Chapter 19

332 18 2
                                    

Masidhing tawanan ang napuno sa apartment ko kahit iilang tao lang ang inimbita ko sa araw na'to. Boses palang ng mga kapatid ko ay parang sampung tao ang nasa loob, lalo pa't nadagdagan ng dalawa—sina Billie at Farren na mga kaibigan namin.

Ngayong araw kasi ay kaarawan ko. It's my thirtieth birthday. And I was celebrating my birthday with my family and friends. And we had double celebration because Skim and I shared the same birth month. Sa January nineteen pa ang birthday niya kaya lang ay hindi kami makakapag-celebrate dahil may lakad siya kasama ang iba pa niyang kabarkada.

Natuwa din naman ako na nagawa niyang isabay yung birthday celebration niya sa akin at least parang nagcelebrate narin kami sa birthday niya kahit ilang linggo pa bago ito lumapit.

We just blew the candles on our cakes and now we're happily eating and drinking. Of course hindi pwede akong uminom dahil buntis ako. Nasa three months na ang pinagdadala ko kaya bawal. Yung mga kasama ko ay champagne ang iniinom samantalang ako ay strawberry juice lang.

Hindi din ako kumain ng marami dahil yung mga handa namin ni Skim ay puro matatamis. Saka hindi naman ako mahilig ngayon kumain ng matatamis. I was still craving for salty foods and I loved eating savories than sweets.

I chuckled when Farren handed me her gift.

"Ito yung regalo ko sayo, pagpasensyahan mo na dahil yan lang ang kinaya ko." sabi niya.

I felt touched kasi may effort din siya sa pagbigay ng regalo sa akin. Mayroon din siyang binigay kay Skim.

"Salamat Far, nag-abala ka pa. Okay lang naman sa akin kahit walang regalo."

"Sus ayos lang no. Saka maayos naman ang pasweldo sa akin. Daig ko pa ang master teacher sa laki ng sweldo ko. Mayaman ang amo ko." she persisted.

Binuksan ko ang regalo niya at natuwa ako dahil isa yung flat shoes na pwede kong gamitin palagi kapag umaalis ako ng apartment. Well I needed flat shoes more for these coming weeks. Hindi ako pwedeng magsuot ng pumps kasi baka ako matapilok at mapano pa ako. If I wanted to keep this baby then I needed to take care of myself more than anything.

Si Billie naman ay dalawang tinahing maternity dress niya. Pero namangha ako dahil ang mahal ng tela na ginamit niya. Sa mga kapatid ko naman ay puro mga gamit na kakailanganin ko sa pagbubuntis ko.

Nagslice ako ng cake para tikman yung cake na binili ko. Pagkakuwan ay tumabi sa akin si Billie na may dalang plato.

"Gusto mo ba ng cake?" tanong ko.

She nodded with a kind smile. "Oo."

Ako na yung nagslice ng cake para sa kanya. I brought down a one slice of cake on her plate. Naupo kami sa tabi ng lamesa habang nakatingin sa lima pa naming mga kasama na ang laki ng boses habang nagkukwentuhan sa iba-ibang bagay.

Napatawa kami ni Billie nang makitang napapalakpak si Billie habang tumatawa ng malakas sa kwento niya. Nakisali din ang mga kapatid ko na hindi na masyadong nakakahinga sa kakatawa.

"Alam mo... hanggang ngayon ay hindi ko parin ma-sink in talaga sa utak ko na ipagpapatuloy mo ang pagbubuntis mo. Although, blessing naman ang baby. Siguro ay kaya mong palakihin kasi may mga kapatid ka namang magsusuporta sayo kapag nanganak ka na."

"Tanggap naman nila itong pinagbubuntis ko. Saka ang sabi naman nila ay matanda na ako para sa desisyong ito."

Napatango siya na naintindihan ang sinabi ko. She gently nudged me with her elbow.

"Masuwerte tayo dahil may mga kamag-anak tayong sumusuporta sa atin. Alam mo naman na bago ko pa makilala si Oxford ay si nanay ang naging sandalan ko sa pagbubuntis ko dati. Lalo na't nadagdagan pa ng isa. Sa pagdating ni Nillie diba?"

Leighton Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon