Maayos kong hinilera ang mga paninda sa harap ng stall. Iba't-ibang klase ng mga kakanin ang niluto namin ng mga kapatid ko. At ngayong araw nga ay walang pasok kaya apat kaming nagtitinda dito sa stall namin sa may kalye. Kasama si Safara na minsan lang sumama.
Kailangan kasi niya ng pera dahil malapit na yung exams nila at meaning lang nun ay marami na namang projects ang ipapapasa nila kaya kailangan talaga ng pera para may ipapanggastos.
Si Skim naman ay nasa bahay at naiwan naming nagtatahi ng uniform ng ibang tao. Sideline niya yun at malaki din yun. Hindi na din masyadong malayo ang pagtatapos ng finals namin kaya heto at lahat kami ay kumakayod para narin may panggastos para sa nalalapit na exams namin.
Tumabi muna ako para mabigyan ng daan si Safara nang ilagay niya sa harap yung isang basket na may laman na mga pastillas.
"Ikaw lang muna dito sa harap, magtatali muna ako ng buhok." sabi ko sa kanya.
Si Sack kasi ay bumalik sa bahay dala yung pedicab dahil kukunin niya yung nilabhan na apron kahapon. Wala kasi siyang apron dito at nasa bahay habang si Skan naman ay nagpriprito ng turon.
Lumabas ako ng stall at sa may gilid ako nagsuklay ng buhok. Pinusod ko ito pagkatapos ay nilagyan din ng hairnet para hindi magkalat. Lahat kaming nagtitinda ay dapat malinis tignan kasi para makita ng mga customers na malinis kami dito. Saka may mga katabi kaming nagtitinda din. Hindi naman maiiwasan yung may kakompetensya ka sa negosyo.
Pagbalik ko sa loob ng stall ay umupo ako sa stool habang naghihintay ng customer. May tatlong stool dito sa loob. Kasi hindi na kasya yung iba so may isa na sa pedicab nalang uupo.
Nagsalamin ako para makita kung may dumi ba ako sa mukha o di kaya ay may morning glory. Mabuti naman ay wala.
Pinagpapaypay ni Safara yung mga paninda para hindi madapuan ng langaw.
Halos kalahating oras ang paghintay namin ay may bumili naman pero kunti lang. Mula umaga hanggang hapon kasi kami ngayon dahil wala namang pasok sa eskwelahan. Kaya tiniis naming magtinda kahit ang init ng panahon para lang may pera na makita. Hindi kami kikita kung sa bahay lang kami tumunganga buong hapon.
Balak din namin magtinda bukas para sulit yung walang pasok para may pera talaga kami para sa gagamitin sa eskwelahan.
Hindi kami pwedeng mangutang kasi demanding na ang mga tao ngayon. Uutang ka ngayong araw tapos sisingilin ka na agad. Mayroon naman na nagpapautang tapos kapag sabihin mo yung araw pero hindi yung oras ay umaga palang, hindi pa nga sumisikat ang araw ay nandyan na sa labas ng bahay niyo at naghihintay. Mayroon din na nagpapautang na pagsasalitaan ka pa ng masasakit o marami pang tanong bago ka pautangin.
Mayroon din na nagpapautang na makikipagkwentuhan muna pero lilituhin ka na parang nakapasok ka sa isang maze para lang hindi makautang. Ang daming ganun na nga tao kaya hindi kami nangungutang sa mga kagaya nila. Nangungutang lang ako sa walang problemang mga tao, kagaya nalang ni Farren. Kung may pera siya ay magbibigay pero kapag wala ay wala talaga akong makukuha kasi parehas din kaming salat minsan.
Kaya heto, naghahanap-buhay kami para lang hindi makautang sa mga kakilala namin.
Pagsapit ng ala-una ng hapon ay nakausad naman ang paninda namin. Marami-rami narin ang aming natinda. Hindi kasi maraming tao ang bumibili sa umaga kaya hindi kami nagtitinda sa umaga eh pero kahit papaano ay hindi kami nabukya.
"Bukas ate, huwag tayong masyadong early na pumunta dito kasi nakakaantok lang. Tignan mo oh, yung muffins lang ang naubos. Mabuti nga at naubos yan eh kasi ang dami nating bahaw kapag hindi natinda lahat."
Narinig ko yung reklamo ni Safara habang naghuhugas ako ng lunch box ko. Pinatay ko yung gripo na nasa pader. Malinis naman itong tubig dahil may salaan na tela para masala yung dumi. Tapos ay ibinalik ko ang tingin sa kanya. Kaalis lang yung customer saka humarap din siya sa amin.
BINABASA MO ANG
Leighton
RomansaBilang panganay sa limang magkakapatid, ang unang pumasok sa isip ni Santi ay pumasok agad sa trabaho. Nang wala na silang mga magulang na magsusuporta sa kanila ay si Santi na ang tumayong breadwinner para sa pamilya niya na hindi niya dapat pabaya...