~~~~**
Kasalukuyan nang nagpapahinga si Nicole, nakatulog na din sina Iris at Younha sa loob. Nagamot nadin tong sugat ko pati narin ang sa kanila.
Pagod na pagod na din ako pero hindi ko magawang matulog. Ang daming gumugulo sa isip ko. Ang dami pala nilang itinatago sa akin.
“Y-yomi.. are you alright?” bakas sa mga mukha nila ang pag-aalala. Nakaupo lang sila dito upuan na nasa labas nang kwarto. Tumango nalang ako at umupo din sa tabi ni Cy.
“May gusto ba kayong sabihin sakin?” tanong ko at tumingin sa kanila.
“Sermon gusto mo?” sabi naman ni Kuya Shin. “Tingnan mo nga yang itsura mo. Ano bang nangyari at bakit kasama niyo na si Nicole na ganun ang lagay?”
“Tinulungan lang namin siya mula dun sa mga lalaking may balak na kung ano”
“Dapat pinabayaan niyo nalang. Psh~” sabi naman ni Rence at lumapit sa akin. “Kawawa naman ang Yomi ko. Masakit ba to?” tanong niya habang itinuturo ang parte nang braso na may gauzes. Ginulo ko naman ang buhok niya.
“Isa ka pang patay malisya” mukha namang nagtaka sila sa sinabi ko. “Sabihin niyo nga, bakit ba itinago niyo ang lahat? Bakit hindi niyo nalang nilinaw sa akin para naman kahit papano, hindi ako naging pabigat?” pagpapatuloy ko. Nagkatinginan lang sila at tumingin sa malayo. *sigh* Mga ‘to talaga.
“A-ano bang sinasabi mo?” Cyrus asked.
“Come on Cy, split it out”
“Aish! Wala na talagang naidulot na maganda yang si Nicole” reklamo ni Kevin. “Siya ang nagsabi diba?” tanong niya.
“Buti nga sinabi niya sakin. Kesa yung akala ko okay lang ang lahat tapos buhay ko na at nating lahat pala ang nakataya sa simpleng galaw nila”
“Sorry about that Yomi..” matamlay na sabi ni Cyrus habang nakayuko at napahawak nalang sa ulo. “Psh! Isa ka pa! Kelan ka pa natutong pumasok sa mga gang thing na yan? Hindi tayo pinag-aral nang martial arts para sa ganyang bagay Cyrus Kim”
“e-ehh kasi.. Sorry na. Hindi ko naman alam na hahantong sa ganto. Sorry. Pati ikaw nadadamay pero ginagawa ko naman ang lahat para hindi mangyari ang gusto nila. Kasama ang buong banda, hindi ka naman namin pinababayaan” Cyrus explained.
“Hindi ko naman pinproblema yung nadamay ako, alam ko naman na hanggang huli hindi niyo ako iiwan. Ang sakin lang, bakit pinasok mo. Ikaw din ang napapahamak at mahihirapan. Okay sabihin na nating nandiyan na, nangyari na pero sana sinabi mo man lang sakin diba? You can count on me naman.”
“Sorry… kasalanan ko but.. please Yomi, wag ka naman magalit sakin oh” sira ba ang isang to? Kelan ba ako nagalit sa kanya? “Magagawa ko ba naman yun? Lika nga dito” sabi ko nalang at niyakap siya. Nakita ko naman ang mga mukha nang barkada na parang nabunutan nang tinik sa dibdib.
“I love you Yomi. I always do” nasabi nalang ni Cy habang nakayakap sakin. Kaya naman hindi ko magawang magalit sa isang to, bawing-bawi agad eh. It feels so good to have such a caring and loving cousin.
“I feel the same” I said. “Aish! Tama na nga to. Baka gusto niyo pang humaba ang speech ko eh” basag ko nalang sa awkward moment nang barkada.
“Pwede na ba akong huminga?” tanong ni Rence na parang kakapusin na sa hininga. Tinuktukan naman siya ni Kevin. “Stupid as always Rence”
“Akala ko kasi magagalit siya satin” nagkatawanan nalang kaming lahat.
Maya-maya pa lumabas na sina Nicole, Younha at Iris. Hindi naman masyadong malala ang natamo ni Nicole kaya pwede namang hindi manatili dito. Halatang nagulat siya nang makitang kumpleto padin kami dito.
![](https://img.wattpad.com/cover/5161077-288-k181081.jpg)
BINABASA MO ANG
MuMeSmile ( Music Makes Me Smile ) [Completed: Revised]
Teen FictionThis story is about a girl who really loves music. She had a beautiful voice and know how to play guitar. Behind her smile is the loneliness that almost breaks her heart . The worst kind of pain is when you smile just to keep the tears from falling...