sa tono niya. Hindi ako na-ooffend dahil sanay na ako sa kanya. Simula palang noong mga bata pa kami ay alam na alam na namin ang mga ugali namin.
"Binigyan ko din ng five hundred kanina. Ayun, mas lumakas."
Isang malutong na tawa ang nasagot ko sa kanya. Grabe talaga.
"Mabuti yan dahil pera lang pala ang katapat." I responded.
"Oo nga eh. Tapos binigyan pa siya ni Gigi ng one hundred. Ayun, pinangtaya sa Lotto." Napakamot siya sa kanyang buhok habang nagkukwento tungkol sa ginawa ng lola niya.
I crinkled my nose as I cracked a laugh.
Bumuntong-hininga siya saka tumayo. "Hay naku. By the way, aalis na ako dahil maghahanda pa ako sa interview ko. Sana naman lang ay may mahanap na akong trabaho nito."
"Ano bang inaapplyan mo?"
Nagtaas siya ng kilay saka ngumisi. "Yaya." sagot niya bago tumalikod para umalis ng shop.
Napanganga nalang ako sa sagot niya. I blinked. Twice.
Mag-aapply siya para maging yaya?
Napailing ako dahil kahit ano nalang ay pinapasukan ni Farren. Iba kasi ang buhay niya ngayon kaysa dati. Pero natutulungan ko siya dahil sa akin siya palagi umuutang ng pera. Wala naman siyang ibang mapupuntahan kasi sa akin o kay Billie o di kaya sa mga kapatid ko siya tumatakbo para makautang.
Dati ako ang umuutang sa kanya. Ngayon ay siya naman. Pero ang laki kasi ng tulong niya noong panahon na nag-aaral palang kami. Sobra ang tulong niya kasi may pera siya noon dahil si lola Aneng nakakapagtinda at malakas pa kumita ng pera. Pero ngayon ay hindi na pwedeng lumakad sa malayo si lola Aneng dahil sa katandaan nito. Nasa mid-eighties na ito at marunong narin magpasaway.
Binaba ko ang salamin ko at inayos ang pagkakapusod ng buhok ko. Tinusok ko ang lapis sa buhok ko saka tumayo mula sa silya ko at lumabas ng opisina.
Tunog ng mga makina sa pagtatahi ang bumungad sa akin nang lumabas ako mula sa opisina. Seryosong mga mukha at mahinang musika na galing sa radyo ang humalo sa ingay ng makina. Bumaba ako sa may first floor ng shop ko. Diretso ang lakad ko hanggang sa labas ng shop.
"Cathy, naayos na ba ang pinapagawa ni Miss Tañala?" tanong ko.
"Opo ate. Mamaya ay kukunin niya na po yun doon sa boutique." Tumangong sagot ni Cathy.
"Oh sige. Pupunta ako doon."
"Okay po."
"Dumaan ka nalang doon sa tindahan ha."
"Sige po ate."
Tumingala ako sa sign na nasa shop ko. Napangiti ako sa bago kong shop. Two storey ito at ito yung naging factory ko nang gawin kong boutique yung nauna kong patahian sa Lopez street.
BINABASA MO ANG
Leighton
RomanceBilang panganay sa limang magkakapatid, ang unang pumasok sa isip ni Santi ay pumasok agad sa trabaho. Nang wala na silang mga magulang na magsusuporta sa kanila ay si Santi na ang tumayong breadwinner para sa pamilya niya na hindi niya dapat pabaya...